my thoughts...

Saturday, September 18, 2004

pagod ako. kakagaling ko lang sa school (actually mga isang oras na nung dumating ako). nag-exam kasi ng ES12 kanina. gusto ko ng makuha yung result.

pagtapos nung exam kumain kami sa Papercup tapos nagfrenchfries sa dagohoy. tapos naglakad hanggang sunken tapos ako at yung friend kong taga-Yakal e bumalik sa Yakal (allan, may utang kang brownies sa'kin!).

naisip ko pag may nakakita sa'min na kakilala ko na di ko orgmate baka isipin boyps ko yung kasama ko. bakit ba ganon sila mag-isip? kasi ba dapat ito na yung panahon na naiisip na naming magka-boyps at ang mga lalaki naman ay magka-girlps? hmmm...

naitanong ko na naman sa friend ko kanina, wala kaya talagang nagkakagusto sa'kin? PATHETIC.

----------------------------

nacucurious ako sa sinulat na comment sa last na post ko ni vani about sa "phallic woman" & "feminized men".

naalala ko tuloy yung about sa "phallic trajectory" ng story na sinabi ni sir mykel na para bang nagdidikta na para lang sa lalaki ang paggawa ng istorya na katulad noon (kasi nga inihahalintulad sa flow ng orgasm ng lalaki ang flow ng story).


gender issues... basta babae pa rin ako hehe at pantay-pantay tayo

---------------------------

miss ko na sya

1 Comments:

  • wala lang...paboritong diskusyon sa mga film thheory classes ko ng aking paboritong theory prof. :) will give you a low-down as soon as we meet agan. mas masaya sya pag-usapan personally. *winkwink* lalo na over a movie...like...the 5 senses or any film in that strand.

    -vani

    By Anonymous Anonymous, at 7:47 PM  

Post a Comment

<< Home