my thoughts...

Sunday, April 15, 2007

I love...

Lately naiisip ko ang mga bagay na nagpapasaya sa'kin, wala lang bakit ko nga ba naisip...wala lang Ü

I love
- riding the mrt during weekend mornings (kung kelan unti lang ang tao sa mrt)

- riding the new lrt train...astig ang ganda kasi sa loob ng station(pero medyo dumudumi na sya pero so far sya pa rin pinaka-malinis) at saka anluwag nung train

- walking around the whole of Araneta Center pag medyo pagabi na (paghindi na mainit)...wala lang kasi maayos na sya ngayon at saka it's a place na andaming mall na magkakatabi

- the Christmas lights sa Ayala Center (Glorietta) during Christmas lalo na pagnaka-upo ka sa gilid ng Food Choices kita mo sila dahil sa glass wall/window

- buying good clothes pagsale...pahirapan kasi pagsale (lalo na pag mallwide na gustong-gusto kong pinupuntahan) kaya natutuwa ako pag good finds talaga ang nakukuha ko

- watching japanese anime, korean movies and series Ü grabe paminsan na lang ako manood ng walang subtitle na movie

- food trips with my friends (lalo na kung super OK ng napuntahan namin kainan) ito na lang din kasi ang bonding namin after college

- going out with Rose, my bestfriend of 10 years...natutuwa ako kasi kahit paminsan na lang kami magkita super best friends pa rin kami

- eating out with the whole family, paminsan na lang kasi namin itong nagagawa (pag may occasions na lang) kaya chinecherish ko yung ganito

- seeing the lights during the night pag nasa mataas na place ka like office or tagatay

- eating chocolates (lalo na kung libre hehehe) mapa chocolate bar, cake, drinking hot coholate basta may chocolate hehehe

- the feeling after ng 'peace be with you' part sa mass...ewan ko ba parang ang saya-saya

- seeing bouquet of flowers (lalo na yung maraming white or pink roses na magkakasama at saka stargazer) mula pa kasi dati mahilig na ako sa flowers

- seeing cha-cha dance...hehehe may tuturuan na rin akong sumayaw hehehehe

- holding a friend's arm then putting my head on their shoulder...sarap nong ganon lalo na pagsad ka at nagsheshare ka sa kanila...so comforting

- overnight sharings...no holds barred ito hehe

madami pang nakakapagpa-saya sakin pero ito na lang muna :D

PS. thanks nga pala sa mga taong nagpapasaya sa'kin, minsan di ko kayo napapasalamatan pero super thank you talaga, ayt!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home