my thoughts...

Saturday, August 28, 2004

catharsis

CATHARSIS
def'n: 1.A purifying or figurative cleansing of the emotions 2. a night of soulful poetry and music

kagabi naganap ang UP KEM's Catharsis. ang nangyari a night of music hehe nawala ang poetry (isa lang kasi yung poem sana pinagrecite nila ako ng isa pa hahaha) at di naman ganon ka-soulful yung songs pero ang gagaling nila.

ayan musika na naman, hay ewan ko ba kung ang musika nga ba o ang mga nagaganap sa paligid-ligid o ang mga bagay-bagay sa aking utak ang dapat sisihin sa nararamdaman ko. what i felt was a mixture of feelings. masaya, malungkot, contemplative... basta halu-halo.

tapos naisip ko nagkakaroon na naman ako ng reassesment of feelings. pero ganon pa rin ang nararamdaman ko sa mga bagay-bagay, walang nagbago. am i expecting something to change? hindi naman pero ewan ko, naiinis na rin ata ako sa monotony ng aking buhay. i need something new to break the monotony. *sigh*

----------------------------------

tumulong ako sa paglagay ng stars sa backdrop ng stage para sa Catharsis. stars... hay namimiss ko ng tumingin sa ulap at hanapin ang my stars (nag-uuulan na naman kasi). meron kasi akong stars na inaangking akin. tatlo silang magkakatabi, di ko alam kung constellation sila o bahagi ng constellation (wala kasi akong alam sa mga ganon e) basta para sa'kin sila ang mga tala ko. habang naglalakad ako kagabi mula west ave. papuntang bahay namin ng mga bandang mag-aalas dose na ng gabi e nakita ko ang buwan at ilang mga tala. hinanap ko ang my stars pero wala sila medyo kasi maulap ang kalangitan.

----------------------------------

C, wahhhh nakita kita kagabi! at may nasagap pa akong bagong info sa'yo. kung sana lang lagi kitang nakikita di ba, sana ikaw na lang ang laging laman ng kwento ko. para sa'kin cute ka kahit sabi ng kaibigan ko mukha ka raw lolo hahaha... dahil kaya yun sa glasses mo. batsa, cute ang smile mo *blush*

----------------------------------

for you, sa tingin ko tama nga yung isa kong friend. di kita crush, natutuwa lang ako sa'yo [period] oo nga pala napanaginipan kita kanina nagkita raw tayo sa isang conference (talk ata or something basta parang ganon) tapos sinama mo ako sa pag-attend mo sa isang class mo after nung conference o sinama kita sa class ko (hindi ko rin alam kung ano ba talagang nangyayari dun sa panaginip ko e). ewan ko ba sa panaginip na yan ha... hehe.

----------------------------------

naalala ko kami nga pala nila chinitz, superproxy20, at basurero ang mga batang KULANG SA VITAMINS. "not enough vitamins, kulang sa buhay" kulang sa lovelife hahaha.

mga realizations at magkakahalong damdamin....*sigh*

7 Comments:

  • orion's belt yung three stars

    By Blogger Richelle, at 6:14 PM  

  • hey thanks! haha, mahina ako sa ganyan e pero gusto ko silang matutunan. siguro pag nakaluwag ako, kasabay ng muli kong pag-aaral ng alibata Ü

    By Blogger twisted-mind, at 6:21 PM  

  • skl, kapag nababasa ko blog mo, maraming na-tritrigger na memories. may maganda, may malungkot...basta lahat na ng emotions na nakakabit. hehehe. pero masaya pa rin magbasa ng blog mo. it's been so long since i've last been to catharsis. normal pa buhay noon. simple lang. bumalik na sa dati buhay pero...iba nang lahat. as they say, hard to undo things. kung pwede lang i-control Z ang life! ^_^v

    looking forward to another movie with you and zoan!

    -vani

    By Anonymous Anonymous, at 11:58 PM  

  • ^hehe, sentimental fool kasi ako kaya siguro nakaka-trigger ng memories ang entries ko. ako, i miss my old life di pa bumabalik ang lahat sa dati e. naalala ko tuloy yung sagot ko sa exam ko sa hum dun sa sinabi mong bumalik ka na sa dati mong buhay pero iba na ang lahat. ganon ata talaga.

    looking forward din ako, sayang talaga at busy ako sa monday pero marami pa namang ibang naka-line up di ba *winking*

    By Blogger twisted-mind, at 6:51 AM  

  • hehe, kulang nga tayo sa vitamins. sana wag nyo muna ako iwang mag-isa, mukhang isa-isa na nagkakaboyps ang mga tao ngayon eh.hehe

    By Blogger Basurero, at 11:36 PM  

  • allan, nyak! at least ikaw hawak mo kung magkaka-girlet ka o hindi no. e ako pamaria clara effect pa rin ako no (hehe manang)! napakita ko ba si C sa'yo? hehe.

    By Blogger twisted-mind, at 5:57 AM  

  • onga death-strike, nasa iyong mga kamay naman ang iyong kapalaran. kamusta na ba si spongebob at si "rhea"?

    By Blogger Richelle, at 1:25 AM  

Post a Comment

<< Home