my thoughts...

Wednesday, September 15, 2004

istorya ng nawalang pangarap

actually hindi naman talaga "pangarap" ang nawala sabihin na nating di na maisasakatuparan ang ideya ko.

kasi nag-iisip ako ng cover para sa zine na proyekto namin sa Hum1. tungkol sa araw-araw na buhay (namin) kasi ang isusulat namin dahil wala kaming maisip na theme ng mga groupmates ko. kaya naisip ko hahanap ako ng painting tapos yun na lang ang icocover namin tapos lalagay yan ko ng captions pero nung pina-xerox ko yung napili kong painting ni Van Gough e hindi maganda ang kinalabasan. e xerox ang way of production ng zine namin kaya scrap na yung idea na yun.

at bigla kong naisip na kung collage na lang ng pictures ng mga tao-tao at lugar sa UP! pwede may digi cam si gaery na diskette ang ginagamit na pangstore ng pics, madaling ilipat sa hard disk! yipee!

at na-excite ako at tinext ko si gaery para hiramin ang mahal kong digi cam nya. naiisip ko na nga kung anong magiging itsura ng cover at ang mga sceneries at mga bagay na pipicturan ko. na-eexcite talaga ako, mahilig kasi akong magtake ng pictures.

pagdating ng monday sa tambayan e nakita ko si gaery

ako: gaery nareceive mo ba text ko?
gaery: baka mali na naman yung number na nasa iyo.
ako: ay oo nga no, well, pahiram ng digi cam mo.
gaery: di ba nga sira kaya di nagamit nung KEM month.

grr... naguho ang mga pangarap ko at kailangan mag-isip ng bagong cover para sa zine.

------------------------------------

frustration ko ang maging manunulat. dati pa nung bata ako e naaamaze ako sa mga nababasa ko at sinabi ko sa sarili ko e magsusulat rin ako pagdating ng panahon.

noong High School naisip kong sumulat ng nobela pero dahil sa dami ng activities sa eskwelahan e hindi ko yun nagawa.

lalo naman ngayong College, wala talagang panahon.

pero ngayon kahit paano matutupad yun dahil sa ginagawa naming zine para sa Hum1. binabalak kong magsulat ng 2 poems at isang essay. gusto ko sanang gumawa ng istorya pero nahihirapan akong mag-isip kung anong flow ng story ang swak sa tema namin. sana na nga ang tema na lang namin e buhay ng iba't ibang klase ng tao para pwede akong gumawa ng istorya ng isang pulubi o kaya ng isang prostitute kasi dahil sa limited sa'min ang tema ang masusulat mo lang e tungkol sa naiisip mo, sa mga nangyayari sa iyo at hindi ka pwedeng lumabas sa pagtingin ng ibang tao sa buhay.

mga naiisip na gagawin o mga topics:

1. Musika (music as an integral part of life, poem na gagamit ng titles/lyrics ng songs para ipakita na parte na ng buhay ang musika)

2. Jeepney Ride: Sakay Na (art of/stories about riding jeepneys na ginagawa ng maraming tao)

3. Ina (patungkol sa Inang Bayan,poem tungkol sa crisis sa Pilipinas, di na matatanggal na bahagi na ito ng buhay ng isang Pilipino kahit di nila minsan pinapansin).

SANA MAGAWA KO NG MAAYOS!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home