my thoughts...

Tuesday, October 05, 2004

last post ko na ito...

BAGO MAGHIBERNATE PARA SA PAG-AARAL SA DOSE FINALS. be right back sa saturday siguro, kung makayanan kong hindi magblog hehe.

---------------------------------



dahil sabi ni nini magpost pa raw ako ng pic. ito grad pic ko nung HS syempre mukha na lang ang kita dyan hehehe.

--------------------------------

nangyari na ang kinatatakutan ko, i saw it coming but my groupmate told me it is ok. for him its ok, antaas naman ng exams nya sa major na yun e. ayoko ng mag compre exam, di ko na kaya.

--------------------------------

kung may ikalulungkot na pangyayari, may ikatutuwa rin naman. wala na kaming reporting sa 133 at may grade na kami. ok lang yung grade ko, higher than what i expected. whew, dose na lang ang poproblemahin ko kung nagkataon.

grabe ramdam ko na ang sembreak.

--------------------------------

meron mga bagay na hindi ko maisulat dito. bilanggo ako, bilanggo ng mga matang nakakabasa ng blog ko. mali... bilanggo ako ng sarili ko.

may mga bagay kasi na ayoko ng maging dahilan ng pagtatanong sa'kin ng kung anong nararamdaman ko, na sa totoo lang ayokong pagdebatihan kung may point ba ang nararamdaman ko.

baka rin may biglang madaan dito na ayokong makabasa ng mga nararamdaman ko.

takot akong bigla syang madaan dito at malaman nya. kaya nga hindi ko masulat pangalan nya dito.

parang may pakialam sya sa'kin, ha. para namang may epekto sa kanya kung malaman nya kung anong nararamdaman ko. damn.

sa susunod, kakayanin kong hindi maging bilanggo...

--------------------------------

'Di malaman kung ano ang gagawin
sa damdamin
Na 'di ko maamin...
...sa sarili
Kung bakit ka pa ba nandiyan

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
H'wag mong pilitin ang hindi para sa 'yo
Ngunit bakit hindi kita makalimutan
Sa 'yo ba'y okey lang ?


---------------------------------

last night i was with the wushu clan minus pH. grabe ke gugulo ng mga ito pero masaya pero si lou ang tahimik lang, parang hindi sya.

--------------------------------

kagabi asa mcdo ako. umorder ng hot and cold combo at hamburger. pagdating ng french fries ay naalala kita. kahit naman ata wala ang french fries ay maaalala pa rin kita.

kaninang umaaga habang nakatunganga ako at nakatingin sa kawalan ay iniisip kita, pinipilit kong isipin kung ano ang iyong itsura pero ang labo, parang bigla kong nakalimutan kung anong itsura mo.

--------------------------------

YACEL welcome to the blogging world : )

1 Comments:

  • shallytots!!!

    kaw talaga, syempre 4 no particular someone yung "i love you" na yun... that was meant for the people na makakabasa ng blog ko. that was meant for the people na mahalaga sakin... kasi yung mga taong yun lang naman yung binigyan ko ng blog ad ko e. (kayo lng ni lou actually, heheh...)

    By Blogger Yacel, at 1:23 PM  

Post a Comment

<< Home