my thoughts...

Sunday, September 12, 2004

tradisyon

andaming tradisyon na nababale.

dati noong bata ako ang Christmas ay sine-celebrate sa bahay ng tito ko sa Cainta at ang New Year dito sa may sa'min. tatlong pamilya kami. yung isa pang pamilya katabi lang namin yung bahay. bahay nila tita. tita ko na parang gusto akong i-adopt dati dahil ang mga anak nya ay puro lalaki.

pero nung namatay si Tatay (lolo ko sa father side) e nagbago ang lahat, nawala ang tradisyon. gusto ni tita na mas malaki ang mamanahin nya dahil mas matanda sya at mas marami raw syang nagawa para kay Tatay. pero dahil dapat ay may equality ay hindi pumayag si tito at si daddy. nagkaroon ng hidwaan.

ang naging tradisyon na e sa kanya-kanyang bahay pag Pasko at yung mga tito ko e pumupunta dito sa'min pag New Year pero hindi kasama sa selebrasyon ang kabila.

mga ilang taon rin ang ginugol sa korte, ilang libo na rin ang kinita ng mga abogado sa kanila. hindi ko na nga matandaan kung kelan ba talaga ito nag-umpisa. pero ngayon ayos na ang lahat, pumayag na rin ang tita na maghati-hati sila ng pantay. kaya ayos na ang magkakapatid at binabati ko na rin si tita na ilang taon rin akong di pinapansin.

nung huling New Year nandito sila sa bahay, yung mga taga-kabila. pero iba na, hindi na katulad nung mga bata pa kami.

-----------------------------------

pag HAMUNAN 1 times na sa org e ang nauuna ang batchhead, pain kung baga. tradisyon. pero ngayon dahil sa nagkagulo ang reservation ng ham(unan) room e hindi sya ang nauna. isang tradisyon na di nasunod pero babalik pa rin naman.

-----------------------------------

napagkasunduan namin ng mga kabarkada ko na every year manonood kami ng UAAP Cheering Competition. nung mga freshmen pa kasi kami e required halos lahat kami na manood at nag-enjoy kami. lagi kaming sa upper box B para malapit kami sa drummers at dun kasi masaya ang crowd.

pero kaninang umaga (past 12 midnight na non e) e napagdecidan kong di na talaga ako manonood. kakatapos ko lang ayusin yung project namin na isang computer program at hindi pa ako nakakapag-aral at marami pa akong babasahin kaya hindi na talaga ako makakasama.

nalulungkot ako. tradisyon na sa'min ang manood.

1 Comments:

  • nagdefer kasi yung batchead e haha!!!

    nakakapagtaka kung bakit mas madaling isettle ang away ng mga bata kaysa sa away ng mga matanda. parang ayoko na tuloy tumanda ayoko atang maranasan yun.

    By Blogger Richelle, at 1:52 PM  

Post a Comment

<< Home