my thoughts...

Monday, August 30, 2004

1. got some materials for my story revision
2. have to study for 133 exam
3. have to at least try to read about imbibition for 134
4. don't forget the topics for 133
5. got my exam in hum 1, not bad at all (considering that it's me who took the exam)
6. isaw in front of ilang dorm with anne, angge, louie, rox and brando.
7. i'm going to see the result of es12 exam tomorrow
8. grrrr.... that 122 exam
9. grrrr....
10. gotta get out of here!

Sunday, August 29, 2004

takot ako

sumasakit na naman ang ulo ko... what' new? sabi ko nga sa nanay ko. hindi na po ako iinom ng advil. promise ko. first time kong sasabihin dito ang nararamdaman ko tungkol sa pabalik-balik na sakit ng ulo ko. feeling ko may sakit ako. kung kelan nag-umpisa di ko alam. kung bakit, di ko alam. kung ano, mas lalong hindi ko alam.

sabi ko sa kaibigan ko nagbabalak akong magpatingin sa sem break. as in full body inspection. pero syempre nahihiya naman ako sa mommy ko kasi ibig sabihin nito kailangan ko ng medyo may kalakihang pera e ang parents ko maraming iniinom na gamot araw-araw kaya medyo nahihirapan akong manghingi ng pera sa kanila.

at saka takot ako. takot sa magiging resulta ng mga bagay-bagay. takot sa maaring pagbabagong idulot ng aking malalaman. takot ako sa sakit na hindi ko alam kung ano.

basta takot ako.

Saturday, August 28, 2004

catharsis

CATHARSIS
def'n: 1.A purifying or figurative cleansing of the emotions 2. a night of soulful poetry and music

kagabi naganap ang UP KEM's Catharsis. ang nangyari a night of music hehe nawala ang poetry (isa lang kasi yung poem sana pinagrecite nila ako ng isa pa hahaha) at di naman ganon ka-soulful yung songs pero ang gagaling nila.

ayan musika na naman, hay ewan ko ba kung ang musika nga ba o ang mga nagaganap sa paligid-ligid o ang mga bagay-bagay sa aking utak ang dapat sisihin sa nararamdaman ko. what i felt was a mixture of feelings. masaya, malungkot, contemplative... basta halu-halo.

tapos naisip ko nagkakaroon na naman ako ng reassesment of feelings. pero ganon pa rin ang nararamdaman ko sa mga bagay-bagay, walang nagbago. am i expecting something to change? hindi naman pero ewan ko, naiinis na rin ata ako sa monotony ng aking buhay. i need something new to break the monotony. *sigh*

----------------------------------

tumulong ako sa paglagay ng stars sa backdrop ng stage para sa Catharsis. stars... hay namimiss ko ng tumingin sa ulap at hanapin ang my stars (nag-uuulan na naman kasi). meron kasi akong stars na inaangking akin. tatlo silang magkakatabi, di ko alam kung constellation sila o bahagi ng constellation (wala kasi akong alam sa mga ganon e) basta para sa'kin sila ang mga tala ko. habang naglalakad ako kagabi mula west ave. papuntang bahay namin ng mga bandang mag-aalas dose na ng gabi e nakita ko ang buwan at ilang mga tala. hinanap ko ang my stars pero wala sila medyo kasi maulap ang kalangitan.

----------------------------------

C, wahhhh nakita kita kagabi! at may nasagap pa akong bagong info sa'yo. kung sana lang lagi kitang nakikita di ba, sana ikaw na lang ang laging laman ng kwento ko. para sa'kin cute ka kahit sabi ng kaibigan ko mukha ka raw lolo hahaha... dahil kaya yun sa glasses mo. batsa, cute ang smile mo *blush*

----------------------------------

for you, sa tingin ko tama nga yung isa kong friend. di kita crush, natutuwa lang ako sa'yo [period] oo nga pala napanaginipan kita kanina nagkita raw tayo sa isang conference (talk ata or something basta parang ganon) tapos sinama mo ako sa pag-attend mo sa isang class mo after nung conference o sinama kita sa class ko (hindi ko rin alam kung ano ba talagang nangyayari dun sa panaginip ko e). ewan ko ba sa panaginip na yan ha... hehe.

----------------------------------

naalala ko kami nga pala nila chinitz, superproxy20, at basurero ang mga batang KULANG SA VITAMINS. "not enough vitamins, kulang sa buhay" kulang sa lovelife hahaha.

mga realizations at magkakahalong damdamin....*sigh*

Thursday, August 26, 2004

08.26.2004

8:41 am - just in time for my 8:30 class for my cellphone clock is 15 minutes advance. 2 missed calls - both from a single unknown number. 2 messages - one from an unknown number and one from my sister. the unknown number is from my friend using someone else's cellphone. wrong send. the other one: ate rea - "sinuspende na raw ng ched ang klase sa metro manila. sinuspend na ba class nyo dyan sa UP?". great, just great. i'm already in UP walking between FC and eng'g building.

i just went to our tambayan and finished my take home exam for a major subject.

12:40 pm - we went to the FC waiting shed and went home.

-------------------------

TRIVIA:
on this day, 50 years ago, 14 chem eng'g students founded the UP Chemical Engineering Society.

--------------------------

yung nickname ng isang aplikante namin e malapit sa nickname nung ip ko dati nung first year kami. e yung isa kong orgmate e classmate ko dun sa class na yun di tinanong ko sya

ako: "uy naaalala ko yung ip ko nung first year tayo? si ----?"
friend 1: "oo naaalala ko, lahat ng ip mo kilala ko. naaalala ko silang lahat! pati si sir ----- (prof namin sa class na yon)"
ako at friend 1: "bading daw yun"
ako: "sabi ni lou"
friend 1: "sabi ni maits"
ako: "maits?"
friend 1: "villena"
ako: "totoo ba?"
friend 1: "ewan ko din e"
friend 2 (bagong karakter): "naalala mo yung ginawa natin dati? tinext natin sya kunwari wrong send tapos sinabi natin lalaki yung nagtetext tapos super pangungulit pa nya at tawag ng tawag at kina-cancel na lang natin yung tawag nya"
ako: "oo nga naaalala ko yan"
friend 2: "di ba kung lalaki naman yun (at di bakla) di naman ganon mangungulit yun at tatawag pa talaga dun sa cellphone"

kung magtatanong kayo kung sino yan e hindi ko sasabihin dito. baka makasuhan pa ako ng libel hehe.

-------------------------
ansaya-saya Ü

Wednesday, August 25, 2004

happiness and fears

i'm talking to -name- right now (YM). we're talking about my crush, my new IP, and indakan.

i'm happy. i'm telling stories about my crush, and everytime i'm telling a story about him it ends with :)) or =)). i don't know, i'm really happy telling stories about him. you'll always see me smile if i'm talking about him.

the new IP. haha, i just found out last week that i also find him cute. his "maangas" look, that's the reason.

indakan, here comes my fears. what if the new comers are better than me? will they still get me to dance? *sigh* lately i'm not into dancing, i can't find time to practice with the troupers... i'm planning to start jogging to get me into shape, but the weather won't permit me to do that.

dancing is my passion, though i'm not that good but i can say that i can dance. it would be a big failure for me if i will not dance for indakan. NO.

wearing sunglasses despite the gloomy weather

i never planned to be absent yesterday but after finding myself dizzy inside the bathroom just before taking a bath, i decided not to go to school.

fearing that my time to study for my exam today won't be enough if i don't medicate my headache impromptu, i decided to take advil (because of its advertisement) even though i know that i'm sensitive to medicines. and because of that i look like a cat today. "kamukha mo si garfield" my orgmate commented. i have swollen eyes.

at first "maraming butlig" forms around my eyes then they even out forming extra layer of skin. swollen eyes plus tears plus runny nose plus rashes in the arms... hmmm my condition worsen than it got better.

luckily before the night ends the tears and the mucus stops flowing. my eyes starts to open. i thought that by morning before i go to school my eyes would be fine.

but no, when i woke up it is as if it didn't improve. my mom suggested that i wear eyeglasses to divert the attention but when i arrived at UP i wore sunglasses because i can't take the attention i'm getting.

but of course the sunglasses caught glimpses. for it is so gloomy outside and it is dark inside the eng'g building. but i don't care. i want to hide my eyes. until i arrived home again i'm still wearing the sunglasses.

i hope tomorrow my eyes would be fine.

------------------------------------

yuck, i look like Mahal after her Botox. unpleasant sight.

Tuesday, August 24, 2004

headache

vision spinning
cold sweat
i want to vomit
there are thoughts flowing on my mind
i can't decipher them one by one

pain

Pain

PAIN

Pain

pain

[blank]

Monday, August 23, 2004

kwento

nag-iisip ako ng ikukwento dito, a alam ko na. yung sinabing kwento ng teacher ko kanina sa hum1.

may tissue ako sa noo, kasi nagpapawis ako kanina sa classroom dahil nagmadali akong pumunta ng CNB galing ng eng'g. at sinabi nya yon sa harap ng buong klase. sabi nya ikukwento ko raw na napahiya ako sa harap ng klase dahil sinabi ng prof ko sa harap ng buong klase ang pagkakaroon ko ng tissue sa noo. hindi ako nahiya, rather thankful pa nga ako. i don't know anyone sa class (hindi pala meron pala yung classmate ko na dapat ay groupmate ko pero nalipat sya ng group) and i don't expect anyone to tell me that there is a piece of that damn tissue sa noo ko. well, enough with that tissue story. lesson learned: wag ka na kasing maging kuripot at gumamit ng kleenex haha.

------------------------------------

gamit ang yahoo search, hinanap ko ang name ko. never akong nakakita ng mag kakabit na entry ng full name ko. sabagay nung naghanap ako sa friendster ako lang ang may pangalan na ganito at pag first name ko lang ang hinanap ko e sampu lang kami. well, i find my name na different... well.

------------------------------------

may kamukha raw akong badminton player ng netherlands sa olympics. saw her pic sa internet.

------------------------------------

e di tama nga ako... mahina ka talaga e. at saka duh... duh ka talaga. para sa magtatanong sa'kin sa sarili ko po ito sinasabi at kung bakit, ewan ko rin ba...

Saturday, August 21, 2004

a letter for my sister

ate,

alam ko kung bakit kumakalampog na naman ang mga hugasin sa kusina. naiinis ka na naman sa'kin. kanina pa kasi ako nasa harap ng computer, siguro iniisip mo na naman na wala na naman akong ginawa kung di magfriendster, magblog, at magpeyups. oo tama ka, pero hindi lang yun ang ginagawa ko, nagreresearch din ako. hindi na ako magkagahol sa paghahanap ng special project ko sa 133 at hindi ko alam kung paano uumpisahan ang process design namin sa 134.

alam ko nagagalit ka at hindi ko man lang naisipang hugasan ang mga plato. alam mo naman ako, may sariling mundo. kung gusto mo akong maghugas nung mga yon sana sinabi mo. gagawin ko naman. pero ang masama dinadabugan mo lang ako, ayaw mong magsalita. lagi naman tayong ganito e. hindi ka nagsasalita at ganon rin ako.

may gusto pa pala akong sabihin sayo: minsan magpaka-gentle ka naman.

ako

---------------------------------

hindi kami close ng ate ko, buti nga di na kami masyadong nag-aaway, kasi nung mga bata kami lagi kaming nag-aaway. another letter left unsent.

title(less)

ang araw ko kahapon ay nagstart na ng mga 11:30. wala akong pasok sa first class ko at sa last class kaya yung kaisa-isahang class ko e pinasukan ko na. para naman di ako ma-guilty sa pagbibigay ng baon ng nanay ko sa'kin.

wala ang usual lunch naming magbabarkada, kasi naisipan naming mag-eat-all-you-can ng dimsum sa Super Bowl of China after ng mga 2:30 pm class namin. grabe andali palang maka-suya ng dimsum. isang plato lang at bumigay na ako. meron kasing dimsum don na may mushroom at wag ka, nung kinakain ko sya feeling ko contestant ako ng Fear Factor. gusto ko syang isuka, ayaw ko nung lasa e.

after namin magSM e dapat babalik kami ng UP pero ako dumaan muna ako sa bahay dahil i'm not feeling well. pero unting inom lang ng sprite para magburp at unti pagsuka, ayus na ako. at bumalik ako ng UP kahit gabi na. promise ko kasi manonood ako ng talent show ng mga aplikante.

kakaiba pala ang pakiramdam ng papunta ka ng UP at gabi na. usually kasi paalis ako ng UP gabi na pero ngayon pabalik palang ako. at habang ako ay nasa jeep naisip ko ito:

kakaiba ang mukha ng syudad pag gabi
ang liwanag ng poste ang nagsisilbing gabay
sa bawat mamang drayber na pumapasada
at taong naglalakad sa tabi ng kalsada

mas malamig ang hangin sa byahe pag gabi,
maraming ilaw,
mula sa mga jeep at kotse na bumabaybay

sa jeep ang mukha ng mga tao ay kakaiba
naaaninagan mo dahil sa dilaw na ilaw
ng jeep ni manong drayber na kanina pa nakasalang sa syudad
maihatid ka lamang sa iyong paroroonan

ang mga tao ay nagsisiuwian na sa kani-kanilang tahanan
gabi na kasi sa syudad na iba ang itsura
pero ako paalis pa lamang

haha ewan ko ba kung may sense.

tapos 9:30 nangungulit na yung kaibigan ko naumuwi na kami pero kahit ayaw ko e wala akong choice, kaya umuwi na rin ako.

at nalaman ko may common IP kami ng friend ko hahaha.

-----------------------------------------

naisip ko, may mga bagay na sa tingin mo ay ganito sila pero sa realidad at para sa ibang tao ay hindi pala sila ganon. nalulungkot na naman ako.

-----------------------------------------

wala akong maisip na title sa entry na 'to kaya napaka-perfect nyang title na yan.

Friday, August 20, 2004

frustration

your 20+ years of existence gave you numerous friends, acquaintances, experiences...

i don't know how to be part of your life. i want to be your friend. but i know it is impossible for some reasons...

looking at your pictures, i saw that you are happy with them. i don't know if i'll ever be there at that picture, the picture of your life that is.

*sigh*

Thursday, August 19, 2004

ramdoms thoughts of a twisted-mind

naisip ko ito habang naglalakad kami ng kaibigan ko sa acad oval nung tuesday night.

ang mga puno ng acacia ang nakakarinig
sa mga kwento kong patungkol sa iyo
nilililiman ako para hindi mo malaman
ang itinatagong paghanga sa iyo


hehe

-------------------------------------------

galing sa nicksplat.com

<--- kahawig ni spongebob si great teacher onizuka

ang cute ng mga pusa --->

--------------------------------------------

gustong hiramin ng tita ko yung jansport kong bag na binigay sa'kin ng barkada ko dadalhin daw nya sa Hong Kong. hindi ako pumayag, aba yun ang ginagamit ko ngayon sa school ha.

--------------------------------------------

ni rereminisce ng nanay ko ang pagkaka-hold up ko ng dalawang beses. naiinis ako.

gusto ko ng cellphone na may camera. gusto ko kasing nagtetake ng pictures ng mga tao at ng mga lugar pero ayaw nya... naiinis na talaga ako.

--------------------------------------------

magtututor ako next sem para may pera ako. sana matuloy. ayoko na ring humingi sa nanay ko. nasusumbat pa minsan sa'kin e.

--------------------------------------------

gustong-gusto kong nagbabasa ng blogs ng mga iba't ibang tao. marami akong natututunan sa mga experiences nila sa buhay. kakatapos ko lang basahin ang blog ni -name-.

--------------------------------------------

nanood kami ni zoan at vani kagabi sa film center ng "the five senses" (a Canadian film)

at ang characters (from reel.com ) :

1. Richard, a Belgian eye doctor still mourning his estrangement from his wife and young child, is slowly going deaf. He determines to "build a library of sounds" in his head before it's too late, finding an unlikely ally in a prostitute.

2. Rona, a cakemaker who creates gorgeous yet tasteless confections, is unnerved when an Italian lover she met on holiday suddenly shows up, threatening the controlled blandness of her life.

3. Robert, who possesses a remarkable olfactory sense, tracks down past flames, convinced he can smell whether or not they still love him.

4. Ruth is a masseuse who, despite her mastery of touch, is unable to reach out to her troubled teenage daughter Rachel.

5. Rachel, meanwhile, is something of a voyeur. Her illicit peek at two lovers in a park causes her to lose sight of a young girl in her care, a plot development that is forefront in one of the stories and which hovers in the background of all the others.

nakakatuwa, nakaka-touch, at ayus yung film. i'm not a film critic kaya can't say much about its cinematography(tama ba yun) and everything. pero I liked it. sana lang lahat nung sinasabi nung italian lover ni rona e may subtitle. nung later part na lang kasi nagkaroon.

dito, may na laman ako tungkol sa mga gay. hehe

--------------------------------------------

grabe ang sakit ng ilong ko... ang lala ng sipon ko huhuhu.

Tuesday, August 17, 2004

feelings

nagtitingin ako ng friends ko sa friendsters ko kanina at nakita ko ikaw, dati kasi kitang crush (ewan ko ngayon...)

sa testimonial sa'yo nilagay nung isa mong kaibigan na tinetext nila yung crush mo para sa iyo. torpe ka raw kasi. nung nabasa ko ito nakaramdam ako ng something sa puso ko. hehe nagselos kaya ako? we never became close, paano ba naman kung may babaeng torpe ako yun. at saka sandali lang tayo nagkasama, not enough time for me kasi nga slow ako. tapos ngayon pag nagkakasalubong tayo di man lang kita binabati. suplada ko no, to think na ako ang nag-add sa'yo sa friendster. hindi nahihiya lang ako sa'yo. sana lagi kitang makita sa tapat ng department nyo, natutuwa kasi ako pag nakikita kita e.

-----------------------------------------------

for another person:

may namention ang isang tao tungkol sa'yo. di ko kinaya at kailangan kong magreact. bakit nga ba ganon ang reaction ko? a ewan.

-----------------------------------------------

and another one:

may something sa'yo. naninibago ako.

-----------------------------------------------

at ito pa:

na aamaze pa rin ako sa'yo pero meron pala akong ayaw sa ginawa mo. hurt na naman ako.

-----------------------------------------------

daming lalaki sa buhay ko no, pero wala namang naging akin. (corny haha)

Monday, August 16, 2004

a little bit of something(s)

mommy,

pag may gusto kayong ipagawa sa'kin sabihin nyo. alam nyo namang tamad ako. meron nga pala akong proposal: bili nyo akong cellphone at ako ang magbabayad for 6 months ng pangdentista ko. sana tanggapin nyo offer ko. kailangan ko talaga ng cellphone.

-----------------------------------------

you,

oo, ikaw nga. nakakainis ka, na aamaze pa rin ako sa'yo. pwedeng sa iba na lang. haha.

------------------------------------------

pati ba naman alumni ng org namin itatanong sa'kin kung ano raw ba ang meron sa'tin. yung isa kong kaibigan tinanong sa'kin "mahal mo na ba si --------?". ha, headscratch talaga. chinito ka raw kasi, at knowing na mahilig ako sa chinito e ayun nagconclude sya na gusto kita. e hindi naman e.

bakit nga ba hindi kita magustuhan? chinito ka naman. masayang kausap kahit minsan di mo ako maintindihan... pero di ko makita ang sarili kong may gusto sa'yo, di ko makitang may tayo. kasi nakikita kita para sa ibang tao at hindi para sa'kin. at saka alam mo naman kung sinong gusto ko di ba hehe.

-------------------------------------------

may sinulat kaming poem as bonus kanina sa exam namin. sulat ko pag nakuha ko na yung bluebook ko. romanticized poem hehe

tapos bigla kong naisip may kulang na salita, kaya pagbinasa mali ang diwa. sigh, sana maisip ng prof ko kung ano yung gusto kong ipahiwatig ng tula ko.

-------------------------------------------

makakanood ako ng Talent Show ng apps sa friday! buti naman. natatawa ako sa mga descriptions ng apps na nagpa-sign sa'kin ng sigsheet:

1. bagay ang pagkakatali ng buhok nya sa kanya. super young ang dating. cool. <---por dat lagi na akong magpipigtails hehe

2. minsang namula ang mata sa tambayan at nagsuot ng pink na shades <--- wah pati ba naman yon naalala nya

3. unang member na nagpakilala sa'kin with surname kaya di ko yun malilimutan. mukhang masungit pero approachable naman <---akala nya lang hehe, pasalamat sya at di ako memcom.

-------------------------------------------

nakakatuwa nung Saturday sa KEM dinner. nakita namin ang mga dating miyembro ng org namin. ang saya ng feeling lalo na nung nakita kong natutuwa sila na magkita-kita muli ang mga magkakaibigan. siguro in 5 or 10 years, magiging ganyan rin kami. sigh

-------------------------------------------

na sunog yung popcorn na niluto sa microwave. lahat sunog wahehehe.

-------------------------------------------
a little bit of something(s), a little bit of everything.

Sunday, August 15, 2004

ulan

ang mga sasakyan ay rumaragasa sa ating harapan
ang tubig mula sa ulan ay binabasa ang ating mga paa
tahimik ka kaya ako'y nanahimik na lang
may ispasyong namamagitan sa'ting maliit
pero pakiramdam ko ang layo mo ay higit-higit pa
mga ilang byaheng Quiapong jeep ang sa'ting harapan ay dumaan
pero tila ayaw mong gumalaw sa iyong kinatatayuan
maghahating gabi na pero parang hindi mo ito alintana
dahil di ka umiimik o gumagalaw man lamang
at ng dumating ang jeep na ating sasakyan
unting salita lamang ang lumabas mula sa iyo
hanggang sa jeep ay ramdam ko ang tensyon
tensyong namamagitan sa'tin sa gabing malakas ang ulan
ayokong ikaw ay tanungin dahil ayaw mo naman iyon ay aking gawin
hanggang sa dumating ang jeep sa aking bababaan
at wala na tayong ibang nasabi sa isa't isa kung di "ingat ka"

at nagtext ang kaibigan ko. nagsosorry at bad trip lang daw sya at nadamay pa ako. ok lang, apology accepted.

Saturday, August 14, 2004

letter name(sake)

nakita ko sa friendster ang isang bulletin board post na may title na: "what's in your name?". simple lang sya. may mga letra tapos may mga kaakibat na description ang bawat letra. at pag meron kang ganong letra sa pangalan mo e nagfifit sa'yo yung description na yon.

sa pangalan mo may letter i at ito ang sabi sa letter i

I - You are always smiling & making others smile.

nagfifit nga sa'yo at isa na ako sa lagi mong napapangiti.

the morning after

1 am na akong dumating sa bahay dahil kahit may dilemma ako e nanood pa rin ako ng acoustic jameng'g para suportahan ang aking kaibigan. at eto nga 6:20 gising na ako nasa tapat ng computer nagsusulat ng blog habang nagbabasa ng tungkol sa cane knives. multi-tasking na ito!

in fairness, nag-enjoy ako kagabi. ang tema ng jameng'g this year ay tunog kalye 80's. kumanta ng isang song from the 80's at isang free song ang bawat banda. may nag tito, vic, and joey songs, may nag regine velasquez, george michael, etc. may kumanta ng pakwela, may kumanta na pa serious, may kumanta na pangrockstar, may pa-cute, kanya-kanya istilo, kanya-kanya genre pero iisa ang pinagmulan ng kanta, dekada otsenta (mali ata spelling ko haha)

trip down memory lane ulit, nostalgic ang mood. ganon ata ako pag nakakarinig ng old songs, gusto kong balikan ang panahong sila pa ang tinutugtog sa radyo, sila pa ang himig ng bawat tao. noong panahong sila pa ang humahapo sa damdamin ko.

-------------------------------------------

nakikita-kita lang sya before paminsan sa eng'g at minsan rin sa acad oval. nasa malayong lupalop kasi sya ng mundo kaya minsan ko lang talaga sya makita. finally kagabi na laman ko kahit man lang ang pangalan nya. hindi na sya iiintroduce ng mahabang description para lang malaman kung sino sya. may pangalan na sya, sa wakas!

saka na ulit yung recap. hehe

Friday, August 13, 2004

red

12:07 asa bahay pa ako, walang balak umalis. 1 pm ang next class ko, kung tutuusin pwede pa akong humabol if ever malelate ako e ilang minuto lang dahil malapit lang sa UP ang bahay ko. pero ayoko tinatamad ako, mamaya na lang sa 2:30 class ko ako papasok.

ang malas ng araw na ito. asa school na ako kanina at bumalik lang sa bahay, paano ba naman nakakita ako ng pula sa likod ng pantalon ko. nakakainis...

--------------------------------------

gusto kong manood mamaya ng acoustic jameng'g kasi tutugtog yung kaibigan ko at nakapagpromise na ako sa isa naming kaibigan na sasabayan ko syang umuwi ng alas-dose ng umaga. pero dahil sa nangyayari sa'kin mukhang ayokong magtagal ng matagal sa labas ng bahay. baka maulit muli, nakakahiya. bahala na nga mamaya

--------------------------------------

hindi na bumubukas ang cellphone ko. sira na sya... kailangan ko na ng bago pero wala talaga akong pera : (

Wednesday, August 11, 2004

site meter

nakapaglagay na rin ako ng site meter dahil nakita ko ito kay -name-. sayang at ngayon lang ako nakapaglagay, di ko nalaman kung ilan na ang dumaan dito sa blog kong ito mula nung ito'y aking sinumulan.

sana mapadaan uli yung mga dating nadaan dito. para mapasama sila sa bilang ng napadaan sa aking tambayan.

Monday, August 09, 2004

realizations

sabi ng prof ko sa hum 1 kanina lahat daw ng attraction o pagkakagusto sa ibang tao ay nagsisimula sa physical attraction. oo sumasang-ayon naman ako dun pero para sa'kin not all the time e ito ang nangyayari. ewan ko pero kasi yung crush ko ngayon hindi ko sya nagustuhan dahil sa physical na anyo nya. nagustuhan ko sya kasi nakakatuwa sya, matalino at walang dull moment pag-andyan sya. kakaiba rin sya kaya ko sya nagustuhan at talentado pa. i agree with my prof pero may rare cases na hindi sa physical attraction nag-uumpisa ang lahat, good example ang nangyayari sa'kin ngayon.

pero syempre nangyari na rin sa'kin yung sinabi ng prof ko. katulad na lang kanina dalawang crush at isang "interesting person" ang nakita ko. yung isa kong crush e nakita ko at inasar pa ako ng friend ko kasi di ba raw ako nagseselos at kasama nya yung gf nya. sa totoo lang di ako nagseselos, masaya ako sa buhay ko at mukha naman masaya sya sa buhay nya. bakit ko nga ba sya nagustuhan almost 7 years ago? kasi maliit ang mata nya. mahilig ako sa chinito, specifically chinitong maputi pero itong dati kong crush e maitim na chinito pero natuwa pa rin ako sa kanya. yung isa ko pang crush na kita kong umaaligid-aligid sa harap ng dept. nila. itong lalaking ito naman e kinatuwaan ko kasi matangkad sya at cute. isa pa palang gusto ko sa lalaki e matangkad. yung isa namang "interesting person" ay mukhang maangas. mahilig rin ako sa maangas tignan pero sana mabait sila hehe.

so ito ang list ng gusto ko sa lalaki (physically): chinito na maputi, matangkad, mukhang maangas.

yung crush ko ngayon hindi ata nagfafall sa kahit anong description dyan.

---------------------------------------------

1. ano ang tawag sa taong di viscous, taong parang jelly di maka-flow - flawless (flowless)
2. kung gusto nyo ng paa, pumunta kayo sa CR (di ba decaf hehe)

---------------------------------------------

ngayon ko lang nalaman na ang ulupong pala ay cobra. akala ko description lang sya sa taong ulupong Ü

---------------------------------------------

i think i need a new cellphone. nakakatakot na kasi yung 3210 na ginagamit ko. paano ba naman 4th year HS pa ako nung binili itong cellphone na'to, e 4th year college na ako. nagbiblink kasi yung backlights nya pagchinacharge, scarrryyyy. tapos minsan nilalagay pa nya pag binuksan mo "Insert SIM card" tapos kailangan mong patay-patayin bago gagana uli at hindi na nya sasabihin yung insert SIM card. pero may problema...san kaya ako kukuha ng pambili?

Friday, August 06, 2004

happy day?

di ako nakapag-aral kagabi para sa exam ko ngayon pero after sa pakikipag-usap sa prof ko e naging take-home ang exam namin, yipee at bigla kong naisip mukhang masayang araw ito!

kahit di naging half-day lang ang classes e masaya pa rin ako. walang computer na gagamitin yung reporters sa PI 100 namin kaya yun wala ring PI. yipee, 2 pts to a happy day na! (don't get me wrong na kesyo ayaw ko ng PI 100, nasa mood na kasi ako na half-day lang ang classes today kaya nung malaman kong hindi pala half-day e medyo na sad ako).

pag dating sa tambayan, kahit masikip dahil sa dami ng apps, e masaya. yung isa kong friend na memcom e nag-uusyoso sa sigsheet ng mga apps kaya join na rin ako. nakakatuwa yung mga nakasulat sa mga descriptions nila sa mga sarili nila. dito ko napatunayan na naman na may pagkaka-iba-iba ang mga tao. natutuwa pa ako dun sa isang app, kahit babae sya ang mga favorite songs nya ay hindi kina Christina Aguilera at Britney Spears at alam nya ang Dashboard Confessional! hehe marunong din syang mag-Nihongo nagpatulong pa nga ako sa kanya. sayang lang at wala pa silang desciption sa'kin at sana nakapagsign na ako kahit single sig palang. pero in fairness pag tinatanong ko sila, kilala naman nila kung sino ako, dapat lang kung di lagot sila sa'kin hahaha.

at dahil wala na kaming exam ngayong gabi e nakatambay kami sa tapat ng eng'g, sarap tumambay! pero may biglang sinabi yung isang ulupong kong friend: "wala namang balita dyan" referring to my lovelife, tama ba namang ipamukha sa'king na-zero ang lovelife ko. yung ulupong na yon wala na kasi yung chicklet nya e, pati ba naman ako dinadamay.

nakahanap na rin pala ako ng kasamang manonood ng Insiang sa wednesday. yipee, ayoko kasi ng nanonood ng sine mag-isa. kahit hapon na ako manonood, ok lang basta may kasama.

at buti na lang at nagka-code name na rin ako sa crush ko. haha kanina after sa pagtatanong ng magandang two-syllable name ng lalaki sa mga orgmates e bumagsak ako sa pagbibigay ng code sa kanya na blues clues. yah you heard it right, blues clues. hehe.

pahabol: for a big chunk of points, umuwi na galing probinsya sila chacha, ate at mommy. tapos na ang mga araw ng century tuna (puro kasi ito ulam ko sa umaga ng wala si mommy) wahahaha.

------------------------------------------------

blues clues ga suki desu.

------------------------------------------------

friend sorry. yesterday i broke my promise.


------------------------------------------------

natakot ako kanina (as in kanina pa nung nasa UP pa ako), thinking about my weird level of happiness, kakaiba kasi e sobrang saya ko. naisip ko baka mamaya prelude to sadness yun. but as the day comes to an end i conclude that this is a happy day. zero casualties. no one is hurt, especially me Ü

Thursday, August 05, 2004

muntik na

nahulog ang kutsilyo sa aking tabi
nakailag ang aking katawang nanghihina sa lamig
muntik ng dumampi sa aking balat
ang matulis na tusok na nakakapanakit
muntik ng dumaloy ang dugo sa aking binti
muntik na akong masugatan
muntik na akong masaktan
muntik na

Tuesday, August 03, 2004

2:31 am

i woke up thinking of you
you're not in my dream
but you're in my mind instead

i woke up not feeling well
my head still aches for it is only 2:31 am

liking you was supposed to be fun
no emotional baggage for 5 months
i promised my heart that

but here they are again
at 2:31 am

-------------------------------------------------

ok, i'm not a good writer this is just an attempt to describe my current state right now (while listening to allure's "last chance"). i promised myself i would only write one entry at the end of the week but as i said in one of my previous entries "if i will write it some other time the effect would be different, my emotions would be different".

------------------------------------------------

napaka-lonely dito sa bahay namin ngayon. wala ang 'bundle of joy' namin na si chacha, ang pamangkin kong magtatatlong taon na, umuwi kasi sila ng probinsya. wala ang usual na "ate shady" na pagbati sa'kin tuwing pagdating ko galing school at wala rin ang pangungulit ng 'tion' (playstation) pag asa kwarto ako at nag-aaral. wala rin ang good night kiss at good bye kiss (pagpapasok na ako sa school) ko mula sa kanya. hay parang almost 3 years ago lang ayoko sya dito sa mundo, aaminin ko hindi naging madali ang pagtanggap para sa'kin ng pagdating nya dahil sa hindi iyon inaasahan. pero sabi nga ng daddy ko bumalik ang sigla ng bahay na ito nung dumating sya. lalagay ko sana picture nya dito pero naalala ko nawala yung pics nya kasama ng iba pang files namin noong minsan akong magdownload ako ng napaka-lumang kanta sa Kazaa. a may nakita ako sa friendster ng ate ko...



cute nya no, nagmana sa'kin hehe. miss ko na sya e halos dalawang araw palang sya wala dito hanggang friday pa!

-----------------------------------------------

record: i finished the whole ten stages of Tekken 3 kahapon in 5 mins. and 50 sec. record para sa'kin ito kasi usually 8-9 mins. ko yun tinatapos hehe.



Monday, August 02, 2004

trip down memory lane

i saw these pictures in my PC so i just want to share them here. it brings back so many memories *sigh*

final rites pic (april 2003) ----->

<----- bday ko dito sa bahay namin (june 2002)

first official barkada pic (june 2002) ----->


<----- one lazy day sa eng'g (feb 2004)

sa bahay ng friend ko (may 2002) ----->


<----- bakasyon namin sa subic noong summer (april 2004)

peyups pic (UP fair 2004) ----->

dami pa pero ito muna... note: thumbnail images lang kasi masyadong malalaki yung pics at saka without consent from the persons in the pics hehe Ü

Sunday, August 01, 2004

i have to write this down for if i will write it some other time the effect would be different, my emotions would be different. i think i should have been saddened of what i saw but it had the reverse effect, it made me laugh, it made me happy. weird... but nonetheless it was fine Ü

--------------------------------------------



I'm terza rima, and I talk and smile.
Where others lock their rhymes and thoughts away
I let mine out, and chatter all the while.

I'm rarely on my own - a wasted day
Is any day that's spent without a friend,
With nothing much to do or hear or say.

I like to be with people, and depend
On company for being entertained;
Which seems a good solution, in the end.
What Poetry Form Are You?

falling

after 2 days ng pangungulit sa Kazaa para macomplete ang download ko ng kantang ito e natapos na rin sya!

Falling by keahiwai

I wanna tell you baby
That you're the one that Im thinking of
But your heart is still with her
And I think she's the one that you love
I only want you happy
Even if it's not with me
Maybe one day
You'll open up your eyes and you'll see


[Chorus]
That I think I'm falling
Maybe I'm falling for you
Yeah I think I'm falling
Baby I'm falling for you


[Verse 2]
From the first time
You laid your lips on mine
It feels like the smile on my face
Will last till the end of time
But Im not so sure
You're the one that I should pursue
My mind tells me no
But my heart only says that it's you


[Chorus]
Bridge:
Only time will tell
The mystery has yet to unfold
Who's gonna feel love's warmth
And the other left in the cold


[Chorus]
Yet still I'm falling
Maybe I'm falling for you
Yeah I think I'm falling
Baby I'm falling for you
That I think I'm falling
Maybe I'm falling for you
Yeah I think Im falling
Baby I'm falling for you


9:20 am

masakit ang aking ulo. natulog ako ng 1 am, pagkatapos kong makipag-usap sa telepono (para matanggal ang lungkot na nararamdaman ko, di man nawala nabawasan naman ito) tapos ginising ako ng kapatid kong lalaki ng bandang 5 am kasi natutulog ako sa kama nya dahil punung-puno ng gamit ang kama ko. di ako pwedeng matulog sa kama ko kasi tinatamad akong ayusin ang mga gamit na nakapatong kaya bumaba ako at nag-internet na lang.

7am inaantok na ulit ako at saktong pababa na ang ate ko at pamangkin ko kaya sa higaan nila ako natulog. nakalimutan kong gumising para sa 8 am na misa kaya di ko nasamahan ang mommy ko sa simbahan. pagdating nya (saktong pagkagising ko) e nalaman kong nahilo pala sya sa simbahan. buti na lang may kakilala kaming nandun din sa simbahan at syang tumulong sa mommy ko. i view it partly as my fault, mommy sorry po.

kaya ito magkasamang sakit ng ulo sa kakulangan sa tulog at sa pag-aalala sa mommy ko ang nararamdaman ko.
---------------------------------------------------

i have to laugh, despite my aching head. i heard my dad singing "bulaklak" haha.

---------------------------------------------------

i should have satisfied my cravings for starbucks (paano ba naman andami kong nabasa sa Heights na may starbucks sa title). still craving pa rin ako ngayon.

---------------------------------------------------

my mom is fine now, saw her go down from her bedroom and she is currently doing something in our kitchen while playing with my nephew. thank God.