buhay nga naman
ito na naman ako, na-aaddict na naman ako...
ewan ko ba kung ang internet ay isang kaibigan o ito ba ay isang kaaway. sabi ng kaibigan di na raw kasalanan ng internet kung addict ako, kasalanan ko na raw yun. ayokong isiping kasalanan ko nga, pero wala naman akong ibang masisisi kung di ang sarili ko.
syempre ito naghahanap na naman ako ng impormasyon tungkol sa isang tao, tawagin nyo na akong stalker pero ganon lang talaga ako. pag nagiging curious ako sa'yo e parang kailangan kitang hanapin pero kung hindi kita mahanap bigla ka na lang mawawala sa isip ko. at ito na nga meron na naman akong biktima...
pero parang ako ang biktima at hindi sya. pag may nalalaman ako tungkol sa isang tao na taliwas sa mga paniniwala at prinsipyo ko e nalulungkot ako kahit dapat naman ay hindi ako na aapektuhan. pero ito na naman ako, apektado.
ewan ko, pinanganak na ata talaga akong ganito. at hindi ko rin naman masisisi na lumaki ang mga tao sa iba-ibang kondisyon kaya iba-iba ang paniniwala, prinsipyo, at lalo na ang mga ugali natin...
basta, talo na naman ako. pero sino ba ang nagsabi na isa itong laro? ako ata...
note: aalis na ako dito sa bahay namin, hindi na ako makapag-aral pag nakikita ko itong computer

0 Comments:
Post a Comment
<< Home