my thoughts...

Saturday, December 18, 2004

tapos na ang eng'g week

kaya antagal kong nawala ay dahil sa preparation sa eng'g week. nag-indakan ako at pagdating ko sa bahay ay pagod na ako at di na gumagana utak ko.

sa preparation period palang andami ng nangyari pero eng'g week proper na lang ang gagawan ko ng account.

dec. 9 - first day ng eng'g week. sa food fest 1st kami (sayang di ko nakita yung food dahil may eee1 lab ako). mga 3:30 pm pumunta kami ng friend ko sa robinson's metr east at sta.lucia mall para maghanap ng costume ko sa indakan. muntik na akong mabaliw sa mall dahil wala akong mahanap na magandang dress na magfifit sa character ko, buti na lang sa gozum meron kahit 800 pesos sya e binili ko na. bumalik kami sa UP at kinausap ko ang smokers peeps dahil kasali ako sa smokers. first appearance ko sa smokers at kahit maliit lang ang aking role e at least na-experience ko na ang smokers. bago kami nagperform ininterview kami for wazzup wazzup at pinakita iyon the next day. next year ulit mag smokers ako. 3rd kami sa smokers. 2nd- 49ers. 1st - Aggre.

KEM bading daw, wala na bang bago? e kami na rin aminado na na bading kami e -

- preparing for smokers



some of the cast -

dec.10 - cheering day, ang lahat ay gumagawa ng pompoms at saka mattress stuffeng'g din that day. nag 2 runs sa cheering nung una kasi di tumunog yung cd pero go pa rin ang mga cheerbelles. sa second run maayos na. 3rd kami sa mattress stuffeng'g na sinalihan ng cheerbelles and lifters (salamat guys) at 2nd naman sa cheering compet. sa cheering 3rd -CIEM, 1st- IEC. cheerbelles alam natin kung sino ang dapat na number one.

- ang mga naggagandahang KEM cheerbelles

doing their routine -

dec.11 - usually saturday bumababa ang points ng org namin dahil sa kawalan ng tao, BUT NO this year first pa kami sa scoring nung saturday. may tatlong laro na magkakasabay nangyayari pero lahat may naglalaro at may audience pa. salamat sa new mems na talaga namang nakita ko sila at syempre sa mga resident na laging nasa tambayan na mems. kami namang indakers nasa malayong lupalop kami ng mundo at nagpapractice w/ ate vicky (diretso sya from airport) at pagbalik namin sa UP e di syempre kwentuhan sa nangyari sa buong araw at kumain kami nila louie at brando sa may university arcade (may nakita akong someone dito, di ako sure kung sya yun). 10 pm na kami umalis don at naka-receive ako ng message na 7:30 am pala call time ko the next day *sigh*

dec.12 - 7:30 am palang asa outlet yard na ako at andun na si mj. imagine sa labas kami ng outlet yard nagstretching hehe. sa airdance studio kasi kami nagpractice nung umaga (o di ba bongga hehe). tapos nung hapon sa gym na. malaki raw ang improvement namin sabi ng mga alumni, madumi kasi talaga yung routine namin bago dumating si ate vicky. maaga kaming natapos unlike last year na halos past 10pm na kami natapos. pero di rin ako nakapagpahinga, mga 1am na rin ako nakatulog.

dec. 13 - indakan day. 8am palang asa tambayan na ako (kahit ang usapan naming indakers e mag-aatend kami ng 7am gen mit) si mj palang ang nandun pero naglalaro sya ng something. tapos nung magdatingan na kami lahat nagstretching at linis ng unti ng routine with ate vicky. 1:40 something e nasa celebrity sports na kami para sa blocking namin sa stage pero di yun nagstart kaagad. nagstay na lang kami dun hanggang gabi. sa school naman medyo hindi maganda ang mga pangyayari. nadisgrasya yung isa naming orgmate sa toweng'g at maraming default. sa pair competition 3rd kami, 2nd-IEC, 1st-ERG. sa group 3rd -IEC (headscratch talaga kung bakit sila ang nakapasok), 2nd- ERG, 1st kami : ) dumiretso kami sa gerry's grill sa timog para sa celebration.

- indakers with chimene (pero wala si lou at glennys dito at si ria nasa super gilid sa right)

me with my friends (nanonood na lang after ng performance) -

- ang utak ng KEM indakan, sir avel (w/ his gf and kuya earl)

dec. 14 - dahil ata sa baba ng score namin nung monday e nagalit lahat ng orgmates namin. andami naming pinanalo ng araw na ito at nag first kami sa standing sa araw na ito. Awitan night din. ang galing ng ERG (2nd) at CIEM (1st). malamang pati Aggre (3rd) magaling, di ko nga lang sila napanood.

dec.15 - nagfirst kami sa Pautakan (congrats pat, norbel and jr). bago ito para sa org namin na hindi naman na nanalo sa Pautakan. Maskipaps din nung gabing yon. maganda yung concept sa maskipaps pero di ko alam kung anong nangyari.

dec.16 - nag-2nd pa sila maits sa singeng'g (duet) kahit medyo impromptu yun hehe. 2:30 pm na ako nagising after kong makatulog ulit ng 11:30am kaya di ako nakasama kina zoan sa Oz at sa panonood ng lantern parade. ms.eng'g din that night. though di nakasama si rob sa top5 e para sa'min ikaw pa rin ang ms. eng'g. we ended up 2nd over-all sa eng'g week.

kami ng mga kaibigan ko after ms.eng'g -

- si rob (ang aming ms.eng'g)

sa eng'g week na ito marami akong natutunan. kailangan lang ng puso at sa org para magpursige at ipanalo ang mga laban. never mandaya kasi cheaters do win pero alam naman sa sarili nila na nadaya sila. basta ginawa mo yung best mo ok na yun, manalo man o matalo.

maraming salamat mga KEMers and alumni (para sa suporta nyo sa'min).

until next eng'g week.
K-E-M GO FIGHT
K-E-M GO FIGHT

K-E-M GO FIGHT

MEKIRAT GO FIGHT KILL!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home