my thoughts...

Sunday, June 26, 2005

ngayon nasa the buzz si diether at nagsasalita tungkol sa hiwalayan ata nila ni kristine. nagpakasal nga sila. para sa'kin ok na yung aminin na nila pero yung napaka-habang interview tungkol dun is not needed, ewan ko ba kung bakit andaming ekek ng showbiz. si kristine din magsasalita. *sigh* malipat na nga lang ang tv buti na lang wala si mommy dito ngayon.

=========================================================

last night i made a decision na hindi ko pinagsisihan. i'm so much of a worrier at aminado ako dun, natipong di ko na gawain ako pa rin ang gumagawa para lang maging sure na magagawa na sya at hindi na ako magwoworry.

nagyayaya sina princess at reggie ng dinner (kasama ang marami pang ibang tao). si reggie kasi dadalhin nya si donna. si princess naman, miss ko na rin. buong araw kong pinag-iisipan kung sasama ako. ayoko kasing ma-OP e may mga kasamang ibang tao kaya natatakot akong ma-OP.

nagdecide na nga akong sumama kina anne sa divisoria para lang magkadahilan para hindi sumama. at saka gabi na yun. e hindi ako umuuwi ng hindi nagmMRT kaya nagdadalawang isip talaga ako. pero pagdating namin sa divisoria nagdecide na lang akong umuwi at i-text si princess na payag na akong lumabas. at nag-iisip na bahala na.

nag-enjoy ako sa gimik kagabi. hindi ko inisip kung paano ako uuwi. bahala na.

umalis kami ng 2am sa ayala. sa west ave pa ako nakatira at walang ibang papuntang north. for the first time, nagbus ako ng madaling araw. at first time na hindi ako kinakabahan habang nasa bus.

nakakatuwa na minsang nagawa ko ito. kasi parang hindi ako.

========================================================

nagresign na ako't lahat pero wala pa akong naisusulat dito tungkol sa "summer job" ko.

nagcall center ako. nung summer masaya pa kasi wala naman akong school nung summer. pero nung nagstart na ang class di ko na kaya kaya i have to quit.

yung prof ko sa isang major i feel ayaw nya talaga ang pagtatrabaho sa call center. kaya sa class pag may nasasabi sya bigla akong napapa-defensive mode. sa isip-isip ko, di ko naman gagawin yun after ko grumaduate, kailangan ko lang talaga ng pera nung summer, wala akong ginagawa kaya nagcall center ako. kasi dun ko makukuha ang pinaka-malaking sweldo for part-time.

ayan ang laging nagpeplay sa utak ko pag nagsasalita sya about call centers. defensive ako.

========================================================

kailangan ko ng mag-acad mode. sa totoo lang, kinatatamaran ko pa ang mag-aral pero alam kong ako rin ang dehado kung hindi ako magsisipag.

========================================================

namimiss ko na ang best friend ko. kanina magkausap kami at dapat magkikita kami sa sm north pero di pa sya pinayagan. pero next week magkikita kami.

ngayon ko nalaman, may bago na syang boyfriend. ni hindi ko nga nalaman na nagbreak na pala sila nung ex-boyfriend nya.

2 Comments:

  • ang sagwa ni diether, no? halatang akting na akting sa pag-iyak :D

    By Blogger noreen, at 1:04 AM  

  • dear, may ibinibigay sakin na sked sa ICT 10-2am.nde p ngako decided kse nagaaral pa din ako..hw much ba sweldo?worth it ba yung pagod?giv me some insight naman :) tnx

    By Anonymous Anonymous, at 10:16 AM  

Post a Comment

<< Home