my thoughts...

Friday, March 25, 2005

Good Friday

Birthday ng Dad ko today. walang masyadong celebration kasi Good Friday nga ngayon, sa Easter na lang ang celebration kasi fiesta dito sa'min. pero may cake dito sa bahay, galing kay ate. Rocky Road ang flavor, favorite ko.


=========================================

what's inside my mind right now...


Fallin' by Janno Gibbs. Dahil sa Full House (kahit kapamilya ako e nanonood rin ako sa 7)


Image hosted by Photobucket.com


grabe isang gabi palang na walang ganito e namimiss ko na ito. ang kulit kasi nung dalawang bida. pero naiinis ako pagnagseselos si jessie. kung bakit di ko rin alam, pero sa monday ipagtatapat nya na ata kay justin na may gusto sya rito pero pwede ring magjojoke lang pala sya. basta abangan na lang sa monday. ang cute nila noh.


Useless ranting about my non-existing lovelife. nung isang araw may sasabihin ako dapat kay louie pero di ko nasabi kasi ang daming tao, tapos sinabi nya "may bago kang crush?" wala ang sagot ko. sa totoo lang pagtinanong mo ako ngayon kung sinong crush ko, wala akong masasagot na matino kasi wala akong as in "crush". actually ok lang yun pero minsan nakakainis din kasi katulad ngayon wala akong magawa at ito ang iniisip ko, ang kawalan ko ng crush e sana yung crush ko na lang ang iniisip ko ngayon pero wala, blangko. kagabi nakita ko kapitbahay kong tinatawag kong all time crush ko pero nung nakita ko sya kahapon parang wala lang. ang pinaka-matutuwa sa mga pangyayaring ito ay ang nanay ko. ayaw nya akong magka-bf kasi baka daw masira ang pag-aaral ko. sa totoo lang ok lang sa'kin di muna magka-bf, sa dami kasi ng gusto kong gawin sa buhay di ko alam kung san ko pa isisik ang mga bagay na ganyan.


this dress. nagtitingin ako ng dress sa net kasi gusto ko talagang magdress pero dahil sa katabaan ko at kabansutan e hindi bagay sa'kin magdress. sa aking pagsusurf sa net nakita ko ito. dress by Marc Jacobs. simple pero nagustuhan ko. 2000USD lang naman.


Image hosted by Photobucket.com

7 Comments:

  • hehe, nakakatawa parang ang awkward nung pic nung full house, parang sinasakal ni justin si jessie.

    By Blogger Superproxy, at 1:28 PM  

  • gaaaaaaaaaaah! full house!! full house!!! gaaaaaaaaaah! ahahaha wala lang! harharhar

    By Blogger Plue, at 4:58 AM  

  • ^oo nga; naisip ko kung kailangan ko ng dress papatahi na lang ako ng katulad nito hehe. $2000 grabe talaga

    By Blogger twisted-mind, at 7:42 PM  

  • oo nga.. parang sinasakal niya. pero ang cute nila, kahit hindi gwapo si justin. as parang nakakahawig niya si tiodin.

    pero natutuwa ako sa fullhouse! hindi ako masyadong ma-kapuso pero tutuwa ako! =)

    By Blogger Richelle, at 10:17 PM  

  • nyak oo nga no, nagkaka-hawig sila ni tiodin. nakakatuwa talaga fullhouse Ü medyo parang sinasakal nga pero gusto ko talaga itong pic na ito.

    By Blogger twisted-mind, at 5:29 AM  

  • This comment has been removed by a blog administrator.

    By Blogger twisted-mind, at 5:29 AM  

  • This comment has been removed by a blog administrator.

    By Blogger twisted-mind, at 5:30 AM  

Post a Comment

<< Home