title(less)
ang araw ko kahapon ay nagstart na ng mga 11:30. wala akong pasok sa first class ko at sa last class kaya yung kaisa-isahang class ko e pinasukan ko na. para naman di ako ma-guilty sa pagbibigay ng baon ng nanay ko sa'kin.
wala ang usual lunch naming magbabarkada, kasi naisipan naming mag-eat-all-you-can ng dimsum sa Super Bowl of China after ng mga 2:30 pm class namin. grabe andali palang maka-suya ng dimsum. isang plato lang at bumigay na ako. meron kasing dimsum don na may mushroom at wag ka, nung kinakain ko sya feeling ko contestant ako ng Fear Factor. gusto ko syang isuka, ayaw ko nung lasa e.
after namin magSM e dapat babalik kami ng UP pero ako dumaan muna ako sa bahay dahil i'm not feeling well. pero unting inom lang ng sprite para magburp at unti pagsuka, ayus na ako. at bumalik ako ng UP kahit gabi na. promise ko kasi manonood ako ng talent show ng mga aplikante.
kakaiba pala ang pakiramdam ng papunta ka ng UP at gabi na. usually kasi paalis ako ng UP gabi na pero ngayon pabalik palang ako. at habang ako ay nasa jeep naisip ko ito:
kakaiba ang mukha ng syudad pag gabi
ang liwanag ng poste ang nagsisilbing gabay
sa bawat mamang drayber na pumapasada
at taong naglalakad sa tabi ng kalsada
mas malamig ang hangin sa byahe pag gabi,
maraming ilaw,
mula sa mga jeep at kotse na bumabaybay
sa jeep ang mukha ng mga tao ay kakaiba
naaaninagan mo dahil sa dilaw na ilaw
ng jeep ni manong drayber na kanina pa nakasalang sa syudad
maihatid ka lamang sa iyong paroroonan
ang mga tao ay nagsisiuwian na sa kani-kanilang tahanan
gabi na kasi sa syudad na iba ang itsura
pero ako paalis pa lamang
haha ewan ko ba kung may sense.
tapos 9:30 nangungulit na yung kaibigan ko naumuwi na kami pero kahit ayaw ko e wala akong choice, kaya umuwi na rin ako.
at nalaman ko may common IP kami ng friend ko hahaha.
-----------------------------------------
naisip ko, may mga bagay na sa tingin mo ay ganito sila pero sa realidad at para sa ibang tao ay hindi pala sila ganon. nalulungkot na naman ako.

wala akong maisip na title sa entry na 'to kaya napaka-perfect nyang title na yan.

4 Comments:
sinong common ip?
anong realidad yun?
By Richelle, at 4:14 PM
sa personal ko na lang sasabihin kung sino haha.
yung realidad. madami yan. wag nyo na akong pansinin, senti lang ako kanina.
By twisted-mind, at 5:18 PM
oist, kelangan ba ang pag-iisip sa daan papuntang UP pag gabi ay nasa porma ng tula? hehe.
By Basurero, at 8:21 PM
^haha ganon na ako mag-isip ngayon. mula ng pabasahin kami ng 15 poems sa hum e ganon na ako mag-isip. patula Ü
By twisted-mind, at 5:39 AM
Post a Comment
<< Home