my thoughts...

Thursday, December 02, 2004

bagyo

malakas ang hangin sa labas. ang mga puno ay sumasayaw. naririnig ko ang halushos ng hangin sa binatana. pumapasok sa loob ang lamig. pero andito ako sa loob. ligtas. tuyo. buhay.

habang sa ibang dako ng bansa may mga taong nakikibaka sa mapanalantang bagyong ito.

ang iba naman ay wala ng laban. tapos na ang lahat para sa kanila.

pagtapos ng bagyong ito magpapatuloy ang buhay.

Ipagpanalangin natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home