my thoughts...

Friday, August 06, 2004

happy day?

di ako nakapag-aral kagabi para sa exam ko ngayon pero after sa pakikipag-usap sa prof ko e naging take-home ang exam namin, yipee at bigla kong naisip mukhang masayang araw ito!

kahit di naging half-day lang ang classes e masaya pa rin ako. walang computer na gagamitin yung reporters sa PI 100 namin kaya yun wala ring PI. yipee, 2 pts to a happy day na! (don't get me wrong na kesyo ayaw ko ng PI 100, nasa mood na kasi ako na half-day lang ang classes today kaya nung malaman kong hindi pala half-day e medyo na sad ako).

pag dating sa tambayan, kahit masikip dahil sa dami ng apps, e masaya. yung isa kong friend na memcom e nag-uusyoso sa sigsheet ng mga apps kaya join na rin ako. nakakatuwa yung mga nakasulat sa mga descriptions nila sa mga sarili nila. dito ko napatunayan na naman na may pagkaka-iba-iba ang mga tao. natutuwa pa ako dun sa isang app, kahit babae sya ang mga favorite songs nya ay hindi kina Christina Aguilera at Britney Spears at alam nya ang Dashboard Confessional! hehe marunong din syang mag-Nihongo nagpatulong pa nga ako sa kanya. sayang lang at wala pa silang desciption sa'kin at sana nakapagsign na ako kahit single sig palang. pero in fairness pag tinatanong ko sila, kilala naman nila kung sino ako, dapat lang kung di lagot sila sa'kin hahaha.

at dahil wala na kaming exam ngayong gabi e nakatambay kami sa tapat ng eng'g, sarap tumambay! pero may biglang sinabi yung isang ulupong kong friend: "wala namang balita dyan" referring to my lovelife, tama ba namang ipamukha sa'king na-zero ang lovelife ko. yung ulupong na yon wala na kasi yung chicklet nya e, pati ba naman ako dinadamay.

nakahanap na rin pala ako ng kasamang manonood ng Insiang sa wednesday. yipee, ayoko kasi ng nanonood ng sine mag-isa. kahit hapon na ako manonood, ok lang basta may kasama.

at buti na lang at nagka-code name na rin ako sa crush ko. haha kanina after sa pagtatanong ng magandang two-syllable name ng lalaki sa mga orgmates e bumagsak ako sa pagbibigay ng code sa kanya na blues clues. yah you heard it right, blues clues. hehe.

pahabol: for a big chunk of points, umuwi na galing probinsya sila chacha, ate at mommy. tapos na ang mga araw ng century tuna (puro kasi ito ulam ko sa umaga ng wala si mommy) wahahaha.

------------------------------------------------

blues clues ga suki desu.

------------------------------------------------

friend sorry. yesterday i broke my promise.


------------------------------------------------

natakot ako kanina (as in kanina pa nung nasa UP pa ako), thinking about my weird level of happiness, kakaiba kasi e sobrang saya ko. naisip ko baka mamaya prelude to sadness yun. but as the day comes to an end i conclude that this is a happy day. zero casualties. no one is hurt, especially me Ü

0 Comments:

Post a Comment

<< Home