my thoughts...

Monday, August 16, 2004

a little bit of something(s)

mommy,

pag may gusto kayong ipagawa sa'kin sabihin nyo. alam nyo namang tamad ako. meron nga pala akong proposal: bili nyo akong cellphone at ako ang magbabayad for 6 months ng pangdentista ko. sana tanggapin nyo offer ko. kailangan ko talaga ng cellphone.

-----------------------------------------

you,

oo, ikaw nga. nakakainis ka, na aamaze pa rin ako sa'yo. pwedeng sa iba na lang. haha.

------------------------------------------

pati ba naman alumni ng org namin itatanong sa'kin kung ano raw ba ang meron sa'tin. yung isa kong kaibigan tinanong sa'kin "mahal mo na ba si --------?". ha, headscratch talaga. chinito ka raw kasi, at knowing na mahilig ako sa chinito e ayun nagconclude sya na gusto kita. e hindi naman e.

bakit nga ba hindi kita magustuhan? chinito ka naman. masayang kausap kahit minsan di mo ako maintindihan... pero di ko makita ang sarili kong may gusto sa'yo, di ko makitang may tayo. kasi nakikita kita para sa ibang tao at hindi para sa'kin. at saka alam mo naman kung sinong gusto ko di ba hehe.

-------------------------------------------

may sinulat kaming poem as bonus kanina sa exam namin. sulat ko pag nakuha ko na yung bluebook ko. romanticized poem hehe

tapos bigla kong naisip may kulang na salita, kaya pagbinasa mali ang diwa. sigh, sana maisip ng prof ko kung ano yung gusto kong ipahiwatig ng tula ko.

-------------------------------------------

makakanood ako ng Talent Show ng apps sa friday! buti naman. natatawa ako sa mga descriptions ng apps na nagpa-sign sa'kin ng sigsheet:

1. bagay ang pagkakatali ng buhok nya sa kanya. super young ang dating. cool. <---por dat lagi na akong magpipigtails hehe

2. minsang namula ang mata sa tambayan at nagsuot ng pink na shades <--- wah pati ba naman yon naalala nya

3. unang member na nagpakilala sa'kin with surname kaya di ko yun malilimutan. mukhang masungit pero approachable naman <---akala nya lang hehe, pasalamat sya at di ako memcom.

-------------------------------------------

nakakatuwa nung Saturday sa KEM dinner. nakita namin ang mga dating miyembro ng org namin. ang saya ng feeling lalo na nung nakita kong natutuwa sila na magkita-kita muli ang mga magkakaibigan. siguro in 5 or 10 years, magiging ganyan rin kami. sigh

-------------------------------------------

na sunog yung popcorn na niluto sa microwave. lahat sunog wahehehe.

-------------------------------------------
a little bit of something(s), a little bit of everything.

7 Comments:

  • "pero di ko makita ang sarili kong may gusto sa'yo, di ko makitang may tayo. kasi nakikita kita para sa ibang tao at hindi para sa'kin."


    what if wala naman yung ibang tao na yun? e di ibig sabihin malamang magustuhan mo na siya? Ü

    By Blogger Richelle, at 10:07 PM  

  • siguro kung nakilala ko sya na walang something, baka, i repeat "baka" magustuhan ko sya. pero dahil may something malabo na. wag simulan ang issue dahil wala naman talaga.

    By Blogger twisted-mind, at 10:46 PM  

  • hehe...

    nuninu.

    By Blogger Richelle, at 1:49 AM  

  • ok... no comment hehe. actually pag hinihiritan nyo ako ng ganyan napapa-isip ako. pero isa lang ang conclusion e. hindi talaga, wala.

    By Blogger twisted-mind, at 8:16 AM  

  • actually, naniniwala naman ako e. masarap lang mangasar hehe. tsaka kasi wala lang parang imposibleng walang something ip man lang at least kasi tipo mo naman at mabait naman siya.

    By Blogger Richelle, at 12:14 AM  

  • This comment has been removed by a blog administrator.

    By Blogger twisted-mind, at 7:58 PM  

  • kahit ip hindi e. wala talaga haha.

    By Blogger twisted-mind, at 9:23 AM  

Post a Comment

<< Home