my thoughts...

Sunday, August 29, 2004

takot ako

sumasakit na naman ang ulo ko... what' new? sabi ko nga sa nanay ko. hindi na po ako iinom ng advil. promise ko. first time kong sasabihin dito ang nararamdaman ko tungkol sa pabalik-balik na sakit ng ulo ko. feeling ko may sakit ako. kung kelan nag-umpisa di ko alam. kung bakit, di ko alam. kung ano, mas lalong hindi ko alam.

sabi ko sa kaibigan ko nagbabalak akong magpatingin sa sem break. as in full body inspection. pero syempre nahihiya naman ako sa mommy ko kasi ibig sabihin nito kailangan ko ng medyo may kalakihang pera e ang parents ko maraming iniinom na gamot araw-araw kaya medyo nahihirapan akong manghingi ng pera sa kanila.

at saka takot ako. takot sa magiging resulta ng mga bagay-bagay. takot sa maaring pagbabagong idulot ng aking malalaman. takot ako sa sakit na hindi ko alam kung ano.

basta takot ako.

10 Comments:

  • i feel the same way on going top the hospital and having a check up. me nagsabi nga sakin na what you don;t know won;t hurt you. pero it would hurt you at a later time - matindi pa.

    try mo kaya sa infirmary..punta ko ngayong monday dun eh....insomniac na kasi ata ako eh.

    By Blogger Unknown, at 8:53 PM  

  • Oo nga shal, try mo sa infirmary although I strongly doubt na me madetect silang kahit ano sa kahit kanino, hehe, joke. Pero if ever kelangan mo ng kasama, sabihin mo lang, k k k?:)

    By Blogger Superproxy, at 12:43 AM  

  • thanks klaypeene and superproxy! hehe feeling ko walang magagawa ang infirmary sa'kin e hehehe. feeling ko kailangan ko ng brain scan (meron bang ganon hahaha). ewan ko sabi ng nanay ko masyado lang daw akong naiistress.

    By Blogger twisted-mind, at 6:01 AM  

  • Same here. Esp. because I'm quite the hypochondriac.

    By Anonymous Anonymous, at 5:47 PM  

  • uh-oh...it's gonna be tough...but before that, you can check cheaper alternatives for a full check-up like the infirmary (nyaha!!) or other heallthh centers around the area. ;)

    btw, plugging...'calendar girls' at the cine adarna this wednesday...one at 4pm and the other at 7pm. hope you can come! :)

    ingat lagi ha! :D

    By Anonymous Anonymous, at 5:55 PM  

  • ^oops...forgot the name!

    -vani

    By Anonymous Anonymous, at 6:01 PM  

  • it's like the fronny russel thing, right?

    cheers

    João Martinho
    http://voandoaderiva.blogspot.com

    By Blogger joão martinho, at 6:13 PM  

  • Kung recurring talaga yung sakit ng ulo mo, kelangan mo na nga magpacheckup. Better malaman mo nang maaga, kung ano man yan. Try mo muna sa infirmary. Siguro after ng first checkup mo tsaka sila magsasuggest kung anong tests ang kailangang iundergo mo.

    By Blogger Richelle, at 11:10 PM  

  • baka nasosoobrahan ka sa blog at pagnenet hehe!

    By Blogger Richelle, at 11:11 PM  

  • ^baka nga hehe. hay hindi ko nga alam kung kelan ko isisingit ang pagpapa check-up.

    By Blogger twisted-mind, at 5:39 AM  

Post a Comment

<< Home