my thoughts...

Wednesday, June 30, 2004

exhausted

nag-umpisa ang araw ko sa dept sem, hehe halos lahat ng freshie e bumabati sa'kin ng happy birthday dahil sa sumigaw yung blockhead ng G3 ng happy birthday sa'kin at sa loob ng eng'g theater e inannounce din ng mga orgmate ko hehe. ansaya pala pag andaming bumabati sa'yo pagbirthday mo : )
 
yung friend ko naman nung HS e tinawag ako mula sa tambayan nila tapos ako naman napa-isip "wala naman gf nya ha? ano naman kayang itatanong nya sa'kin" di na kasi ako sana'y na tinatawag nya ako ng hindi tungkol sa gf nya ang itatanong nya sa'kin tapos bigla nyang sinabi "happy birthday" ay oo nga pala no birthday ko pala hehe... syempre di ko naisip na babatiin nya ako haha.
 
yung isa naming orgmate na friend ko din ayun halos buong umaga e magkasama kami tapos aba ni maigsing happy birthday e hindi ako sinasabihan... ayun nakalimutan nga nya at nung gabi na lang after ng exam ko saka pa nya na laman at kung hindi pa yun pinaalala nung isa pa naming kabarkada.
nagdamdam ako dun
 
hayung exam namin parang hindi ako pinagbigyan sa birthday ko oh well...*roll eyes*
 
after ng exam e kumain kami sa jollibee sa philcoa di ako nasatisfy sa chicken joy ko pero ok lang sarap naman ng kwentuhan lalo na kung after ng isang bwiset na exam.
 
tapos nagmercury kami. bumili ng dalawang chocolate yung friend ko tapos nung pauwi na ako binigay nya sa'kin yung isa. hehe touched naman ako. maraming salamat my friend : )
 
hay ngayon pagod na ako, past 10 na ata ako dumating sa bahay... may food dito pero bukas ko na lang kakainin busog na busog pa ako e.naku, magbabasa pa pala ako ng tungkol sa alamat ng maria makiling hehe.

bente na ako!

pagmulat ng mata ko kanina, pagtingin ko sa orasan sa aking cellphone e 12:42 na at may mga ilang mensahe na rin akong di nababasa... hmmm, nagtransform ba ako? nagbago ba itsura ko? naging ibang tao ba ako? hindi naging bente lang ako.
 
andami kong naiisip na dapat mangyari sa buhay ko bago ako maging bente, bago ko tuluyang iwanan ang pagiging teenager. pero marami naman dun ang hindi nangyari, pero ayus lang madami pa namang taon ang pwede ko pang paggugulan ng pansin para matupad yung mga bagay na yon.
 
ngayong bente na ako naisip ko hindi porket bente ka na e hindi ka na pwedeng umasta, mag-isip at gumalaw na parang teenager. nasa tao lang talaga yan...
 
sabi ko sa inyo e hindi ako nagtransform at hindi rin ako naging ibang tao dahil kahit anong edad ko na e mananatili akong ako hindi nadidikta sa panahon o edad, kung di sa aking pagkatao.
 
note: kahit di nya mababasa ito, maligayang bati rin sa'yo aking twin bro at salamat ng marami sa lahat-lahat. hah naiiyak na ako, hindi ko masasabi ng harap-harapan sa kanya yan

Saturday, June 26, 2004

there is tranquility within me
even though outside there is rain and wind
this is weird, with the rain and the aloneness,
I should be sentimental, that's the way it should be
but inside there is only peace and contentment,
no troubles, no sadness...
 
wala lang naisip ko lang yan nung inintay ko yung freshies sa math building habang umuulan sa labas at ako ay nag-iisa sa third floor habang sila ay nag-eexam. wala lang...

Wednesday, June 23, 2004

memories

may mga memories na hindi na talaga maaalis sa isip mo. dadalhin mo na sya habang buhay...
 
at pwedeng mag-iba-iba ang epekto nya sa iyo sa magkakaibang panahon. wala lang, meron lang kasi akong naalala at ganon syang klase ng memory. kung siguro iniisip ko saya about 2 months ago siguro masaya ako o kaya hindi rin pero ngayon wala na syang epekto sa'kin.
 
pati yung taong nandun sa memory na yun, 2 months ago napaka-halaga nya, ngayon kahit wala na akong marinig sa kanya e parang tumutuloy naman ang buhay ko ng maayos. ha naiisip ko nga parang ang sama ko ata pero ganon e kahit ang sarili ko hindi ko madadaya...

buhay nga naman

ito na naman ako, na-aaddict na naman ako...
 
ewan ko ba kung ang internet ay isang kaibigan o ito ba ay isang kaaway. sabi ng kaibigan di na raw kasalanan ng internet kung addict ako, kasalanan ko na raw yun. ayokong isiping kasalanan ko nga, pero wala naman akong ibang masisisi kung di ang sarili ko.
 
syempre ito naghahanap na naman ako ng impormasyon tungkol sa isang tao, tawagin nyo na akong stalker pero ganon lang talaga ako. pag nagiging curious ako sa'yo e parang kailangan kitang hanapin pero kung hindi kita mahanap bigla ka na lang mawawala sa isip ko. at ito na nga meron na naman akong biktima...
 
pero parang ako ang biktima at hindi sya. pag may nalalaman ako tungkol sa isang tao na taliwas sa mga paniniwala at prinsipyo ko e nalulungkot ako kahit dapat naman ay hindi ako na aapektuhan. pero ito na naman ako, apektado.
 
ewan ko, pinanganak na ata talaga akong ganito. at hindi ko rin naman masisisi na lumaki ang mga tao sa iba-ibang kondisyon kaya iba-iba ang paniniwala, prinsipyo, at lalo na ang mga ugali natin...
 
basta, talo na naman ako. pero sino ba ang nagsabi na isa itong laro? ako ata...
 
note: aalis na ako dito sa bahay namin, hindi na ako makapag-aral pag nakikita ko itong computer