my thoughts...

Thursday, September 16, 2004

haggard

nung minsang may nag-ham1 e may aplikanteng nagdescribe sa'kin as malaki ang eyebags. malaki nga ba? MALAKI NGA! dati ko ng alam na malaki ang eyebags ko pero ngayon feeling ko sobra na.

tapos kahapon e naka-upo ako sa harap ng jeep(sa may tabi ng driver) tapos kitang-kita ko ang noo ko sa salamin. puro pimples. e di naman ako mapimples na tao. grabe, lumalabas na ang mga signs na HAGGARD nga ako.

di bale 1 exam at project sa 133, 1 exam at process design sa 134, project presentation at 1 take-home exam sa 122, 2 LE at 1 finals sa ES12, zine at report sa hum1, at 1 exam sa PI100 na lang. SINO NILOKO MO? malayo-layo ka pa sa kailangan mong tapusin :sigh:

in less than a month mangyayari yan... sana mukha pa akong bente pagtapos ng sem na ito.

-------------------------------------

sabi ni decaf kaka-iba raw akong humirit. bakit kaya? hehe joke.

-------------------------------------

USAPANG TAMPON at pag-OUT

at alam nyo kung sino ang kausap ko tungkol sa tampon? ang mga lalaki kong orgmate. tinatanong ba naman ako kung nakapagtry na raw ba ako, e hindi pa. tapos may tagnong di raw ba nadedevirginize ang babae pag gumagamit ng ganon. sabi nung isa hindi raw hindi naman dw ganon kahaba yun e. ha?

napag-usapan rin namin yung show na OUT ng channel 7. sino kaya ang susunod na mag-a-OUT? sabi ko "AKO" (na pa-joke)! tapos sabi nung isa kong orgmate "sabi ko na nga ba lesbyana ka talaga" sabay tawanan. pagtita ko ang nagsasabi sa'kin na baka naman lesbyana ako e naiirita ako pero pagganito ok lang. alam ko naman kasing joke lang yung sinabi ng orgmate ko pero yung sa tita ko gusto talaga nyang malaman kong lesbyana ako.baka gusto nya akong itulad sa kanya pero sorry, babae po ako.

sabi ng kaibigan ko lahat ng babae ay may lesbian tendencies, talaga?

2 Comments:

  • ay, di ka nagiisa! ang eyebags ko, nagwawala na sa laki! hahahaha!

    ako naman, sa baba pinupuntirya ng pimples! arghhh!

    marami din nagsasabi na lesbyana ako. anu ba yun? ahahaha!

    --anepotz

    By Anonymous Anonymous, at 12:43 PM  

  • hindi ka nag-iisa dear. dati, hindi ako ma-eyebags at pimples na tao.. yung pimples, matatanggap ko na hereditary at sinisisi kong nakuha ko yun dahil kamukha ko mommy ko at nasa lahi nila yun instead ng sa dad ko na kahit anong puyat at weight change, flawless ang balat-no pimples. stretchmarks atbp. yung eyebags, i prided myself nung first two years ko in college na kahit anong puyat, walang eyebags ang beauty ko...but now, nature turned back against a lot of us. leche talaga....at ang mahal pa ng gamot na bigay ng aking derma para lang mabawasan yang breakouts ng mga pinatubo sa mukha (as my yaya said before). the price of mixing vanity and stress.

    sabihin ko sayo na applicable sa lahat regardless of any gender yung masculinity/femininity mix. may hormone at gene na nasa atin na nag-trigger nun...XX ang gene ng female although, with the formula x-1 for the barr body, may male factor sa gene natin. yung manifestation dependent na rin sa synthesis ng mga hormones sa katawan natin kung maalala natin yung mga LSH at FSH natin. o di ba....may naaalala pa ako sa dati kong course kung tama man yun. hehe.

    sa film theory mo sana po ay nakapunta ka sa aming kolehiyo para mahiram yung books. kung fil cinema naman, may books pa ako dito plus papers at maari kitang tulungan. nung huwebes lang, bangenge na ako kaya ganyan lang nasabi ko...kung nakasama ka sa isaw baka mas matino pa ako nun. still willing to help. masaya atang diskusyon ang teorya. tawag ka na lang sa house this weekend anuman kailangan mo. ayt?!

    at with respect to tendencies to be "out"...naka-tie din yan sa film theory. uso na kasi in this post-modern world yung mga term na "phallic woman" at "feminized male". genetically as i mentioned, possible nga yun at ito naman, psychologically rin pwede. basta....mahaba-haba na itong usapan!

    salamat sa pagbasa. bow.

    -vani

    By Anonymous Anonymous, at 1:58 AM  

Post a Comment

<< Home