my thoughts...

Thursday, October 14, 2004

pagbabasa-basa

320/320 Vision: Usapang Lalaki Lang ayus na article ito basahin nyo [link yan click nyo na lang]

tungkol yan sa pagiging mas particular ng definition ng isang straight male sa ating society ngayon.

dahil dito ay binasa ko ulit ang "Geyluv" (na dapat ay nung weekend ko pa ginawa para matulungan si maits sa takehome exam nya sa hum1) at tinignan ang relationship ng isang gay at straight na male. sa society natin parang marami ang naniniwala na pag mag kaibigan na gay at straight (as in tight sila ha) e ay hindi maaaring friends lang sila, meron at merong may pagtingin ang isa sa isa at most of the time ay iisipin nilang yung gay ang may pagtingin sa straight male. wag i-generalize na lagi na lang may gusto ang mga gay sa straight males kaya sila nakikipagkaibigan dito; tignan na lang sa istorya ng Geyluv sa umpisa e hindi naman gusto ni Benjie si Mike, sa later part na lang nangyari yon.

o kaya naman laging bibigyang babala ang staight male na baka mahawa sa gay friend kaya layuan. para sa'kin it's a matter of confidence sa sexuality mo, hindi dapat genegeneralize ang mangyayari/nangyayari sa mga relatonships na ganito.

ika nga sa tanong ni cute_guy: "bakit kaya masyadong big deal ang pagiging out ng isang lalaki?"

sagot ni lagsh: "i think the media (at least in our country) has a lot to contribute in this. pero kasama rin siguro dun sa (eto na naman) patriarchal society na meron tayo. waaah magulo. any sociology majors here???"

sagot ko: ito lang naisip ko lang ha, siguro kasi dumadami na ang bading at sa napag-usapan namin ng friend ko ay parang nagkakaroon na nga ng gay culture kaya parang mas nagiging big deal ang pagiging out dahil parang "lumulutang na ang karamihan magtatago ka pa ba?" parang ganon... naisip ko lang. at saka sa media na nga rin. kaya abel mag-out ka na...joke Ü

BAKIT NGA BA?[PAKISAGOT NAMAN O]

----------------------------------

meron silang tinatawag na metrosexual. maraming definition akong nakuha.

tignan nyo na lang dito--->metrosexual

-----------------------------------

dahil sira ang TV sa kwarto [na nabsa nong malakas na umulan minsan] at laging dapat nasa Cartoon Network o kaya sa Nickelodeon o sa kahit anong cartoon ang TV namin sa bahay dahil sa bratinela kong pamangkin e mukhang di ko ata mapapanood ang mga gusto kong panoorin na movies sa VCD. kaya ito nagbabasa na lang ako ng kung anu-ano dito sa bahay.

sinimulan ko sa Linangan, na librong binabasa sa hum1 pero sa class namin ay di namin masyadong na gamit. ito ang mga nabasa ko kanina:

ROSA ni Maria Rosa Henson: tungkol sa babaeng naging "sex slave" ng mga sandalong Hapon sa panahon ng digmaan. karumaldumal ang kanyang sinapit; di sinabi kung paano sya nakalaya o kaya anong nangyari sa kanya[natapos ang istorya na alipin pa rin sya] parang hindi tapos ang istorya. kinalibutan talaga ako sa sinapit nya.

ANG MAGING BABAE ni Ruth E.S. Mabanglo: "Kasumpa-sumpa ang maging babae sa panahong ito" <---- ito ang panimula ng tulang ito; ipinapakita dito ang tingin ng society. ang pagkakahon sa mga babae; sa mga dapat nilang gawin at hindi dapat.

ISANG TUGON KAY ELYNIA: ANG PAGIGING BABAE ni Lilia Quindoza Santiago: sagot sa tula ni Ruth Mabanglo; sinasabing magiging kasumapa-sumpa nga ang maging babae sa panahong ito kung aakuin ang hinulmang pagkatao; pag hindi natin binigyang "pagtangi ang sarili" at hayaan nating ang tingin ng society sa babae na alipinin tayo.

ANG PAGIGING BABAE AY PAMUMUHAY SA PANAHON NG DIGMA ni Joi Barrios: ang pagiging babae ay puno ng pangamba at panganib. "Sa huli'y aking naunawaan, na ang pagiging babae ay walang katapusang pakikibaka para mabuhay at maging malaya"

mga iba't ibang babasahin tungkol sa mga BABAE.





0 Comments:

Post a Comment

<< Home