my thoughts...

Tuesday, October 12, 2004

4th year 1st sem... BOW!

balik tanaw lang sa kakatapos lang na sem umpisahan natin sa pagbibigay mensahe sa mga ilang tao:

para kay sir nato dela cruz:

sir,

salamat po sa lahat. tatlong sem rin pong naging professor ko kayo sa majors. marami po akong natutunan sa inyo, hindi lang tungkol sa mass balances at energy balances kung di tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay. salamat rin po sa concern sa aming lahat. nalulungkot ako na hindi nyo na po itutuloy ang plano ninyong pagtuturo ng higher ChE subjects pero kung yun po ang gusto nyo ay wala po kaming magagawa. maraming salamat po uli at magkikita pa rin naman po tayo sa dept. at sana makuha nyo yung leave nyo para next sem.

shally

para kay sir mykel andrada:

sir,

salamat po uli. the best talaga ang class; never atang natatapos ang class na hindi ako tumatawa (except lang kung may quiz hehe). at marami akong natutunan. maraming salamat po uli.

shally

para kay sir augie ressurecion:(sana tama ang spelling)

sir,

pumasa na ako. parang naglilinis ng estudyante sa es12 ngayong sem ha, andaming pumasa. salamat din po.

shally

para kay sir terence tumolva:

sir,

salamat po sa pagpasa sa'kin sa dalawang majors. for that di ako madedelay.

shally

para kay pame at polo:

guys,

salamat at saka sorry demanding akong groupmate. haha natawa talaga ako sa 80 na nakuha natin sa oral presentation.

shally

sa mga dyosa:

guys,

salamat ng marami uli; isang sem na naman ang nilampasan natin. sana lahat present sa outing sa friday! sa mga nagCE22 amin na lang project nyo hehe.

shally

at sa mga iba pang tao (erik, pH, etc.): SALAMAT!

------------------

naalala ko nung june umiiyak ako sa tambayan. pagka-tapos yun ng ChE 134 class ko. after kasing sabihin lahat ng requirements sa 134 e feeling ko hindi ko makakayanan. sa 133 may design project at reporting, sa hum1 maraming readings, sa 122 thermodynamics yun at may program project, sa 134 may equipment design at process design, sa dose, well ES12 yun e (tinatanong pa ba kung bakit?). sa PI 100 lang ata ako masyadong gagawin, maliban lang sa report tungkol sa ateneo days ni rizal at isang exam. pero ngayong tapos na sya, makakahinga na ako ng maluwag (di ko pa pala alam kung anong grade ko sa PI at hum1 pero feeling ko naman pasado naman ako).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home