my thoughts...

Friday, March 25, 2005

Good Friday

Birthday ng Dad ko today. walang masyadong celebration kasi Good Friday nga ngayon, sa Easter na lang ang celebration kasi fiesta dito sa'min. pero may cake dito sa bahay, galing kay ate. Rocky Road ang flavor, favorite ko.


=========================================

what's inside my mind right now...


Fallin' by Janno Gibbs. Dahil sa Full House (kahit kapamilya ako e nanonood rin ako sa 7)


Image hosted by Photobucket.com


grabe isang gabi palang na walang ganito e namimiss ko na ito. ang kulit kasi nung dalawang bida. pero naiinis ako pagnagseselos si jessie. kung bakit di ko rin alam, pero sa monday ipagtatapat nya na ata kay justin na may gusto sya rito pero pwede ring magjojoke lang pala sya. basta abangan na lang sa monday. ang cute nila noh.


Useless ranting about my non-existing lovelife. nung isang araw may sasabihin ako dapat kay louie pero di ko nasabi kasi ang daming tao, tapos sinabi nya "may bago kang crush?" wala ang sagot ko. sa totoo lang pagtinanong mo ako ngayon kung sinong crush ko, wala akong masasagot na matino kasi wala akong as in "crush". actually ok lang yun pero minsan nakakainis din kasi katulad ngayon wala akong magawa at ito ang iniisip ko, ang kawalan ko ng crush e sana yung crush ko na lang ang iniisip ko ngayon pero wala, blangko. kagabi nakita ko kapitbahay kong tinatawag kong all time crush ko pero nung nakita ko sya kahapon parang wala lang. ang pinaka-matutuwa sa mga pangyayaring ito ay ang nanay ko. ayaw nya akong magka-bf kasi baka daw masira ang pag-aaral ko. sa totoo lang ok lang sa'kin di muna magka-bf, sa dami kasi ng gusto kong gawin sa buhay di ko alam kung san ko pa isisik ang mga bagay na ganyan.


this dress. nagtitingin ako ng dress sa net kasi gusto ko talagang magdress pero dahil sa katabaan ko at kabansutan e hindi bagay sa'kin magdress. sa aking pagsusurf sa net nakita ko ito. dress by Marc Jacobs. simple pero nagustuhan ko. 2000USD lang naman.


Image hosted by Photobucket.com

Sunday, March 20, 2005

Ang Hilig sa TV

dahil sa panonood ng TV ay hanggang lecture 17 palang ang nababasa ko sa eee1 lecture note hanggang 21 pa yun at ang haba ng lecture 18 at 19. *sigh*. Nanood ako kahapon ng nginig, stardance, queer eye for the straight guy, gilmore girls at saka the bachelor.

buti naman natanggal na si Trish sa the bachelor, b*tch kasi sya but no parang magcocomeback pa ata next week ang loka! can' wait for next week.

nabago na ang timeslot ng queer eye pagsaturday kaya unti na lang ang napanood ko kahapon dahil magkasabay na pala sila ng stardance.

kaninang umaga naman, pinatulan ko ang mga pambatang cartoons/anime sa channel 2 at 7 tapos nung mag-10 am na nanood ng the contender ang kapatid ko sa AXN. maganda pala ang concept nun, i wonder tuloy kung magka-format sila ng kamao ng abs-cbn?makapanood nga ng kamao.

pagtapos ng the contender, fear factor naman. new season kaya watch na'ko at matagal na rin kasi akong di nakakanood kaya nood rin ako. di talaga ako nagsasawa sa pagpanood ng show na ito.

pagdating ng 1pm amazing race 7 naman. pangatlong beses ko na ata itong panood ng certain episode na ito pero dahil sa hindi ko naaabutan ang unang part ay hinantay ko talaga ang airing kanina.

after that laban naman ni manny pacquiao ang pinanood ko. kahit alam ko ng talo sya dahil sa cable e watch pa rin ako. grabe kawawa naman sya at nagbe-bleed talaga yung isang part ng brow nya. *sigh* talo sya.

ngayon iniintay ko ng mag7 pm para sa suvivor:palau. at iniisip ko na kung manonood ako ng will & grace at F. kelan ko pa kaya matatapos yung eee1 lecture notes ko? at may exam pa pala ako sa ce22 sa tuesday. hay...

Takeshi Kaneshiro

sya yung crush kong chinese actor na napanood ko dati sa star movies mandarin. nagbobrowse kasi ako sa TV guide sa The Philippine Star at nakita ko na showing kanina sa star movies mandarin yung movie nya. sayang di na libre ang star movies mandarin ngayon : (

Image hosted by Photobucket.com


mukha syang goody-goody dito pero dun sa napanood kong movie medyo reserved and suplado sya. kasama pala sya sa house of flying daggers. makahanap nga sa video city ng vcd sa summer. : ) Iche hanapan mo ako ng ganito pag asa China ka na ha hehe.

Saturday, March 19, 2005

dapat ibang post to from the "haggard" post hehe. in fairness kahit haggard nong araw na yun masaya naman at natuwa ako sa place na pinuntahan namin sa quiapo!

Hum 2

natapos nung tuesday yung hum2 namin, natutuwa ako sa class na yun kai sya lang hindi eng'g subject na tinetake-up ko this sem. saka ramdam ko na-love talaga nung prof ko yung tinuturo nya. saka may enthusiasm talaga sa pagtuturo ng arts. at saka mahilig talaga ako sa mga bagay na maganda sa paningin.

ang last quiz namin kami ang gagawa, ang chaka ng kinalabasan pero keri na wala akong magagawa e ganon ang kinalabasan e hehe.

marami kong natutunan sa hum2 pero nafascinate ako sa facts about sa UP:

1. sa UP chapel makakakita ka ng gawa ng limang National Artist. Yung design ng building mismo, yung carving na Jesus na naka-hang sa gitna, yung painting ng Stations of the Cross at saka yung design ng floor. yung isang work nakalimutan ko na kung ano basta lima sila.

2. yung waiting shed sa checkpoint pati na yung post ng mga guards ay designed by a National Artist din. Ang tawag dun "University Gateway" (basta may gateway). pati yung mga malapit na sculptures (sculptures nga ba tawag dun) katulad nung babaeng naghuhugas ng buhok at saka yung dalawang nasa magka-opposite side ng road gawa rin ng mga National Artist. Pati yung papuntang CP Garcia na parang may mga tao-tao sa isang malaking cube e gawa rin ng NAtional Artist.

3. yung sa gitna ng intersection sa checkpoint na halamang naka-shape sa seal ng UP designed din ng National Artist (w8 confirm ko pa ito hehe).

4. nakakita na ako ng pic na hindi pa malalim ang Sunken Garden

5. basta marami pang nasa UP nagawa ng mga National Artists

Basta ang saya ng Hum2. STS na lang ang di eng'g subject ko. *sigh*

Pads

loko tong si Pads, inaasar ako sa "s" deficiency ko. talagang sinasadya nyang magsalita ako ng words na may S tapos tatawa sya. LOKO ka!

kahapon magkakasama kami sa taxi (ako, si pat, si pol, at si pads). Na-realize ako ang pinaka-matanda huhuhu. nakakatuwa silang kasama. actually natutuwa akong kasama ang mga lower batch kasi makukulit talaga sila.

Bad News

pagtapos ng masasaya, malungkot naman. Nung thursday night may namatay sa Beta Way. Pinatay ng mga holdaper. Nahuli na raw yung dalawa sa tatlong holdaper pero yung isang di nahuli ay yung pumatay mismo dun sa lalaki. sad...

haggard

nung thursday nagpass kami ng resume sa companies for ojt. after ng eee1 lab practicals ay nagpunta kami ng eng'g at kumain ng lunch paano ba naman super sakit na ng tyan ko kasi di ako nagdinner at breakfast. after that tawag sa Kraft para malaman kung kanino i-aaddress ang letter. edit ng letter sa eng'g lib na nahuli kami (kasi lunch break nila kaya bawal magpa-print)at lipat sa SC. pagdating sa SC rent ng computer at di namin na-realize na walang cd-rom ang computer *darn* kaya si maita nagstay dun kami lipat dahil nasa cd ko ang letter. 2nd computer rental shop, ok na yung cd-rw naman ni erma ang di ma-read lipat si erma sa iba ako stay na lang dun kasi ayoko ng lumipat dahil malapit na akong ma-burn out dahil 4 hours lang ang tulog ko for 2 days. after printing (nagastos: 35), pasting naman ng pics; naasar na talaga ako kasi magto-two na wala asa UP pa rin kami buti na lang nakasakay kami ng mrt na jeep at sa tapat ng escalator kami binaba (bayad sa jeep: 6.50).

mrt (12.00) naman to shaw station, sayang at nakatayo kami during the ride. nahiwalay sa post na hinahawakan namin si anne, kaya nung medyo lumuwag sa mrt e pumunta sya samin ni waquer at niloloko namin sya na andun rin pala sya sa same train hehe. hanap sa 1st company, Unilab. In fairness malapit lang sya from the station, muntik pang di kami papasukin sa Unilab pero after some talking ayun naka-pagpass rin kami sa HR department. tapos pabalik sa station dinugas kami ng tricycle driver sana sinabi na lang yang malayo pa sa station nya kami ibaba nagbayad pa kami ng 5 para lang sa kakapiranggot na dinaan nya.

mrt ulit papuntang taft (12.00 ulit). tapos lrt naman papuntang UN Ave. (15.00) tapos pagbaba namahalan kami sa pedicab kaya nilakad namin papuntang Unilever. ok lang syang lakarin pero siguro kung magwowork ka dun e mas magandang magpedicab ka na lang lalo na kung tag-init pa. At na pass rin namin ang resume namin.

malapit ng mag 5pm non so meaning magsasara na ang office ng Kraft kaya nagmerienda na lang kami sa Chowking dahil nagugutom na talaga kami. masakit na ang mga paa nila anne at waquer dahil sa constant pagwawalkathon namin ako naman plainly pagod na kaya inenjoy namin ang pagkaka-upo sa Chowking. naka-81 pesos ako kasi di ko naresist ang temptation ng halo-halo hehe.

pagtapos nun napagdecidan namin mag-quiapo; sayang at 120 na lang ang laman ng wallet ko pero ok lang 45 pesos lang naman ang total ng binili ko pero sa susunod babalik ako ng quiapo magdadala na ako ng pera hehe. tapos balik na kaming UP; sumakay kami ng fairview at nagkamali yata yung nagsukli sa rinig nya kay anne dahil 84 pesos ang sinukli nya e hanggang philcoa pa kami na estudyante. in fairness wala pang isang oras nasa philcoa na kami.tapos UP jeep papuntang ISSI para sa Induction of officers ng KEM tapos uwi na rin kami ng 9:30.

sumayaw ang Troupers sayang at di ako nakasama kasi walang time magpractice (naglaboratory ako nung wednesday at nagpunta kami ng companies nung thursday). short notice kasi ang pagsayaw ng Troupers at di ko pa alam yung sayaw na yon (pasaway kasi ako hehe). sana next year since unting units na lang ako e magkaroon na ako ng time magpractice.

basta sa araw na yun ang total ng ginastos ko (isama na natin yung lunch ko): 300 pesos. pwede di ba. kaya pala nabawasan ang cash on hand ko!

sana matanggap for ojt.

==========================
...

Tuesday, March 15, 2005

Image hosted by Photobucket.com
Your Heart is Yellow

What Color is Your Heart?
brought to you by quizilla.com

totoo ba ito?

Thursday, March 10, 2005

i lost

i ran for a position in our Executive Council but i lost. it was a pretty good fight. this is the first time that i ran for office and lost.well as i have said, you can't have it all. i ran because i just want to try and not regret not running after all. when i decided to run against a friend i readied myself for defeat because my friend is a very capable person also for the position. nonetheless i'm happy that the position went to her and not to anybody else. as i have read in a magazine before "it is not important that you lost, what is important is how you pick yourself up after losing." true. i have plan B for my life and i'm pursuing it. i'm excited, i'll be doing stuffs i really want to do even way back before. i have lesser load next year that's why i can do these things already. and i'll dance (hopefully) for Indakan next eng'g week. life goes on.

Memcom

i'm thinking if i'll be a memcommer next sem... an applicant thinks i have a good company because i'm jolly. pwede, di ata ganon dapat ang memcom ha.

Thanks

i know some persons who voted me and i still don't who the others are. but if ever you get to see this blog of mine: I WANT TO THANK YOU GUYS!!! ( don't know how to thank you kaya dito na lang sa blog) thanks for trusting me. i'm assuring you guys that losing won't stop me from helping/serving KEM. a friend once told me that di mo kailangan ng posisyon sa org mo para makapagserve ka. he is right. I LOVE KEM and i'll be there for KEM always.

Aja!

Saturday, March 05, 2005

Your Brain is 66.67% Female, 33.33% Male

Your brain leans female
You think with your heart, not your head
Sweet and considerate, you are a giver
But you're tough enough not to let anyone take advantage of you!