my thoughts...

Sunday, July 04, 2004

"will you be my girlfriend?"

walang nagtanong sa'kin yan at lalo namang hindi ko tinanong yan kung kanino headscratch... yan ang sinabi ng karakter ni patrick garcia sa karakter ni shaina magdayao sa 'seasons of love' kanina. syempre napag-isip agad ako... kung magkaka 1st boyfriend kaya ako tatanungin nya rin kaya ako ng ganyan. o bigla ko na lang sasabihin sa kanya na mahal ko na rin sya... pero hanggang ngayon puro iniisip ko lang yan kasi wala pa naman siya e.
 
sa gulang kong ito you can't help but wonder kung kelan ba siya dadating. ito na kasi ang panahon kung kelan yung mga kaibigan mo e isa-isa nang nagiging attached habang ikaw e flowing in your own world, world of being single. ito ang panahon kung kelan may umaaligid-aligid na sa friends mo habang sa'yo wala pa... *sigh* inaamin ko minsan na rarattle ako pero sa dami ng ginagawa ko e minsan e parang wala na syang epekto sa'kin.
 
ito ka na naman e...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home