my thoughts...

Monday, November 22, 2004

panaginip at iba pa

down ang blogspot kaya ito delayed entry ito.

nanaginip ako. sa eng'g daw may magnanakaw. habang nakaupo kami sa labas ng es26 rooms e bigla na lang may nagkagulo. nanakaw yung bag nung isang taong nandun rin sa labas ng es26 room at sabi ni manong janitor ay marami na raw na nanakawan yun. maitim raw na lalaki yung magnanakaw at sasabihan ka na nawawala ang coin purse nya tapos hahablutin nya ang bag mo. parang ang bilis-blis nyang tumakbo dahil walang nakakahuli sa kanya pagtapos nyang gawin ang krimen. habang lost pa ako, si iche at waquer sa pangyayari ay pumanik daw kami dun sa susunod na stairway sa eng'g at umupo sa hagdan. usap usap usap... hanggang may may humawak sa balikat ko na maitim na kamay. tina-try kong isukbit sa arms ko yung bag ko pero kahit anong gawin ko ayaw nyang mangyari at nagsalita na ang taong nasa likod ko "nawawala ang coin purse ko." nagising na ako na naaagaw hininga.

iniisip ko ang panaginip ko. malamang dapat ako na yung susunod nyang biktima. tapos naiisip ko baka nagpapahiwatig lang ito ng ibang bagay. bumaba ako sa salas namin dahil naiwan ko yung cellphone ko doon at naisip ko baka may pumasok na ibang tao sa bahay kahapon at kinuha ang cellphone ko (kasi nangyari na yun sa isa kong kaibigan) kaya mukha akong windang na bumababa sa hagdan. pero buti na lang nandun pa rin ang cellphone ko.

--------------------------------------------------------------

may mga bagay talaga na madaling makapagpababa ng morale. honestly, napakababa ng morale ko ngayon. *darn* not now.

parang gusto ko ng magquit pero wala pa ang totoong laban. coward.

pero itutuloy ko ang laban. bahala na.

---------------------------------------------------------------

may tamang pagbibigay ng criticism. sana constructive ang lahat ng criticisms kasi natatanggap ko yung ganon e. pero pag hindi na constructive i take them badly, very badly.

---------------------------------------------------------------

di ko na sya masyado inisip. grabe i-congratulate nyo ako! pero... hahaha.

4 Comments:

  • my BLOG angel,,, wag po panghinaan ng loob... =) let's just think na gusto lang nila mapabuti tayo, at ganun talaga ang nature ng KEMers...

    wag na wag po isiping mag-quit... basta andito lang ako, kami... we believe in your talent... magtutulungan tayo! =)

    luv yah, mwah! :*

    By Blogger Yacel, at 9:09 AM  

  • ^salamat yacel *naiiyak* i know, kaya nga tina-try ko rin ang best ko. *mwah*

    By Blogger twisted-mind, at 10:24 PM  

  • "may mga bagay talaga na madaling makapagpababa ng morale.."

    true.. kahit anong pilit mo pataasin ang morale mo, may bigla na lang sisira at magpapababa ulit.. but that's life..

    jsm

    By Anonymous Anonymous, at 3:35 PM  

  • dati, lahat ng panaginip ko, sinusulat ko pa. tapos, tina-try ko i-analyze kung ano connection nun sa buhay ko. la lang. =)

    --noringai

    By Anonymous Anonymous, at 8:36 PM  

Post a Comment

<< Home