my thoughts...

Saturday, July 10, 2004

reunion

kakagaling ko lang sa SM kasi nagkita kami ng bestfriend ko after 6 months na hindi na kami nagkikita. andaming nangyari sa anim na buwan...
 
i must say na hindi na kami katulad ng dati which is sad pero ok naman kami yun nga lang may iba na. naisip ko na naman ang mga pagbabago ng mga tao kasabay ng pagbabago ng panahon.
 
nakakalungkot pero ito ay isang katotohanang hindi na ata nagbabago. parang you just have to live with it. :sigh:
 
parang bumaliktad ang mga pangyayari sa aming dalawa. dati ako ang laging problemado, sya yung masayahin at walang masyadong iniisip sa buhay. ngayon ako na ang walang masyadong problema at masayahin, sya naman ang problemado ngayon. naninibago ako, di ako sana'y na ganito kami.
 
pero sabi nya na sana'y na raw sya sa ganon. pinili nya ang maging ganon. sabi ko naman pwede nya pa namang baguhin ang lahat pero hindi, kahit paano dun daw sya masaya. hinayaan ko sya, matanda na kami at alam na nya ang ginagawa nya.
 
sana mas maayos kami sa susunod na pagkikita, alam ko may mga problema sya kaya naiintindihan ko naman. sana bumalik na ang lahat sa dati... kahit imposible na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home