my thoughts...

Saturday, November 27, 2004

may mga bagay pa rin ako na hindi maisulat dito. minsan frustrating na kasi dapat lahat ng nararamdaman ko naiisusulat ko dito pero hindi eh nagpapapigil pa rin ako.

================================

sad ang paskong ito.

Monday, November 22, 2004

panaginip at iba pa

down ang blogspot kaya ito delayed entry ito.

nanaginip ako. sa eng'g daw may magnanakaw. habang nakaupo kami sa labas ng es26 rooms e bigla na lang may nagkagulo. nanakaw yung bag nung isang taong nandun rin sa labas ng es26 room at sabi ni manong janitor ay marami na raw na nanakawan yun. maitim raw na lalaki yung magnanakaw at sasabihan ka na nawawala ang coin purse nya tapos hahablutin nya ang bag mo. parang ang bilis-blis nyang tumakbo dahil walang nakakahuli sa kanya pagtapos nyang gawin ang krimen. habang lost pa ako, si iche at waquer sa pangyayari ay pumanik daw kami dun sa susunod na stairway sa eng'g at umupo sa hagdan. usap usap usap... hanggang may may humawak sa balikat ko na maitim na kamay. tina-try kong isukbit sa arms ko yung bag ko pero kahit anong gawin ko ayaw nyang mangyari at nagsalita na ang taong nasa likod ko "nawawala ang coin purse ko." nagising na ako na naaagaw hininga.

iniisip ko ang panaginip ko. malamang dapat ako na yung susunod nyang biktima. tapos naiisip ko baka nagpapahiwatig lang ito ng ibang bagay. bumaba ako sa salas namin dahil naiwan ko yung cellphone ko doon at naisip ko baka may pumasok na ibang tao sa bahay kahapon at kinuha ang cellphone ko (kasi nangyari na yun sa isa kong kaibigan) kaya mukha akong windang na bumababa sa hagdan. pero buti na lang nandun pa rin ang cellphone ko.

--------------------------------------------------------------

may mga bagay talaga na madaling makapagpababa ng morale. honestly, napakababa ng morale ko ngayon. *darn* not now.

parang gusto ko ng magquit pero wala pa ang totoong laban. coward.

pero itutuloy ko ang laban. bahala na.

---------------------------------------------------------------

may tamang pagbibigay ng criticism. sana constructive ang lahat ng criticisms kasi natatanggap ko yung ganon e. pero pag hindi na constructive i take them badly, very badly.

---------------------------------------------------------------

di ko na sya masyado inisip. grabe i-congratulate nyo ako! pero... hahaha.

Friday, November 19, 2004

CONGRATS

kay Crismar Guillerson Chico (sorry kung mali ata yung spelling ng second name nya) for passing the ChE board exams. pare, engineer ka na! (pa inom ka... ng juice hehe, healthy living na ako ngayon) pahabol: di mo naman sinabi top 9 ka pala! double celebration na ito!

at sa iba pang KEMers na pumasa: shara, wea, carlo (top 3 astig!), at sa iba pa CONGRATS!!!!

at saka kay Chinito na nanalo sa Ilocos. sayang at hindi umabot sa'min ang pasalubong mo.

Thursday, November 18, 2004

Ranting

with the capital R.

NEWS FLASH: i'm not going back for interview for the P&G summer internshipin China : (

i realized that i'm not good at handling rejections. rejections make me doubt my capabilities, right now i'm thinking what i did wrong yesterday. and i never really get over with rejection, it sticks with me.

my friends told me that maybe there is a reason why i'm not going for the interview. maybe there is something else for me. i know... but of course i wanted this one and it means i have to find another company for my on the job training.

maybe Lord doesn't want me to go to China because i'm just going to feast over those chinitos over there haha.

congrats to iche, erik and erma! guys i'm praying that you pass the interview and fly to China in summer. if it happens, mangunguna na ako "pasalubong ko ha" : )

================================

i realized that my attention span got shorter this time. after 10-20 minutes in a classroom i can't concentrate with the lesson anymore. and yesterday during the exam i was already floating somewhere out there. darn i have to fix this one while i can.

================================

i'm a bad girl [period]

Wednesday, November 17, 2004

galing akong The Peninsula Manila para sa P&G summer internship seminar. sana pabalikin nila ako for interview pero matatanggap ko rin naman kung hindi. pero sana...

==================================

yung tatak ng tea dun sa hotel ka pareho ng tatak nung tea sa Oz. o ha? hehe

tinatamad na ako; buong araw akong nasa makati. gusto kong magsulat pero ito nga wasted na ako... saka na lang pagnaalala ko na lang i-kwento.

Monday, November 15, 2004

it's Zhanel's 3rd birthday today. happy birthday baby!



==========================================

gusto kong maglagay ng wishlist dito pero naisip ko ilalagay ko na lang yung mga wish ko dito after magkatotoo na sila. hehe

sana may mailagay ako.

==========================================

ayokong nagdadala ng ibang tao dito sa bahay yung mga ibang tao. di naman sa pinagmamaramot ko yung bahay namin pero hindi kasi ako makagalaw ng maayos; parang invaded ako. tapos sira pa yung TV sa kwarto kaya di tuloy ako makapanood ng TV dito sa sala kasi andito sila.

at minsan di nila alam kung paano ilugar ang sarili nila.

Saturday, November 13, 2004

kumain ako mag-isa sa Oz (congratulate me hindi ako usually kumakain mag-isa sa labas actually i hate doing that)

at saka nakita ko ulit si herbench guy (ang weird pakinggan herbench tapos guy hehe)!

addiction na ito.

at saka napanood ko na yung Reality Bites. i like it kasi parang ma-MTV yung feel nya plus OST nya ang all time favorite (videoke) song ko na STAY by Lisa Loeb.

====================

may nagsabi sa'kin yung crush nya magiging crush nya hanggang december lang parang may expiration date. masunod kaya ang plano nya? magwork kaya yon?

ma-try nga rin hahaha.

Friday, November 12, 2004

1. nakakuha na ako ng hum2! salamat kay sir Paulino sa pagtanggap sa'min
2. got a letter for P&G internship sa summer
3. sana mapili ako
4. long weekend : )
5. miss ko na ang movie buddies ko (zoan at vani kayo yun; kelan kaya next movie watching natin)
6. sana makasama ako sa Oz next week (chocolate overload/cake)
7. ang simbahan pwedeng makialam sa gobyerno pero pag ang government official ang nakialam sa simbahan next election wala na silang endorsement (hehe)
8. death is a journey of the soul, it is a process.
9. nag-absent ako sa 123 dahil nag-iintay kami ng slots para sa hum2 sa art studies sa FC
10. ^ok lang di pa naman ako bayad kaya wala pa akong classcard
11. sa ce22 wala pala kaming class; hehe nakalimutan sabihin sa'min ni resty
12. gusto kong magrecite sa eee1 pero nahihiya ako
13. nakakatuwa yung prof namin sa hum2; gumawa sya ng bookmark as syllabus namin; creative.
14. sana masaya hum2 ko kasi ito lang ang subject ko na non-eng'g
15.

HASH(0x8b474c8)
SWEET TEEN!!! Yes you are a teenager mmmm from 13
- 19 quite a little rebel haha just kidding...
You think as a teenager, you see everything
quite simple, soon you will realize it is not
that simple. In my opinion you look at things
in a very beautiful way. =)

. What is you inner age?
brought to you by

Wednesday, November 10, 2004

1. nakita ko na naman yung crew ng herbench kanina : )
2. nakita ko kanina yung lalaking tumitingin sa akin na nasa cashier ng isang kainan at naka-tingin na naman saya.
3. di pa rin ako nakakapag-enroll hanggang ngayon. ilabas nyo si Sir Paulino sana tanggapin nya ako sa hum2!
4. bumili ako ng belt, 2 stripes socks, oil-control paper, prepaid ng internet at vcd ng reality bites kanina sa SM
5. 60 na lang natira sa pera ko hehe
6. may bago ng lift ngayon ang tawag sa kanya hawak sa pwet lift nakaka-harass
7. may utang na chocolate cake si louie sa’kin hehe
8. napanaginipan ko si crush kanina at may istorya yung panaginip ko
9. may nakita akong gusto kong iregalo ko sa kanya pero hiya ako e
10. dapat classmate si ex-crush sa isang class ko pero gone na sya
11. quote of the day: malapad ako, e ikaw? galling kay boy abunda para sa tarpaulin ni charles ng SCQ
12. gusto ko si charles ng SCQ hehe
13. magrereport ako about softdrinks industry sa ChE140. kung may alam kayo dito [history and processes] pakisabi na lang sa’kin
14. nag-Oz kami kanina at nag Greenwich [pero hindi dito yung kainan na may tumitingin sa akin, iche alam mo na kung san pang kainan tayo pumunta haha] naman kami ni iche sa SM
15. napag-usapan na naman ang HS life
16. di ko alam kung ano ang mas masaya kung buhay ko nung HS o ngayong college
17. I must agree with iche, incomparable silang dalawa
18. na pag-usapan din ang past kanina. past is past wag na nating balikan ok, nasesenti na naman ako e
19. napagtyagaan ko ang fly me to polaris sa PC! tear jerker
20. sana matapos ko yung So close at Reality Bites bukas bago ako pumasok sa school
21. wala akong class bukas pero may Genmit at bibili ako ng gamit *sigh*
22. mahal ng kumain sa fastfoods kesa noon. ang mag pa-large ng drinks ay 7 na at 9 naman sa fries at sa mc do pag gusto mong twister fries ang fries mo +20 bucks. pati ang mga meal nagtaas na rin.
23. realization: mas marami akong nakukwento pag ganito. pag kasi nagkukwento talaga ako sa blog andami kong di nasasabi dahil pag humahaba na masyado tinatamad na ako.

Sunday, November 07, 2004

false advertisement

triny namin ni mommy kanina ang KFC Salad D' Lite. sa TV andami-dami nyang laman, iba't iba ang sahog at napaka-ganda ng presentation. kainga-inganyong kainin, ayos sa 65 pesos na presyo nya. pero nung nilagay na nung taong nasa counter sa harapan ko bakit parang iba na ang itsura? bakit hindi ko makita yung ganito sahog at yung ganyan. bakit ang liit lang pala ng lalagyan?

mga ilang beses na rin akong nainis sa mc do dahil ang unti ng laman ng large french fries ko at unti ang chocolate hot fudge sa mc float ko. nairita ako ng sinabi ng jollibee na mas crispy na ang french fries nila (na patatas daw) pero parang wala namang pinagbago. ang pop cola daw mura lang pero kasi maliit lang sya kung tutuusin halos ganon lang rin katulad ng coke at pepsi.

ganyan talaga ang maraming advertisement dito sa Pilipinas. kesyo ganito ang itsura nyan, nagbago na ito, mura ito pero sa totoo lang hindi. false advertisement lang ang lahat.

"hindi ako bakla"

yang ang kinanta ng pinsan ko nung minsang may bading na dumaan sa harap nya nung nasa probinsya sila ni mommy nung dumaang todos los santos. buti na lang daw hindi pinatulan ng mga bading ang pinsan ko.

kanina bumili si mommy ng "bench idol" na shirt. sabi ng twin bro ko dapat ibili rin raw sya ng t-shirt ni mommy; ang nakalagay "brief ko bench." tawanan naman kaming lahat. yung pinsan ko parang kinikilig. sinabi ng kapatid ko "natuwa ka naman ng makarinig ka ng brief"

ang friendster & myspace name nya "ashley" at napaka-gandang picture ang picture nya. kaya naman ang mga lalaki ay ina-add sya kahit di naman sya kilala.

favorite nya ang westlife at crush nya si hero angeles.

may textmate sya na binibigyan sya ng load pag nauubusan sya, perks nga naman ng pagiging maganda. pero ngayon magkagalit na ata sila, ayaw nya kasing sagutin yung cellphone nya nung minsang tumawag yung lalaki. ako ang sumagot at sinabing natutulog pa sya.


yung adidas t-shirt ko noong high school na dilaw nasa pinsan ko na... tapos na kasi ako sa phase na yung pagsusuot ng t-shirt sa buhay ko kaya sa kanya na lang daw. sige binigay ko na; di bagay sa maitim kong kapatid ang yellow.


nasabi ko bang joselito ang pangalan ng pinsan ko.

On seeing the 100% perfect boy one beautiful November afternoon (that herbench crew guy)

parang bigla kong naisip ang
"On seeing the 100% perfect girl one beautiful April morning" ni Haruki Murakami na binasa namin sa CommI noon kay ma'am dangilan (na nag-asawa na) noong makita ko ang lalaking ito.

hindi sya gwapo (pero hindi naman pangit) pero noong nakita ko sya parang naintindihan ko ang naramdaman ng lalaki sa istoryang aking nabanggit. pero kailangan ko ng lisanin ang herbench dahil susunduin ko na si mommy.

naghahanap kasi ako ng t-shirt kanina at nung sinundo ko ulit si mommy e dinala ko sya sa herbench (bibili rin naman kasi sya ng bench idol shirt katulad ng aking nasabi) para makita ko ulit yung lalaki.

kung sasabihin ko kaya sa kanya ang istorya nung lalaki mula sa istorya pansinin nya kaya ako?

pero may sinabi ako sa kanya:

"pwedeng pahingi ng stocks nito with the same sizes, thanks"

tusukin ko mata mo eh

war freak ako pero hindi ko magawang makipag-away sa mga strangers lalo na sa mall.

naiirita ako, paano ba naman ayokong tinitignan ako kaya yan ang gusto kong sabihin dun sa mga lalaking na encounter ko kanina "tusukin ko mata mo eh"

na una dyan yung crew sa isang kainan na nakatingin na sa'kin e hindi pa ako yung nasa harapn nya, may ibang costumer pa syang dapat pagsilbihan.

yung pangalawa naman yung lalaki na nasa harap ko sa pila sa KFC nung bibili ako ng salad, halata namang pa-simple pa syang tumitingin-tingin sa paligid nya e tinitignan lang naman nya ako.

yung pangatlo yung isang lalaki sa herbench store. habang hinihintay ko si mommy na lumabas sa fitting room e may nakita akong lalaking tinitignan ako through the mirror na nasa aisle ng mga fitting rooms (meaning nakatalikod ako sa kanya). at nung hinarap ko sya biglang tanggal tingin naman sya at umalis sa kinatatayuan nya.

na iinis ako sa ganon; di ko kasi alam bakit nila ako tinitignan. i'm not confident with my looks kaya ang naiisip kong dahilan kung bakit nila ako tinitignan: ang boobs ko. damn!


Saturday, November 06, 2004

sans love

after watching "kung ako na lang sana" at cinema one earlier, i found myself teary-eyed. i really wanted to cry at that point but i don't want the persons surrounding me see me shed tears over that movie. honestly, the tears is not because of the storyline of aga and sharon's movie but it is more about what it brought back to my fragile senses... it brought back memories of people i cared more than they ever thought i did.

i am a person who is afraid of rejection that is why i am not an affectionate one. i do not want to show that I care for a person that I am interested because they might hurt me even more. if I showed care then they did not reciprocate I will be more hurt than when I did not show anything at all. I am a safe player. But once I risked things and got hurt… not much of a good experience.

i know i always rant about me being single, without love life but I never revealed the real feelings I am hiding inside because it might trigger questions that I am not ready to answer yet or questions I do not want to answer at all. some are old issues that I would rather bury six feet under with my feelings for those persons involved. I thought I have moved on but I am wrong. I am haunted by those feelings again, our lives still intertwined by persons and events that I can not ignore as much as I want to. I feel so lonely.

Pag minahal mo ang isang tao hindi na mawawala na sayo ang pagmamahal mong ‘yon; pwedeng mag-iba ang pagmamahal pero hindi mawawala yon that is not the exact words but that is what sharon's character told aga in the movie. And now I realize it is true

It is just simple, tayo lang naman ang nagpapagulo

I decided to not talk about it anymore. no more ranting about being single, no more ranting on why I can not find a new person to admire after blues clues, no more stories, no more emotional baggage. I mean it, i failed before but I am determined to succeed this time.

Lord please help me.

Thursday, November 04, 2004

Chinese Culture

si anne na kaibigan ko ay nakaitim kanina nung pumasok sya. pero nung nasa SM na kami sabi nya sa'kin "wag mong kakalimutang sabihing magpapalit ako ng shirt." sinabihan kasi sya ng tatay nya na sisirain ang damit nya pag nakita nya ulit ang itim nyang damit. bawal kasi sa mga Chinese ang nag-iitim sa damit. ang tatay ni anne pure Chinese.

Morbid Thought

habang kumakain sa KFC at iniintay ang gravy na kinuha pa ng crew ay napunta sa usapang pagpapainom ng gamot kina spike at vanness, ang mga aso ni iche. tapos bigla na lang na tanong ni anne "malalaman kaya ng aso na aso rin ang kinakain nya kung pakakainin sya ng aso?"

naisip ko hindi; baka hindi sila capable. tapos may nagsabi, "baka nga tayo pagpinakain tayo ng tao baka hindi natin mapansin na tao pala yun e." morbid thought, indeed. kaya nagtuksuhan kami na baka ang mga kinakain namin ay tao na pala. ang chicken ko, malaki sya in size, galing sa pata ni louie yun hehe.

Fiscal Crisis is Over... ayon kay GMA

yung ang narinig ko sa TV Patrol kanina... wow magic. paano kaya nangyari yon, parang ilang buwan palang mula nung inamin ni GMA na may fiscal crisis sa bansa at pinag-uusapan namin ito ng boyfriend ng kaibigan ko ang tungkol dito sa CHE lib kesa gumawa ako ng process design ng 134. di ako naniniwala...

Another Filipino held Captive in IRAQ

ano na kaya ang nangyari sa kanya? wala pa ring balita e.

Flip-flops

ayoko ng magsuot ng tsinelas sa eskwelahan. isa kasi ako sa 2nd to the smallest (kasing tangkad ko kasi si waquer kaya dalawa kaming 2nd to the last) kaya parang ang liit ko pag si waquer at si erma ay naka-sandals na nagdadagdag height at ako naman ay naka-tsinelas. hay ang hirap maging pandak...

Tuesday, November 02, 2004

nostalgia

nung biyernes nasa SM ako dahil nasira yung PC namin (na nasira pala dahil sa nasunog na restart button at di dahil sa worm na pwedeng dalhin ng mga downloaded files ko hehe). sale sa SM kaya naglakad-lakad na rin ako sa SM kahit ang pakay ko lang talaga ay mag-internet, bumili ng bagong toothbrush (tapos na ang 3-month lifespan ng toothbrush ko) at bumili ng green tea ni mommy. tapos nakakita ako ng unipormeng dati ay pamilyar na pamilyar sa'kin. paldang may mga parisukat na ang kulay ay iba't ibang shades ng blue; blouse na may pleates at bow na ang tela ay kaparehas ng sa palda. yun ang uniporme ko nung nasa quesci pa ako.

nakakita ako ng maraming xientians; naisip ko malamang last day na ng class nila dahil maghahahalloween break na. ang tongertz ko talaga... friday nga kaya last day nga nila. may nakita akong magkakasama na dalawang lalaki at isang babae na xientian. dala-dala nila ang mga punong backpack habang sinisipsip ang zagu nila... naisip ko siguro ganyan rin ang itsura ko dati. masayang-masaya pag nakalabas sa eskwelahan at maglalagalag sa mall. natutuwa pag may long weekends o kaya pagnawawalan ng pasok... naisip ko ganito rin kaya ang tingin ng mga dating upperclassman sa'kin nung ako pa yung nasa kalagayan nung mga "batang" yun... :sigh:

nakita ko rin yung teacher namin na sinagot ng batchmate ko sa friendster survey na "most unforgettable teacher sa quesci" pero di na ako nagpakita sa kanya dahil ayokong nagpapakita ako a mga tao na nag-iisa lang ako. naalala ko tuloy nung pinagalitan nya ang grupo namin sa filipino dahil tinakpan namin ang mga bintana ng classroom ng mga dyaryo para sa presentation namin sa filipino. sabi nya dapat sa time na lang ng filipino namin ginawa yun, sinasagabal daw namin ang klase namin. kung tutuusin may point sya pero syempre noon nagalit ako... lalo na nung nagbigay sya ng surprise quiz sa buong klase dahil sa ginawa namin.

naisip ko rin si Heathcliff; bukod sa yan ang pangalan ng tauhan ni Emily Bronte sa Wuthering Heights e yan din ang codename ko sa kauna-unahang lalaking naging crush ko noong high school. kung bakit heathcliff? kasi associated si heathcliff sa "dark" things dahil sa personality nya e yung crush ko maitim kaya yun naging si heathcliff sya.

at dahil sa naalala ko ang Wuthering Heights (na hindi naman ako ang nagbasa) ay naalala ko ang binasa ko sa 1st year english class ko na ang pamagat ay The Scarlet Letter. Noon ang pagrereport ay hindi pa nadadaan sa ganda ng powerpoint presentation at hindi rin uso ang paper noon. irereport mo lang sa harap ng class yung binasa mong nobela. nung ako ang nagreport hindi yung english namin yung nandun kasi nagkasakit ata sya nun. hindi ko alam kung natuwa o hindi yung nakinig sa report ko... basta isa lang ang masasabi ko, hindi talaga ako magaling na reporter sa harap ng class.

1st year high school. una mong taon... :sigh: naalala ko kung gaano ako ka-childish noon (syempre noon hindi pa mukhang childish sa'kin ang ginagawa ko). nakipag-away ako sa kaklase kong lalaki na nanggulat sa'kin habang may ginagawa akong ginagamitan ng ink. eventually dahil sa gulat ko ay natapon yung ink sa bag ko pero hindi dahil sa natapunan ng ink ang bag ko kaya ako nagalit; nagalit ako kasi natapunan ng ink yung autograph book ko na sinagutan ng crush ko (na hindi si heathcliff). yun ang kinagalit ko. nung 1st year din ako na-chain kami nung classmate noong fair namin. e yung nagkaka-crush sa kanya(sa classmate ko) na taga-ibang section ay officer noon kaya nakita nyang naka-chain kami. at alam kong nagseselos sya (assumption ko lang pero halata naman) kahit tinatago nya ang selos nya. eventually naging sila rin nung year na yon pero nagbreak sila nung ibang year na kami.

marami pang bumalik na alaala sa'kin. habang naglalakad ako sa SM. pero ito ang isang bagay na tumatak sa isip ko... kung mapagbibigyan ako at pwede kong ibalik sa dati ang buhay ko tatanggapin ko

Monday, November 01, 2004

isto-istoryahan (post halloween)

si junjun ay naglalaro sa sementeryo kasama ang mga nakilala nyang mga bata doon.
nilalakaran nila ang taas ng mga puntod; nagtatakbuhan, nagtatawanan.
naisip nilang magcartwheel sa taas ng mga puntod.
nung si junjun na ang nagcartwheel parang lumulubog ang lupa
kinain na pala na sya ng lupa; napunta sya sa isang lugar na puro dilim
sa mga picture nila sa bahay nawala si junjun sa eksena;
ang mga records nya ay biglang naglaho...
birth certificate, baptismal certificate... wala na.
di na sya hinanap ng mga tao sa bahay nila...
nawala na si junjun sa memorya nila...
parang di na sya nabuhay sa mundong ito.

naisip ko lang yang istorya kanina habang pinapanood ang mga makukulit na bata sa sementeryo
=========================================

"paging matt... bumalik ka na sa puntod mo" hehe yan ang narinig ko sa sementeryo kanina...
bumalik ka na sa puntod mo natawa talaga ako

=========================================

yung pamangkin ko di pwedeng iwan sa strangers; sama ng sama sa kung sinu-sino. pwedeng-pwedeng ma-kidnap... wala pa naman kaming pantubos sa kanya.