my thoughts...

Tuesday, September 28, 2004

question of the day

pinaka-magandang tanong na tinanong sa'kin at sinagot ko para sa araw na ito: "tanong lang, bading, bi, o silahis ba sya?"

ang answer ko ay hindi "no comment" pero di rin oo o hindi. basta sa'min na lang nung kausap ko kung anong sagot ko.

-----------------------------

minsan talaga ang hirap magsabi o mag-express ng nararamdaman mo. minsan lalabas kang OA, minsan lalabas kang selfish, minsan lalabas kang laging maiinitin ang ulo. basta...

basta sana isipin na lang nila na hindi lang sila ang may ginagawa [period]

-----------------------------

may nakasabay kaming baliw sa jeep kinina.

sa delta sumakay ako ng SM west na jeep tapos nung malapit na sa footbridge e biglang may pumara na babae tapos sumakay rin yung marungis na lalaki. yung babae sinisik yung sarili nya sa pagitan ko at nung babaeng medyo malapit lang sa'kin. yung lalaking marungis sa tabi ng driver sumakay

tapos yung isa pang babae e bumaba at medyo tumigil yung jeep. bumaba rin yung marungis na lalaki tapos nagtangkang pumasok sa loob ng jeep at nagsalita yung babae ng "mama paandarin nyo na po yung jeep, bilis" pero di ata narinig nung mamang driver kaya inulit ko ng mas malakas. at buti na lang e pinaandar na ni mamang driver yung jeep.

yun pala kanina pa sinusundan nung mamang marungis yung babae at kung anu-ano ang sinasabi. di nga raw dapat yun yung jeep na sasakyan nya kaya sa bandang tapat ng cahoots e bumaba na sya

------------------------------

may nakakainis na bagay na nangyari kahapon, basta parang unlucky day ko ata kahapon.

may paulit-uit na linya sa utak ko "astro, astro cigarette..." galing dun sa mga pinanood namin sa hum1.

------------------------------

i got my ES12 exam result today, pasado yipee!

4 Comments:

  • "basta sana isipin na lang nila na hindi lang sila ang may ginagawa [period]"

    --ano to?

    scary yung baliw ha!

    By Blogger Richelle, at 11:35 AM  

  • @audric na hahaggard na kasi ako sa dami ng ginagawa kaya ayan... hay i can't help it but rant.

    @kuya wilf, basta radio active sago project ang kumanta nyan, hindi ko lang alam kung sila rin kumanta nyan :)

    By Blogger twisted-mind, at 6:16 PM  

  • uy astro!!!

    radioactive sago yan...sure na sure ako...at proud ako sa video kasi yung isa mga paborito kong prof yung artista dun...siya yung bida. hehehehe. hindi mo aakalaing prof yun na karespe-respeto.

    ang masasabi lang namin, parang ganun yung mga project namin sa prof na yun. hehehehe.

    -vani

    By Anonymous Anonymous, at 10:45 PM  

  • ^talaga vani. sino sa mga bida yung prof mo?

    By Blogger twisted-mind, at 1:08 AM  

Post a Comment

<< Home