my thoughts...

Tuesday, November 02, 2004

nostalgia

nung biyernes nasa SM ako dahil nasira yung PC namin (na nasira pala dahil sa nasunog na restart button at di dahil sa worm na pwedeng dalhin ng mga downloaded files ko hehe). sale sa SM kaya naglakad-lakad na rin ako sa SM kahit ang pakay ko lang talaga ay mag-internet, bumili ng bagong toothbrush (tapos na ang 3-month lifespan ng toothbrush ko) at bumili ng green tea ni mommy. tapos nakakita ako ng unipormeng dati ay pamilyar na pamilyar sa'kin. paldang may mga parisukat na ang kulay ay iba't ibang shades ng blue; blouse na may pleates at bow na ang tela ay kaparehas ng sa palda. yun ang uniporme ko nung nasa quesci pa ako.

nakakita ako ng maraming xientians; naisip ko malamang last day na ng class nila dahil maghahahalloween break na. ang tongertz ko talaga... friday nga kaya last day nga nila. may nakita akong magkakasama na dalawang lalaki at isang babae na xientian. dala-dala nila ang mga punong backpack habang sinisipsip ang zagu nila... naisip ko siguro ganyan rin ang itsura ko dati. masayang-masaya pag nakalabas sa eskwelahan at maglalagalag sa mall. natutuwa pag may long weekends o kaya pagnawawalan ng pasok... naisip ko ganito rin kaya ang tingin ng mga dating upperclassman sa'kin nung ako pa yung nasa kalagayan nung mga "batang" yun... :sigh:

nakita ko rin yung teacher namin na sinagot ng batchmate ko sa friendster survey na "most unforgettable teacher sa quesci" pero di na ako nagpakita sa kanya dahil ayokong nagpapakita ako a mga tao na nag-iisa lang ako. naalala ko tuloy nung pinagalitan nya ang grupo namin sa filipino dahil tinakpan namin ang mga bintana ng classroom ng mga dyaryo para sa presentation namin sa filipino. sabi nya dapat sa time na lang ng filipino namin ginawa yun, sinasagabal daw namin ang klase namin. kung tutuusin may point sya pero syempre noon nagalit ako... lalo na nung nagbigay sya ng surprise quiz sa buong klase dahil sa ginawa namin.

naisip ko rin si Heathcliff; bukod sa yan ang pangalan ng tauhan ni Emily Bronte sa Wuthering Heights e yan din ang codename ko sa kauna-unahang lalaking naging crush ko noong high school. kung bakit heathcliff? kasi associated si heathcliff sa "dark" things dahil sa personality nya e yung crush ko maitim kaya yun naging si heathcliff sya.

at dahil sa naalala ko ang Wuthering Heights (na hindi naman ako ang nagbasa) ay naalala ko ang binasa ko sa 1st year english class ko na ang pamagat ay The Scarlet Letter. Noon ang pagrereport ay hindi pa nadadaan sa ganda ng powerpoint presentation at hindi rin uso ang paper noon. irereport mo lang sa harap ng class yung binasa mong nobela. nung ako ang nagreport hindi yung english namin yung nandun kasi nagkasakit ata sya nun. hindi ko alam kung natuwa o hindi yung nakinig sa report ko... basta isa lang ang masasabi ko, hindi talaga ako magaling na reporter sa harap ng class.

1st year high school. una mong taon... :sigh: naalala ko kung gaano ako ka-childish noon (syempre noon hindi pa mukhang childish sa'kin ang ginagawa ko). nakipag-away ako sa kaklase kong lalaki na nanggulat sa'kin habang may ginagawa akong ginagamitan ng ink. eventually dahil sa gulat ko ay natapon yung ink sa bag ko pero hindi dahil sa natapunan ng ink ang bag ko kaya ako nagalit; nagalit ako kasi natapunan ng ink yung autograph book ko na sinagutan ng crush ko (na hindi si heathcliff). yun ang kinagalit ko. nung 1st year din ako na-chain kami nung classmate noong fair namin. e yung nagkaka-crush sa kanya(sa classmate ko) na taga-ibang section ay officer noon kaya nakita nyang naka-chain kami. at alam kong nagseselos sya (assumption ko lang pero halata naman) kahit tinatago nya ang selos nya. eventually naging sila rin nung year na yon pero nagbreak sila nung ibang year na kami.

marami pang bumalik na alaala sa'kin. habang naglalakad ako sa SM. pero ito ang isang bagay na tumatak sa isip ko... kung mapagbibigyan ako at pwede kong ibalik sa dati ang buhay ko tatanggapin ko

2 Comments:

  • hay, ang sarap alalahanin ang nakaraan, no? makes you proud of what youve become. =)

    noringai

    By Anonymous Anonymous, at 12:30 PM  

  • ^oo nga... pero minsan gusto mong balikan. nostalgic talaga ang feeling

    By Blogger twisted-mind, at 8:37 PM  

Post a Comment

<< Home