my thoughts...

Sunday, August 15, 2004

ulan

ang mga sasakyan ay rumaragasa sa ating harapan
ang tubig mula sa ulan ay binabasa ang ating mga paa
tahimik ka kaya ako'y nanahimik na lang
may ispasyong namamagitan sa'ting maliit
pero pakiramdam ko ang layo mo ay higit-higit pa
mga ilang byaheng Quiapong jeep ang sa'ting harapan ay dumaan
pero tila ayaw mong gumalaw sa iyong kinatatayuan
maghahating gabi na pero parang hindi mo ito alintana
dahil di ka umiimik o gumagalaw man lamang
at ng dumating ang jeep na ating sasakyan
unting salita lamang ang lumabas mula sa iyo
hanggang sa jeep ay ramdam ko ang tensyon
tensyong namamagitan sa'tin sa gabing malakas ang ulan
ayokong ikaw ay tanungin dahil ayaw mo naman iyon ay aking gawin
hanggang sa dumating ang jeep sa aking bababaan
at wala na tayong ibang nasabi sa isa't isa kung di "ingat ka"

at nagtext ang kaibigan ko. nagsosorry at bad trip lang daw sya at nadamay pa ako. ok lang, apology accepted.

5 Comments:

  • hindi ko alam bakit inaatake tayo ng ganyan kapag tag-ulan. but then again, one of the nestt set of memories sa akin ay nangyari ng tag-ulan. :)

    -vani

    By Anonymous Anonymous, at 5:44 PM  

  • naalala ko noong grade school pa ako nagtampisaw kami, habang nakakapote o kaya may dalang payong, nung friends ko sa gitna ng malaking quadrangle sa siena. hay ang saya-saya namin non. ganito nag ata talaga ang epekto ng ulan

    By Blogger twisted-mind, at 6:02 PM  

  • huh? anong nangyari? sino siya?

    lost ako.

    By Blogger Richelle, at 1:54 AM  

  • si chinitz ito hehe. lost ka ba? yan yung after KEM dinner nung binaba nyo kami sa philcoa.

    By Blogger twisted-mind, at 8:35 AM  

  • a ok... bad trip pala siya non?

    By Blogger Richelle, at 12:31 AM  

Post a Comment

<< Home