ACAD MODE?
antagal bago ako nag-update, wala namang masulat e hehe.
at saka andaming ginagawa, paper para sa experiment sa ChE 135, progress report, paper and presentation (pero di ko pa ito inuumpisahan) para sa ChE 140, gawain sa memcom (wahhh memcom na rin ako sa wakas).
as you can see bago na ang header ko. saw good works by jason brooks. pero syempre gusto ko pa rin ang works ni jordi labanda.
syempre balik eskwelahan na. after one week, ayoko pa ring mag-aral. sabi nga ng friend ko ang hirap i-maintain ang momentum ng acad mode lalo na kung magka-sunod na eng'g week tapos Christmas break ang pinagdaanan mo.
*sigh* have to pick up my acad mode phase kung di ako rin ang magsusuffer.
============================================
ME, THE ALWAYS SINGLE GAL
nung 31 andito yung dalawa kong pinsan na taga-Cainta. yung isa kong pinsan magpapakasal na sa may or june daw, basta this year.
syempre dahil very single and 'm not even seeing someone e ako na naman ang naging tanungan ng bayan. kelan kaya matatapos ang issue sa'kin? malamang pag nagka-bf na ako o kaya nakikipagdate na.
sabi pa nung pinsan kong ikakasal na ay kailangan maka more than one relationship ka bago ka magpakasal kaya sabi nya kailangan ko ng umpisahang maki-pagdate (wahhhh).
minsan ang theory nila baka naman masyado raw akong mataray. o kung hindi naman e baka naman tomboy daw ako. ano na ni? babae po ako.
============================================
THEORY
dahil sa mga napagkukwentuhan namin ng mga friends ko ay napatanto namin na madaling magka-gusto sa isang tao at sa relationship dapat laging may ma-ooffer kang bago at naggogrow kayo ng sabay. naiintindihan ko na kung bakit naki-pagbreak yung pinsan ko sa bf nya of 11 years.
============================================
NGITI
ngumingiti ako nang dahil sa iyo... yan ang sabi ni vivian habang papaalis si carlo sa tabi nya sa LIP (sorry hooked talaga ako hehe). na realize ko walang taong nagpapasaya sa'kin ngayon, na yung tipong makita mo lang ayos na. dati meron pero ngayon hindi ko na nga sya nakikita e. *sigh* buti na lang nandyan ang family and syempre ang friends ko.
2 Comments:
hongano! nafeefeel ko rin yan madalas. minsan lonely maging single. haayy... buhay. -va
By Anonymous, at 11:59 PM
^talaga, sige bibilangan ko na yung mga kakilala ko hehe.
yah, 11 years sila tumagal.
By twisted-mind, at 6:16 AM
Post a Comment
<< Home