Tuesday, December 28, 2004
Saturday, December 25, 2004
ang pasko at iba pa
happy birthday Jesus and merry christmas to all!
===================================================
sa totoo lang malungkot ang paskong ito. sa dami ng nangyari sa pilipinas at sa paligid di ko mapigilang malungkot.
pero kailangang magsaya kapanganakan ng tagapagligtas ko, natin lahat. kailangan kong magpakasaya para sa kanya...
pero kung ang buong paligid mo ay ayaw na rin kahit man lang subukan na pasayahin ang araw na ito para sa kanila, anong magagawa mo. at yun na nga malungkot ako ngayong pasko...
pero kanina sa simbahan habang nagpe-"peace be with you" ang mga tao e naramdaman ko ang pasko (sa totoo lang muntik na akong umiyak kanina). yung mga tao naka-ngiting bumabati sa'yo, ang mga pamilya masayang magkakasama. naisip ko ito ang pasko.
kaya siguro ako malungkot ngayon ay dahil di ko nagawang makapagbigay sa mga tao ngayong pasko. wala akong regalo sa kahit kanino kung di sa monita ko lang sa kris kringle ng org. at gusto ko ring tulungan yung nakikita ko lagi sa lansangan na mga bata pero di ko magawa. bakit kamo? wala kasi akong pera ngayon. hindi ko napaghandaan ang pasko.
napaka-gastadora ko ngayong taon. laging nag-oOz (haha, kasalanan nila vani at zoan ito [joke]) at minsan nagpupunta sa starbucks, dati nakakapagbaon ako ng lunch ngayon hindi na. minsan impulsive buyer din ako at marami pa ang sanhi nito. ang pinaka-main na rason ay hindi ko tinitignan ng mabuti ang pera ko. gasta ako ng gasta with out thinking kung nasa budget pa ba ako o wala na.
*sigh* napaka-lungkot ng feeling pag di ka makapagbigay.
ito na naman ako, gagawa ng promise sa sarili ko. pero sana this time magawa ko na. i'll make sure na masaya ang pasko next year (or basta mas masaya kesa sa pasko ngayon). di lang para sa sarili ko at sa pamilya ko at mga kaibigan ko, kung di sa iba pang taong kaya kong pasayahin. kung paano di ko pa rin sigurado pero uumpisahan ko sa pagiging mabait sa parents ko. medyo brat po kasi ako e.
sana after one year maisulat ko dito na nagtagumpay ako.
====================================================
bumabalik na naman ako sa dating gawi.
wala kasi akong crush ngayon na ordinaryong tao (ang ibig kong sabihin ng ordinaryong tao ay taong hindi well known o hindi celebrity kung baga). pero meron akong crush na celebrity. dati ko na syang crush pero bumalik lang nung nakita ko sya sa TV show nya nitong christmas break dahil sa nakakanood na ulit ako ng TV! (yipee)
i have this weird habit of thinking kung ano ba ang ginawa ng crush (lalo na kung celebrity ito) ko sa oras-oras. ngayong araw ng pasko (actually kagabi pa) ay iniisip ko kung anong ginagawa nya. nagnonoche buena ba sila sa bahay nila? sino kasama nya? o nagpapahinga na lang sya? ilang ragalo na natanggap nya? nakapagsimba na ba sya o sa 25 na mismo sya magsisimba?
kanina nung maglulunch kami sa KFC (after hearing mass sa sto. domingo church) e naisip ko asan naman kaya sya ngayon? sa bahay lang kaya or with friends? nakapaglunch na kaya sya?
weird ng pinag-iiisip ko no? pero i'm thinking of a possible reason kung bakit ko naiisip yung ganyan. siguro kasi i don't know his lifestyle, ni kahit anong info about his personal way of living e wala akong alam. kung ano lang yung nakikita ko sa TV at nababasa sa internet (na hindi naman karamihan kasi di ko alam kung gaano sya ka-famous, mas famous pa sa kanya kung tutuusin yung half-brother nya) hanggang dun lang ang alam ko. pero siguro i'm just plain curious kung ano na ang nangyayari sa kanya.
sana makita ko sya in person [hehe]
=====================================================
may nagsabi sa'kin na minsan hawak rin naman natin kung magiging masaya tayo o hindi.
sabagay totoo nga. dati kasi lagi akong nagpapa-apekto. para akong laging sinukluban ng langit at lupa. pero ngayon kebs na ako sa ibang bagay at tina-try ko ng maging masaya hangga't makakaya ko...
and it works (for me).
======================================================
kanina pito kami dito sa bahay ngayon tatlo na lang kami. yung ate ko at si zhanel nasa tatay nya ngayon. si sonny boy naman at si gene (na gf nya na kasama naming naglunch kanina na dapat kasama rin namin sa church pero nahuli sya ng dating) ay nasa SM siguro manonood ng sine. kaya natira ay ako, si mommy at si daddy.
the single (as in "not in a relationship") child gets to stay home with mom and dad hahaha.
ok lang mag-oovernight naman kami kina maita bukas e (yipee!). miss ko na ang pag-oovernight
Saturday, December 18, 2004
tapos na ang eng'g week
sa preparation period palang andami ng nangyari pero eng'g week proper na lang ang gagawan ko ng account.
- preparing for smokers
dec.10 - cheering day, ang lahat ay gumagawa ng pompoms at saka mattress stuffeng'g din that day. nag 2 runs sa cheering nung una kasi di tumunog yung cd pero go pa rin ang mga cheerbelles. sa second run maayos na. 3rd kami sa mattress stuffeng'g na sinalihan ng cheerbelles and lifters (salamat guys) at 2nd naman sa cheering compet. sa cheering 3rd -CIEM, 1st- IEC. cheerbelles alam natin kung sino ang dapat na number one.
doing their routine -
dec.11 - usually saturday bumababa ang points ng org namin dahil sa kawalan ng tao, BUT NO this year first pa kami sa scoring nung saturday. may tatlong laro na magkakasabay nangyayari pero lahat may naglalaro at may audience pa. salamat sa new mems na talaga namang nakita ko sila at syempre sa mga resident na laging nasa tambayan na mems. kami namang indakers nasa malayong lupalop kami ng mundo at nagpapractice w/ ate vicky (diretso sya from airport) at pagbalik namin sa UP e di syempre kwentuhan sa nangyari sa buong araw at kumain kami nila louie at brando sa may university arcade (may nakita akong someone dito, di ako sure kung sya yun). 10 pm na kami umalis don at naka-receive ako ng message na 7:30 am pala call time ko the next day *sigh*
dec.12 - 7:30 am palang asa outlet yard na ako at andun na si mj. imagine sa labas kami ng outlet yard nagstretching hehe. sa airdance studio kasi kami nagpractice nung umaga (o di ba bongga hehe). tapos nung hapon sa gym na. malaki raw ang improvement namin sabi ng mga alumni, madumi kasi talaga yung routine namin bago dumating si ate vicky. maaga kaming natapos unlike last year na halos past 10pm na kami natapos. pero di rin ako nakapagpahinga, mga 1am na rin ako nakatulog.
dec. 13 - indakan day. 8am palang asa tambayan na ako (kahit ang usapan naming indakers e mag-aatend kami ng 7am gen mit) si mj palang ang nandun pero naglalaro sya ng something. tapos nung magdatingan na kami lahat nagstretching at linis ng unti ng routine with ate vicky. 1:40 something e nasa celebrity sports na kami para sa blocking namin sa stage pero di yun nagstart kaagad. nagstay na lang kami dun hanggang gabi. sa school naman medyo hindi maganda ang mga pangyayari. nadisgrasya yung isa naming orgmate sa toweng'g at maraming default. sa pair competition 3rd kami, 2nd-IEC, 1st-ERG. sa group 3rd -IEC (headscratch talaga kung bakit sila ang nakapasok), 2nd- ERG, 1st kami : ) dumiretso kami sa gerry's grill sa timog para sa celebration.
me with my friends (nanonood na lang after ng performance) -
- ang utak ng KEM indakan, sir avel (w/ his gf and kuya earl)
dec. 14 - dahil ata sa baba ng score namin nung monday e nagalit lahat ng orgmates namin. andami naming pinanalo ng araw na ito at nag first kami sa standing sa araw na ito. Awitan night din. ang galing ng ERG (2nd) at CIEM (1st). malamang pati Aggre (3rd) magaling, di ko nga lang sila napanood.
dec.15 - nagfirst kami sa Pautakan (congrats pat, norbel and jr). bago ito para sa org namin na hindi naman na nanalo sa Pautakan. Maskipaps din nung gabing yon. maganda yung concept sa maskipaps pero di ko alam kung anong nangyari.
dec.16 - nag-2nd pa sila maits sa singeng'g (duet) kahit medyo impromptu yun hehe. 2:30 pm na ako nagising after kong makatulog ulit ng 11:30am kaya di ako nakasama kina zoan sa Oz at sa panonood ng lantern parade. ms.eng'g din that night. though di nakasama si rob sa top5 e para sa'min ikaw pa rin ang ms. eng'g. we ended up 2nd over-all sa eng'g week.
kami ng mga kaibigan ko after ms.eng'g -
- si rob (ang aming ms.eng'g)
sa eng'g week na ito marami akong natutunan. kailangan lang ng puso at sa org para magpursige at ipanalo ang mga laban. never mandaya kasi cheaters do win pero alam naman sa sarili nila na nadaya sila. basta ginawa mo yung best mo ok na yun, manalo man o matalo.
maraming salamat mga KEMers and alumni (para sa suporta nyo sa'min).
Thursday, December 02, 2004
bagyo
habang sa ibang dako ng bansa may mga taong nakikibaka sa mapanalantang bagyong ito.
ang iba naman ay wala ng laban. tapos na ang lahat para sa kanila.
pagtapos ng bagyong ito magpapatuloy ang buhay.
Ipagpanalangin natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.