my thoughts...

Saturday, October 30, 2004

queer eye for the straight girl

All things just keep getting better
You came into my life
and my world never looked so bright yeah
it's true, you bring out the best in me
and now I can clearly see


queer eye for the straight guy na!!!

actually kakatapos lang nya hehe. i really love them. ngayon ang episode nila about sa guy na magpropropose ng marriage sa girlfriend nya. cute yung guy; at naiyak sya sa tuwa dahil siguro perfect setting ang lahat sa pagpopropose nya. naiiyak na rin ako kanina pa hehe.

sabi sa site nila gagawa na rin sila ng "queer eye for the straight girl" sana meron din dito sa pinas ng ganon... para makasali ako hehehe

=========================

naalala ko noong minsan kasama kong nanonood ng "queer eye" yung mommy ko sabi ba naman: "BADING, BADING puro mga BADING"

at nung nagpreprepare na yung straight guy para sa event e di galing sa shower at naka-brief lang sabi naman nya: "ayan ang mga gusto ng mga bading na yan"

parang galit ata nanay ko sa mga bading...

at ito sabi nya; feeling nya bading itong dalawang ito:



mommy bakit nyo naman naisip yon???

Friday, October 29, 2004

with 12 minutes left e nandito ako sa compass internet sa SM cyberzone... kanina kasi ayaw maglog-in sa blogspot nitong computer na itech.

bakit ako sa SM nagnenet---> nagka-worm ang computer namin at malamang kasalanan ko yun; ako naman ang download ng download ng kung anu-ano sa computer namin.

pupunta raw si Charles sa bahay namin ngayon sabi ng kapatid ko para ayusin yung computer namin. sana pagdating ko sa bahay ay ayos na yun.

di na ako uuwi ng probinsya at pinabibili ako ng green tea ng nanay ko ngayon. at naghahanap na rin ako ng strawberry tea [kung meron man dito].

sana ayos na computer namin mamaya para mas makapag-update ako.

[irereformat daw ang computer--->patay mawawala lahat ng files ko huhuhuh]

Tuesday, October 26, 2004


what kind of blogger?





You Are a Snarky Blogger!



You've got a razor sharp wit that bloggers are secretly scared of.
And that's why they read your posts as often as they can!



paki-explain? hehe

9 years... 9 l(i/o)ves

kahapon habang nagtitingin ako ng hairbrush sa Watson's sa SM Annex narinig ko sa mga sales lady:

sl#1: ilang taon ka na ba?
sl#2: 29
sl#1: naku hindi ka na magkaka asawa; sabi nila pag 29 ka na raw at wala ka pang boyfriend di ka na makakapag-asawa

bigla akong napag-isip; ako ay bente na, never pang naligawan at matagal ng walang konkretong lovelife [never nga atang nagka-lovelife e]...

DAPAT IN 9 YEARS MAGKA-BF NA AKO!

yan ay kung paniniwalaan ko sila...

inihambing nga ako ni vani sa pusa (si vani po ay napaka-hilig sa pusa); may siyam na buhay pa raw ako

matagal pa naman ang 9 years di ba?

Monday, October 25, 2004

kelan kaya kami magkikita uli?
sa kalye ng UP kung san kami ay dating nagkita
sa ilalim ng araw na sumisikat sa bawat pagmulat ng mata
sa umagang lagi kong iniisip ay sya
kelan nga kaya?

Sunday, October 24, 2004

Microsoft Word Document
Font: Verdana
Font size: 8

Stardust - 68 pages
Neverwhere - 88 pages
American Gods -145 pages

all by Neil Gaiman

i want to read all of that plus the 20 pages i asked divino to print for me (but i still don't have those):

Radical Thought - Baudrillard
Snow, Glass, Apple - Neil Gaiman
Mirror- Haruki Murakami
The Necklace - Guy de Maupassant (i read this one back in HS but i want to re-read it)

is someone willing to print 301 pages for me? hehe.

-------------------------------

i want to write something about these things:

1. jeepney ride (an old project, originally for the zine but we changed our theme)
2. music (supposed to be for the zine again)
3. why do Filipinos love gossips?

Lord please give me the will to do these writings?

--------------------------------

Handyfemme suggested that i publish my essays/writings about social issues [more relevant writings than some cheesy love stories that i also do write sometimes] but maybe i'll do that later, when i'm more confident about my views, if ever that time would ever come.

Handyfemme Article's Link

Friday, October 22, 2004

8

paboritong kong numero ang 8. sa totoo lang mag gusto kong 08 ang pagkakasulat nito. pero ngayon parang di ko nagustuhan ang numerong ito.

limang piso, piso, piso, piso. pagsama-samahin mo at ang sumatotal 8 pesos...

naiinis ako. nawawala ang 70 pesos ko.

baka isipin nyo 70 pesos lang naman yon... pero hindi e. hindi ako naglunch kanina para lang ma-keep yung money na yun.

nung mamulat ang araw kasi na ito 4 pesos ang total ng pera ko 24 pa pero hiniram ko lang kagabi kay erik yung 20). pumunta kasi ako sa cainta ngayon kaya binigyan ako ng mommy ko ng pang bayad sa dentista at pang lunch.

naisip ko ng di na lang kumain ng lunch para ma-keep ang pera dahil apat na piso na lang ang pera ko kaya inaliw ko na lang ang sarili ko sa paglalakad sa SM north.

dapat nga bibili ako ng isang libro sa Book Sale pero kulang ng 4 pesos ang pera ko (para sa pamasahe) kaya di ko binili. umuwi na lang ako.

pag-uwi ko ng bahay ay 3 PM, tamang-tama at merienda. kaya nakakain na ako.

tapos nagcrave ako ng isaw kaya pinabili ko yung pinsan ko ng isaw at binigyan ko sya ng 20 pesos (kasi 90 pesos ang total na na-save ko). at nung matapos akong mag-internet ay naisip kong isilid sa cabinet ko yung 70 pesos pero wala na sya sa tabi ng mga libro ko. di ko alam kung saan ko ba nilagay yung pera ko pagtapos kong binigyan ng pang-isaw yung pinsan ko.

ngayon 8 pesos na lang ang total money ko. naiiyak ako dahil wala na naman akong pera.

naiisip ko bago matapos ang sem ay may 350 pesos pa ako; tapos biglang di ko alam ang nangyari at kahapon ay 4 pesos na lang sya. ngayon 8 pesos na lang.

magpopost ako sa friendster sa bulletin board tapos ang tumambad na message sa'kin ay :

ERROR: Your posting contains material not suitable for the Bulletin Board

what the heck... e wala naman akong nilagay na something offensive or whatever.

Thursday, October 21, 2004

pakisagot: magkano pamasahe (jeep) mula philcoa hanggang SM fairview? e ang hanggang fairview central mall hanggang delta?

------------------------

nakakatawa, akala namin lagpas SM fairview pa yung bahay ng kaibigan namin. yun pala bago pa magSM fairview pero kailangan rin namin talagang kumain sa SM fairview at bumili ng stuffs kaya keri lang.

------------------------

ansaya-saya. antagal na naming di nakikita si karen. ganon pa rin sya, ang maingay na si karen na kilala namin. nakakamiss ang pagiging taklesa nya. parang medyo nabawasan ang inggay sa tambayan ng mawala sya.

masaya nga sya ng makita kami. ayaw na nya kaming paalisin pero gabi na e. sa susunod na lang uli.

------------------------

i met an angel earlier today. hay sayang at d ko malagay picture nya dito. ang cute-cute nya lalo na nung natutulog sya sa arms ko *sigh*

-------------------------

gusto ko ng magka-digi cam. magtututor ako next sem tapos bibili ako ng digi cam. pero sana tanungin na lang ako ng tita ko kung ano ang gusto ko for Christmas Ü

-------------------------

naisip ko yung kakilala kong nabuntis na, nanganak na, nabinyagan na ay di ko pa alam ang nangyari sa kanya; lately ko lng nalaman yung nangyari pero nung december pa pala bininyagan yung anak nya. nadaan kasi kami sa may papunta sa kanila (ang alam ko dun yung papunta sa bahay nila). wala akong balitang naririnig na patungkol sa kanya. pag naka-YM ko yung resident taga-update ko ng mga bagay-bagay ay tatanong ko ang tungkol sa kaniya.

-------------------------

g*go
damn it...
naiinis na ako...

bakit nga ba? ---darn---

ang makukulit

enough with my photoshop ang fonts experiment; dumadami na ang ek-ek ko dito.

magbukas na lang kaya ako ng bagong blog... wag na nga lang.

---------------------------------------------------

nakakainis... ang makukulit na kapitbahay namin na ang magkapatid na kiray at coco ay nandito sa bahay at syempre pinakukulo na naman nila dugo ko.

itong si kiray, gusto lahat ng gusto nya ay masunod. paggusto ni chacha na magbike gusto nyang kunin yung bike ni chacha. pag may pagkain si chacha hindi pwedeng wala sya nun. sa kanya rin nakuha ni chacha ang pagtalon-talon sa sofa naminsang kina hulog ni chacha. ansakit sa ulo. intrimetidang bata...

ito namang si coco ganon din, kahit medyo mas ayos sya kesa kay kiray.

tapos gustong-gusto ni chacha na nandito sila kaya ito namang si kiray laging inaasar si chacha na aalis na sya sa loob ng bahay tapos iiyak naman si chacha tapos sa huli di naman talaga aalis si kiray. putakte parang gusto lang paiyakin si chacha.

ngayon pinagmamasdan ko sila; di ko alam kung anong gustong gawin sa dalawang ito.

-------------------------------------------------

pupuntahan namin si karen ngayon. akala ko makukumpleto kami but no hindi pa rin pala...

Wednesday, October 20, 2004

Tuesday, October 19, 2004



actually unti pa lang yan; sa sobrang daming font na nakuha ko an dami ko ng naiisip gawin hahaha!!!

fonts

Sunday, October 17, 2004

this is me


Image016
Originally uploaded by audric.
inaantok pa ako nyan. obvious ba?

by the pool


Image002
Originally uploaded by audric.
that night. 6/7 were there. i'm happy!

for more outing pics, check out audrics flickr acct.

the morning after...


Image017
Originally uploaded by audric.
the final rites. i'm with loie and maita... bangag pic hehe

masakit ang katawan ko ngayon. kala ko di sasakit ang katawan ko after the outing but no paggising ko kanina ay ayun na di na ako makatayo kaagad.

pero ang saya ng OUTING!

andun si iche, erma, pame, anne at maita. at ang iba pang nakakatuwang kasamang orgmates

at syempre ang bagong members ng KEM.

----------------------------------

san nga ba nag simula ang expression na "chos"

tinanong kasi ako ni anne at maita sa genmit namin kahapon kung san ko ba napulot yang expression na yan; di ko rin alam e.

at alam nyo bang may bagong meaning na ang chuvanes? hehe joke lang.

----------------------------------


gusto kong magsulat


ng bagay na may katuturan



gustong kong magsulat


ng bagay na bago ang porma at di palasak



gusto kong magsulat


ng bagay na eksperimental



gusto ko... pero


bigla kong napagtanto


na mas magaling ako sa mga numero


kesa sa mga salita



kaya nasabi ko sa aking sarili


"yang gusto mo...


hanggang dyan na lang yan,


baka di mo na maisakatuparan"


Saturday, October 16, 2004

once in a while i get depressed because of certain thought[s] but in totality i am happy.

the depression was caused by certain realizations that came up when i saw a paper i passed that came back again.

there is an explanation to why that paper turned out that way but that explanation is not important anymore.

and i realized somethings that made me more depressed *sigh*

i have a few days to get over it with... and take the possible consequences. *damn*

-----------------------------------

but i am happy; 6 out of 7 came!

audric, i'm waiting for the outing pics hehe.

Thursday, October 14, 2004

OUTING

mawawala ako bukas hanggang sa sabado ng hapom (siguro) kasi OUTING na namin. pupunta kami sa laguna. sinu-sino kaya ang sasama? sana 6 out of 7 dyosas ang pumunta.

maits, pinagdadasal kong payagan ka.

--------------------------------

natatawa ako. yung isa kong friend ang nakalagay na pangalan ko sa link nya ay master blogger, kasi pag may tanong sya sa pag-aayos ng blog e ako tinatanong nya kaya siguro tinawag nya akong master blogger.

yung isa naman ang tawag sa'kin my BLOG angel ako kasi nag-ayos ng blog template nya. touched naman ako.

VANINAY, it is your turn. leave me a message ok.

--------------------------------

yung pinsan kong nagtampo sa daddy nya (na tito ko) ay umuwi na sa kanila after 2 months nagpagsstay sa'min. buti naman pero hindi pa rin ata sila nagkakaayos.

naalala ko nung tinanong ko sya kung bakit ayaw nyang umuwi sa bahay nila, ang sagot nya sa'kin "andun kasi ang daddy kong magaling" may pagkasarcastic ang sagot nya sa'kin.

pagbabasa-basa

320/320 Vision: Usapang Lalaki Lang ayus na article ito basahin nyo [link yan click nyo na lang]

tungkol yan sa pagiging mas particular ng definition ng isang straight male sa ating society ngayon.

dahil dito ay binasa ko ulit ang "Geyluv" (na dapat ay nung weekend ko pa ginawa para matulungan si maits sa takehome exam nya sa hum1) at tinignan ang relationship ng isang gay at straight na male. sa society natin parang marami ang naniniwala na pag mag kaibigan na gay at straight (as in tight sila ha) e ay hindi maaaring friends lang sila, meron at merong may pagtingin ang isa sa isa at most of the time ay iisipin nilang yung gay ang may pagtingin sa straight male. wag i-generalize na lagi na lang may gusto ang mga gay sa straight males kaya sila nakikipagkaibigan dito; tignan na lang sa istorya ng Geyluv sa umpisa e hindi naman gusto ni Benjie si Mike, sa later part na lang nangyari yon.

o kaya naman laging bibigyang babala ang staight male na baka mahawa sa gay friend kaya layuan. para sa'kin it's a matter of confidence sa sexuality mo, hindi dapat genegeneralize ang mangyayari/nangyayari sa mga relatonships na ganito.

ika nga sa tanong ni cute_guy: "bakit kaya masyadong big deal ang pagiging out ng isang lalaki?"

sagot ni lagsh: "i think the media (at least in our country) has a lot to contribute in this. pero kasama rin siguro dun sa (eto na naman) patriarchal society na meron tayo. waaah magulo. any sociology majors here???"

sagot ko: ito lang naisip ko lang ha, siguro kasi dumadami na ang bading at sa napag-usapan namin ng friend ko ay parang nagkakaroon na nga ng gay culture kaya parang mas nagiging big deal ang pagiging out dahil parang "lumulutang na ang karamihan magtatago ka pa ba?" parang ganon... naisip ko lang. at saka sa media na nga rin. kaya abel mag-out ka na...joke Ü

BAKIT NGA BA?[PAKISAGOT NAMAN O]

----------------------------------

meron silang tinatawag na metrosexual. maraming definition akong nakuha.

tignan nyo na lang dito--->metrosexual

-----------------------------------

dahil sira ang TV sa kwarto [na nabsa nong malakas na umulan minsan] at laging dapat nasa Cartoon Network o kaya sa Nickelodeon o sa kahit anong cartoon ang TV namin sa bahay dahil sa bratinela kong pamangkin e mukhang di ko ata mapapanood ang mga gusto kong panoorin na movies sa VCD. kaya ito nagbabasa na lang ako ng kung anu-ano dito sa bahay.

sinimulan ko sa Linangan, na librong binabasa sa hum1 pero sa class namin ay di namin masyadong na gamit. ito ang mga nabasa ko kanina:

ROSA ni Maria Rosa Henson: tungkol sa babaeng naging "sex slave" ng mga sandalong Hapon sa panahon ng digmaan. karumaldumal ang kanyang sinapit; di sinabi kung paano sya nakalaya o kaya anong nangyari sa kanya[natapos ang istorya na alipin pa rin sya] parang hindi tapos ang istorya. kinalibutan talaga ako sa sinapit nya.

ANG MAGING BABAE ni Ruth E.S. Mabanglo: "Kasumpa-sumpa ang maging babae sa panahong ito" <---- ito ang panimula ng tulang ito; ipinapakita dito ang tingin ng society. ang pagkakahon sa mga babae; sa mga dapat nilang gawin at hindi dapat.

ISANG TUGON KAY ELYNIA: ANG PAGIGING BABAE ni Lilia Quindoza Santiago: sagot sa tula ni Ruth Mabanglo; sinasabing magiging kasumapa-sumpa nga ang maging babae sa panahong ito kung aakuin ang hinulmang pagkatao; pag hindi natin binigyang "pagtangi ang sarili" at hayaan nating ang tingin ng society sa babae na alipinin tayo.

ANG PAGIGING BABAE AY PAMUMUHAY SA PANAHON NG DIGMA ni Joi Barrios: ang pagiging babae ay puno ng pangamba at panganib. "Sa huli'y aking naunawaan, na ang pagiging babae ay walang katapusang pakikibaka para mabuhay at maging malaya"

mga iba't ibang babasahin tungkol sa mga BABAE.





Wednesday, October 13, 2004

TV guide

he is the reason i watch survivor:



i hope he'll stay for long.

Check out more about Survivor Vanuatu

----------------------------------



thanks to etc for this show. i really love it and finally i finished one episode yesterday.

our tv is usually tuned to channel 2's soap operas during monday nights and during tuesdays i'm in UP that is why i don't usually see a whole ep of this show. but because it's sembreak already i can watch it every tuesday afternoon. i just love them.

Check out more about ,Queer Eye for the Straight Guy

---------------------------------



they never fail to make me laugh; they've been on tv for some time already.

a girl and her gay bestfriend. isn't it nice?

Check out more about Will & Grace



Tuesday, October 12, 2004

4th year 1st sem... BOW!

balik tanaw lang sa kakatapos lang na sem umpisahan natin sa pagbibigay mensahe sa mga ilang tao:

para kay sir nato dela cruz:

sir,

salamat po sa lahat. tatlong sem rin pong naging professor ko kayo sa majors. marami po akong natutunan sa inyo, hindi lang tungkol sa mass balances at energy balances kung di tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay. salamat rin po sa concern sa aming lahat. nalulungkot ako na hindi nyo na po itutuloy ang plano ninyong pagtuturo ng higher ChE subjects pero kung yun po ang gusto nyo ay wala po kaming magagawa. maraming salamat po uli at magkikita pa rin naman po tayo sa dept. at sana makuha nyo yung leave nyo para next sem.

shally

para kay sir mykel andrada:

sir,

salamat po uli. the best talaga ang class; never atang natatapos ang class na hindi ako tumatawa (except lang kung may quiz hehe). at marami akong natutunan. maraming salamat po uli.

shally

para kay sir augie ressurecion:(sana tama ang spelling)

sir,

pumasa na ako. parang naglilinis ng estudyante sa es12 ngayong sem ha, andaming pumasa. salamat din po.

shally

para kay sir terence tumolva:

sir,

salamat po sa pagpasa sa'kin sa dalawang majors. for that di ako madedelay.

shally

para kay pame at polo:

guys,

salamat at saka sorry demanding akong groupmate. haha natawa talaga ako sa 80 na nakuha natin sa oral presentation.

shally

sa mga dyosa:

guys,

salamat ng marami uli; isang sem na naman ang nilampasan natin. sana lahat present sa outing sa friday! sa mga nagCE22 amin na lang project nyo hehe.

shally

at sa mga iba pang tao (erik, pH, etc.): SALAMAT!

------------------

naalala ko nung june umiiyak ako sa tambayan. pagka-tapos yun ng ChE 134 class ko. after kasing sabihin lahat ng requirements sa 134 e feeling ko hindi ko makakayanan. sa 133 may design project at reporting, sa hum1 maraming readings, sa 122 thermodynamics yun at may program project, sa 134 may equipment design at process design, sa dose, well ES12 yun e (tinatanong pa ba kung bakit?). sa PI 100 lang ata ako masyadong gagawin, maliban lang sa report tungkol sa ateneo days ni rizal at isang exam. pero ngayong tapos na sya, makakahinga na ako ng maluwag (di ko pa pala alam kung anong grade ko sa PI at hum1 pero feeling ko naman pasado naman ako).

Monday, October 11, 2004

random thoughts

i like to change my blog skin. i know it's just last month that i used this skin but i don't know i just want to change it. i saw a new blog skin and its not black rather it is very purple (one of my favorite colors) . i'll fix yacel's blog skin first then i'll work on my new one.

-------------------------------------

i can't get enough of "everybody let's kung fu fighting" i want to learn penelope's dance step in the movie.

saturday, what happened last saturday?

friday night, when i'm supposed to be up and studying for my dreaded es12 final exam, i slept. so saturday morning i went early to school to study, but no, my big mouth got the best of me again and i just chatted with my orgmates.

i think i will pass es12 this sem. i hope *crossing my fingers*
the results would be out this afternoon that's why i'm going to UP today(probably after lunch).
i'll also chcek out if i already have grades for hum1, pi100 and majors.

ok back to the saturday story, as i mentioned we went to the isawan, watched a movie, then went to mc do katipunan. chinito has a gig in antipolo that night. he invited us even before we went to the movie (through vani) but unfortunately everybody has to go somewhere else after the movie and my mom said i have to go home that night (according to zoan the last time they went to antipolo they went home 2am). abel and zoan can go but after a toss-coin at the mcdo parking lot they decided not to go also. i really want to watch chinito sing but well, i think there would be some other time for that.

there is a part of the saturday story that i don't want to write here. hehe. abel , i know you're itching to comment about it but as i have said "no comments about it please"

--------------------------------------

why i can't come to chinito's gig last saturday?
my mom wants me to be home that night
why does my mom want me to be home that night?
because come sunday we are going to the mall's mass and we are going to buy a new phone (for me)

at long last, i have a new phone after my 3210 (this is my HS phone that i used again because my 5510 was with the holdupers already) broke down when we watched Insiang last august (maits, august ba yun?). i got a siemens C62, this is the first time i'm using a "not-nokia-phone" but i think i'll survive.

-------------------------------------

OUTING NA!

can't wait till friday. we're going to laguna and they promise that this place is better that the place where our FR was held. there's a videoke machine at that place(according to the outingcomers)! yipee, na ito!

i hope waquer can come. kung di

-------------------------------------

Sembreak's to-do list! (ginanahan akong gumawa ng makita ko yung kay -name-)

1. i'll watch fly me to polaris, so close (that is, if the missing vcds of these 2 movies would come up), malena, imelda, legally blond 2 and if i can find a vcd of happy together (according to vani this is a good watch).

2. read and finish the book p_s lent me and read the unread parts of Heights. and read some more...

3. burn audio cds (dashboard confessional, alicia keys and many more)

4. fix my things. i can't sleep in my bed because it is covered with many papers and school stuffs.

5. dance once in a while (even if it's just in front of my cabinet mirror and not in front of some audience). i have to get back my groove, i didn't dance for the whole sem.

6. go to the province. yah i think i'm going to nueva ecija with my mom this sem break.

7. work on my blog skin and help yacel with her's

8. don't miss any episodes of survivor, will and grace (etc and ch23), queer eye for the straight guy, knock first, scq reload (jologs ) and endless love 2.

9. explore more: adobe pagemaker and adobe photoshop

10. learn how to make a program with Microsoft Visual Basic 6.0

11. relax and enjoy the sembreak haha

12. magpakabait rin hehe.

Sunday, October 10, 2004

date written: jan 2004

ako (sa pagiging single), at sya (kung sino man sya)*

never pa akong nagka-boyfriend. para sa iba ang tawag sa'kin ay NBSB (no bf since birth) o kaya SSB (single since birth). i had my fair share of crushes and heartaches but never a serious relationship. wala pa akong nakantahan ng "grow old with you" at "because of you" na yun rin yung kanta nya para sa'kin. lagi naman akong nakakarelate sa "maybe", "jealous" at "to be near you"

dumadami na rin ang mga friends ko na nagiging "attached" kaya naman ang ipokrita ko kung sasabihin kong never kong winish na sana magka-bf na ako. dumating na rin ako sa puntong naisip ko kung pangit ba ako o lame lang ba talaga ang personality ko. di naman ako katulad ni josie grossy pero mailap lang talaga sa'kin ang tinatawag nilang love.

pero believe it or not, right now, as in this very moment na sinusulat ko ito, ay ayos lang sa'kin na unattached ako. naku, nakakarinig na ako ng "boo" dyan at yung iba gusto na akong batuhin ng kamatis dahil iniisip nila na i'm out of my mind, pero totoong masaya ako sa pagiging unattached.

nag-eenjoy ako sa company ng friends ko, lagi silang nandyan para sa'kin, lagi silang handang tumulong pag may problema ako. mahal nila ako. nakakalabas din ako with my guy friends na hindi na iisipan ng masama kasi wala naman akong attachment sa iisang tao lang. wala rin akong kakaawayin pag ayaw niya ang mga gusto kong gawin (kasi may pagka-stubborn ako) at wala ring aaway sa'kin pag di ko pinagpaalam sa kanya ang gagawin ko.

makakarinig naman siguro ako ngayon ng "objection your honor, di niya alam ang kanyang sinasabi." OO, aminado naman akong di lang yan ang mga bagay na meron sa isang relationship pero ito yung mga hindi ko pa kayang i-give up sa ngayon. hindi pa ako handa. in the first place, wala naman akong choice kung di ang maging unattached.

pero i'm looking forward to meeting my mr.right, the one... etc. someday. at meron rin akong gustong iparating sa kanya na isinulat ko na lang. ito iyon...

YOU,

di ko alam kung kilala na kita o darating ka palang. pwedeng ikaw yung lalaking sinuntok ko nung kindegarten o kaya naman yung crush ko nung grade 3. pwede rin namang ikaw yung upperclassman nung HS o yung ka-batch ko nung elem. pwede ring magiging katrabaho kita o makikilala kita sa ibang lugar. sa totoo lang wala akong idea kung sino ka at wala ring paraan para malaman.

pagdumating ka sa buhay ko at minahal kita, pagpasensyahan mo ang pagiging mataray ko kasi ganon lang talaga ako. tandaan mo na mas gusto ko ang dark chocolate at mas prineprefer ko ang white roses kesa sa red.

wag kang mahihiyang ipakita o iparamdam na ganun ka na lang magcare para sa'kin kasi mas gusto ko yung ganun. sana lagi kang nandyan para sa'kin kasi sasandalan kita pag ako ay nanghihina at lagi rin naman kasi akong magiging andyan para sa'yo. at pag may nakita kang mali ay sabihin mo kaagad para maayos din natin kaagad. wag kang mahihiyang umiyak sa harap ko kasi maiintindihan naman kita.

ha, mukhang andami ko ng dinedemand sato e di pa nga kita kilala. sorry ha, takot lang siguro akong tumahak ng landas na hindi ko pa nadaanan before. pagpasensyahan mo na'ko ha pero ito last na talaga. sana dumating ka sa tamang panahon. pag handa na ako.

ME

yun nga angpanalangin ko, ang dumating ka sa tamang panahon. pero kung dadating ka man anytime now, itatry ko sigurong maging handa. kung ikaw nga yun, kung sino ka man


*ito yung sinulat ko na nilagay sa KEM folio. wala lang pinost ko lang dito. tagal ko na pala syang sinulat e

Saturday, October 09, 2004

i'm back

actually i never left, it is just that i just lurk i never posted hehe.

the sem is officially over! just had my last exam earlier. *sigh* i think i'm going to pass es12 this time.

after my exam we ate isaw (i'm with zoan, vani, abel, q_a and gmajor7) at ilang then watched "don't tempt me" starring penelope cruz(for "manure" viewing -- hey that was written in front of film institute haha). it's not really for MATURE VIEWING (alam ko vani medyo na disappoint ka hehe), pangPG lang but i liked it especially the funny parts. then we went to mcdo katipunan for dinner; we planned to stay at starbucks but we need real food (had my lunch at 10:30 am).

many things happened but i'm too tired to post them here maybe some other time.

-----------------------------

yacel, send me your html code ok! so i can work on it already ; )

-----------------------------

maits is asking help for her takehome exam. it's about "panitikang bakla" in the Philippines. i'll try (just try) to answer that tomorrow but for now i'm going to sleeeepppppppppppp ZZZZZZzzzzzzzzzz.......

Tuesday, October 05, 2004

last post ko na ito...

BAGO MAGHIBERNATE PARA SA PAG-AARAL SA DOSE FINALS. be right back sa saturday siguro, kung makayanan kong hindi magblog hehe.

---------------------------------



dahil sabi ni nini magpost pa raw ako ng pic. ito grad pic ko nung HS syempre mukha na lang ang kita dyan hehehe.

--------------------------------

nangyari na ang kinatatakutan ko, i saw it coming but my groupmate told me it is ok. for him its ok, antaas naman ng exams nya sa major na yun e. ayoko ng mag compre exam, di ko na kaya.

--------------------------------

kung may ikalulungkot na pangyayari, may ikatutuwa rin naman. wala na kaming reporting sa 133 at may grade na kami. ok lang yung grade ko, higher than what i expected. whew, dose na lang ang poproblemahin ko kung nagkataon.

grabe ramdam ko na ang sembreak.

--------------------------------

meron mga bagay na hindi ko maisulat dito. bilanggo ako, bilanggo ng mga matang nakakabasa ng blog ko. mali... bilanggo ako ng sarili ko.

may mga bagay kasi na ayoko ng maging dahilan ng pagtatanong sa'kin ng kung anong nararamdaman ko, na sa totoo lang ayokong pagdebatihan kung may point ba ang nararamdaman ko.

baka rin may biglang madaan dito na ayokong makabasa ng mga nararamdaman ko.

takot akong bigla syang madaan dito at malaman nya. kaya nga hindi ko masulat pangalan nya dito.

parang may pakialam sya sa'kin, ha. para namang may epekto sa kanya kung malaman nya kung anong nararamdaman ko. damn.

sa susunod, kakayanin kong hindi maging bilanggo...

--------------------------------

'Di malaman kung ano ang gagawin
sa damdamin
Na 'di ko maamin...
...sa sarili
Kung bakit ka pa ba nandiyan

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
H'wag mong pilitin ang hindi para sa 'yo
Ngunit bakit hindi kita makalimutan
Sa 'yo ba'y okey lang ?


---------------------------------

last night i was with the wushu clan minus pH. grabe ke gugulo ng mga ito pero masaya pero si lou ang tahimik lang, parang hindi sya.

--------------------------------

kagabi asa mcdo ako. umorder ng hot and cold combo at hamburger. pagdating ng french fries ay naalala kita. kahit naman ata wala ang french fries ay maaalala pa rin kita.

kaninang umaaga habang nakatunganga ako at nakatingin sa kawalan ay iniisip kita, pinipilit kong isipin kung ano ang iyong itsura pero ang labo, parang bigla kong nakalimutan kung anong itsura mo.

--------------------------------

YACEL welcome to the blogging world : )

Friday, October 01, 2004

this is me

hahaha

i need to laugh.

all of a sudden i wanted to put my picture here.

narcissism, nah... let's just say suddenly i wanted the whole world to know who i am.

------------------------

i'm all bottled up. i can't express my feelings.

i'm afraid to be judged.

i'm afraid to be rejected.

-------------------------

how can i thank thee?