my thoughts...

Thursday, September 30, 2004

student's angst

noong tuesday last day namin sa PI100, mula 7 am hanggang 12 noon e ginagawa ko yung take-home exam para sa PI tapos nagmamadali akong pumasok sa school kasi may class ako ng 1. buti umabot ako.

tapos noong hapon nag-ayos kami ng pang process design ng 134 at syempre may itatype na naman ako.

natulog ako ng mga bandang 9pm noong gabing yon ng wala pang nagagawa kasi meron akong bisita kaya medyo haggard talaga ang feeling ko.

1am na ako nagising at ginawa ko ang para sa report ko sa 122 at tinaype ang para sa 134 kasama ang pakikipagYM kay allan, lou, eduard, zoan, vani at rhyza (sa magkakaibang oras, hindi naman sila sabay-sabay). at 7:30 am na ako nakatulog.

11am pa lang asa UP na uli ako at wala ang groupmate namin sa 134 sa CHE lib at hindi ko alam ang nangyari sa kanya kasi wala syang cellphone kaya mahirap syang hagilapin.

tapos syempre aayusin ko pa yung pictures para sa 134 uli kaya pag-uwi ko imbes matulog kaagad e ginawa ko na sya para ma-print ng bf ng groupmate ko. at ayun natapos ako 7 pm.

at ito ako ngayon, mag-aaral para sa exam ko mamayang gabi. at magdadasal na wag akong matanong tungkol sa part ko sa project presentation sa 122 dahil hindi ako handa sa totoo lang.

bukas presentation naman ng 134 at kailangang paghandaan, mahirap ng magisa ng todo at saka kailangan kong pumasa.

mamaya sa hum1 may something kami, naisip dapat natutuwa ako pero hindi na kasi sana mag-aaral na lang ako sa oras na yon pero well attend pa rin naman ako ng last day ng class namin e. naisip ko dapat nag-aalala ako sa requirements na hindi pa na-aacomplish na dapat ay na accomplish na (nature ko kasi ang mag-alala) pero masyado na akong pagod kaya manhid na ako at hindi na ako nakakaramdam.

may exam pa pala ako sa dose sa saturday, 3D. wala pa akong naiintindihan.

Tuesday, September 28, 2004

question of the day

pinaka-magandang tanong na tinanong sa'kin at sinagot ko para sa araw na ito: "tanong lang, bading, bi, o silahis ba sya?"

ang answer ko ay hindi "no comment" pero di rin oo o hindi. basta sa'min na lang nung kausap ko kung anong sagot ko.

-----------------------------

minsan talaga ang hirap magsabi o mag-express ng nararamdaman mo. minsan lalabas kang OA, minsan lalabas kang selfish, minsan lalabas kang laging maiinitin ang ulo. basta...

basta sana isipin na lang nila na hindi lang sila ang may ginagawa [period]

-----------------------------

may nakasabay kaming baliw sa jeep kinina.

sa delta sumakay ako ng SM west na jeep tapos nung malapit na sa footbridge e biglang may pumara na babae tapos sumakay rin yung marungis na lalaki. yung babae sinisik yung sarili nya sa pagitan ko at nung babaeng medyo malapit lang sa'kin. yung lalaking marungis sa tabi ng driver sumakay

tapos yung isa pang babae e bumaba at medyo tumigil yung jeep. bumaba rin yung marungis na lalaki tapos nagtangkang pumasok sa loob ng jeep at nagsalita yung babae ng "mama paandarin nyo na po yung jeep, bilis" pero di ata narinig nung mamang driver kaya inulit ko ng mas malakas. at buti na lang e pinaandar na ni mamang driver yung jeep.

yun pala kanina pa sinusundan nung mamang marungis yung babae at kung anu-ano ang sinasabi. di nga raw dapat yun yung jeep na sasakyan nya kaya sa bandang tapat ng cahoots e bumaba na sya

------------------------------

may nakakainis na bagay na nangyari kahapon, basta parang unlucky day ko ata kahapon.

may paulit-uit na linya sa utak ko "astro, astro cigarette..." galing dun sa mga pinanood namin sa hum1.

------------------------------

i got my ES12 exam result today, pasado yipee!

akala ko ba last na yung dati? *twak*

kahapon tinanong ako ng VP for PRC namin kung pwedend i-publish sa KEM Folio yung essay/artic na ginawa ko. sabi ko anong artic? yun pala, yun yung artic na binigay/binalak ibigay for last sem's Folio pero nahuli na. tapos hindi ko na sya natatandaan kasi nabura yung files sa computer nung nagcrash ito nung summer pero natandaan ko na sya nung nabasa ko.

haha sinulat ko pala yon. ilalagay ko dito kung ano yun pagnakakuha ako ng soft copy nung artic. tungkol sya sa pagiging single. chos!

------------------------------

bakit nga ba nagkakagusto tayo sa isang tao? yung gusto ko kasing tao ngayon di sya nagfofall sa usual type ng guy na nagugustuhan ko. tapos napa-isip na rin ako: "BAKIT KO NGA BA SYA GUSTO?" syempre marami akong masasabing rason pero ano ba talaga dun ang tunay na rason?

sabi ko di ko na sya susulatan dito sa blog, pero some promises are meant to be broken di ba? kaya ito may sulat na naman ako para sa kanya at sana huli na ito.

ewan ko nga ba, bakit ba kita nagustuhan in the first place. hanggang sa di ko na hinahanap kung bakit kita gusto, basta ang alam ko at ang nararamdaman ko e gusto kita. maybe because you are witty, siguro dahil sa andami kong nalaman from you. pero di pa rin naman ako sure kung yan nga no?

basta alam ko masaya ako pagnakikita kita. kahit minsan naasar ako e most of the time e natutuwa ako. minsan may mga umagang magigising na lang ako at nasaisip kita, iniisip ko kasi na i'm never good enough for you. medyo totoo, kasi magkaibang tao tayo at feeling ko magkaiba rin tayo minsan ng paniniwala pero nananahimik na lang ako kasi ayokong pakialaman ang pagkatao mo dahil ganyan ka talaga at ganito ako. kahit paano minsan nagkakasundo tayo at happy ako pag ganon.

sooner or later e mawawala ka na rin sa buhay ko, parang ang maraming taong nagdaan na sa buhay ko. silang mga dumaan at nagleave ng kanilang marka sa akin. isa ka don, at mag-iiwan ka ng malaking marka sa'kin.

sana pagnangyaring lumipas ang panahon at di na tayo bahagi ng buhay ng bawat isa ay maalala mo pa rin ako. pagnagkita tayo ay batiin mo ako. dahil matutuwa ako kung mangyayari yon.

napaka-fastforward ng pag-iisip ko pero ganon talaga, kasi feeling ko palalampasin ko lang ang isa sa pinaka-ayos na tao na nakilala ko ng ganon-ganon na lamang.

------------------------------------

wag hanapin ang hindi nararamdaman, minsan dyan nag-uumpisa na maramdaman ang isang bagay na hindi mo naman talaga dapat naramdaman nung umpisa pa lamang.

Sunday, September 26, 2004

iba't ibang eksena

friday night, sa living room ng bahay
CELLPHONE

habang ginagamit ko yung cellphone ng pinsan ko na 3650 ay bigla kong nasabing "buti pa sya may cellphone na ganito ako kahit yung simple lang wala". ang drama noh.

pero ang drama ay gumana, sabi ng nanay ko sabihin ko daw sa daddy ko pero sya na rin ang nagsabi kay daddy at sabi ni daddy ok daw at gusto ko raw ba ng 3650 rin. basta sa'kin ok na kahit simple lang basta magka-cellphone.

pagtapos na ng sem ako maghahanap kung anong cellphone ang bibilhin ko.

-----------------------------
saturday morning, isang room sa eng'g
CHISMIS

nagtanong kami sa aplikante ng mga chismis tungkol sa'min at ako being a low-profile person that i am e walang maisip na masasabing chismis tungkol sa'kin.

may mga naisip ako pero hindi rin talaga e.

nung dumating na sa'kin ang sagot ng aplikante: "indaker po sya" hindi naman chismis yun e.

e di nagbigay sya ng iba kasi sabi namin kahit mag-imbento sya: "boyish po sya, kaya may HD po sya sa isa nilang kaibigan" hahaha tawanan naman kami.

at naisip ko hindi bagay maging kikay kaya siguro medyo boyish ako pero then again babae po ako. hehe.

-----------------------------
saturday afternoon, isang room sa eng'g ulit
NAUGHTY TALK

MB tinitignan ang maliit na sugat sa malaking binti
ako: "anong nangyari dyan?"
MB: "tignan mo 'tong si [ako] na-aarouse sa binti ko"
ako: [headscratch] *baka pata hindi binti* "ha?"
G: [tumingin sa binti ni MB tapos nagtanong] "lahat ba sa katawan ng lalaki proportional?"
=tawanan=
R: "yung iba directly proportional, yung iba inversely"
=mas malakas na tawanan=
G: "hoy ang iniisip ko, utak ha"
R: "ako rin naman ha"
=malakas na tawanan uli=

syempre taga-tawa lang ako.
-------------------------------
sunday mrning, sa living room sa bahay
STRESSFUL MORNING

umiiyak si chacha, bigla akong sinabihan ng ate ko : "wag mong papansinin yan" at syempre lumapit sa'kin si chacha : "ate, ate" at syempre naiiyak na ako dahil di ko mapansin si chacha. hinagod ko na lang sa likod si chacha at sya ay tumahimik na.

ang nanay ko ako ang inaasahan na sumama sa simbahan sa kanya. actually kaming dalawa na lang pala dito sa bahay namin ang nagsisimba. naiinis ako kanina kasi gusto kong magsimba ng hapon dahil may ginagawa ako kanina pero wala akong nagawa at tumigil sa ginagawa ko. magiging against na naman sa'kin kung di ko sya sasamahan.

mag aalas-otso na e hindi pa ako handa, kaya nagmamadali na ako at pagdating namin sa simbahan e nag-uumpisa na ang misa.

Thursday, September 23, 2004

bakasyon raw si sir nato next sem at babalik sa pagtuturo ng 132 at 133. kala namin magtuturo sya ng 140 next sem pero hindi na pala at sabi nya babalik na daw sya sa pagtuturo ng 132 at 133 para dalawang beses nya lang daw magiging istudyante ang mga tao. pangatlong sem na namin na ito.

masasabi ko ng hiyang na ako sa pagtuturo ni sir nato, nagkaroon na rin naman ako ng ibang prof sa majors pero may adjustment pa, kailangan ko pang mahiyang sa kanila. katulad na lang ngayong sem may prof ako sa majors na baguhang prof, di ko naman sinasabing di sya magaling pero alam mong baguhan talaga kaya nahihirapan akong mag-adjust sa pagtuturo nya. kung totoo ang sinasabi ni sir nato last sem ko na syang prof ngayon

-------------------------------------

CALVIN AND HOBBES

natutuwa talaga ako sa kanila. humahanap ako ng comic strip sa internet dahil gusto kong gumawa ng comic strip para sa zine (pero di ko nagawa) at natutuwa talaga ako


-------------------------------------

POEM

in less than two hours ay nakagawa ako ng dalawang poem para sa zine. yan ang nagagawa pag kulang ka sa oras. tungkol sa krisis (napalitan na e) yung zine namin. para ngang walang kwenta na naman yung nagawa ko. pathetic attempt na naman. kaya baka di nyo mabasa yong akda ko dito.

-------------------------------------

HEDWIG AND THE ANGRY INCH

nanood kami sa hum1 ng Hedwig and the Angry Inch. pag nalaman ng nanay ko na ito ang pinapanood namin at pagnabasa nya yung pinapabasa e baka pagalitan ako nun, medyo conservative yun e na kahit makakita lang ako ng kissing scene sa TV e ayaw na nya. o well bumalik tayo sa Hedwig and the Angry Inch. sayang at di pa sya natapos kanina gusto ko ng malaman kung ano ang nangyari kay Hedwig. something about the movie



SYNOPSIS from rottentomatoes.com

John Cameron Mitchell is the creator of the off-Broadway hit HEDWIG AND THE ANGRY INCH, which he and composer-lyricist Stephen Trask have transformed into a funny, dramatic, and curiously poignant self-described "post-punk neo-glam musical" film, with extra songs and a new instrumental score. Hedwig (played by Mitchell) was born as Hansel in East Berlin. In his twenties, Hansel agrees to undergo a sex change in order to marry a U.S. soldier (Maurice Dean Wint) and escape to America. Unfortunately, the procedure fails, and Hedwig is left with nothing but a sexless "angry inch" between her legs. After being abandoned in a Kansas trailer park by her husband, Hedwig decides to make the most of her situation: She develops a taste for outrageous wigs and costumes, forms a band, and becomes a singer. Hedwig soon meets and falls in love with 17-year-old Tommy (Michael Pitt), who also harbors rock star aspirations, and makes him her musical protégé. But Tommy is the one who ends up stealing the superstardom that Hedwig worked for, after stealing Hedwig's songs and claiming them as his own. In order to expose him as a fraud, she embarks on a tour of strip mall restaurants, telling her story to the audience while trailing Tommy on his own tour across America.

Ano kaya ang mangyayari...

pero naisip ko mas maganda kung napanood ko ito hindi sa hum1 (sa class na wala akong kilala) at siguro magugustuhan ni vani at zoan ito.

Wednesday, September 22, 2004

kwentong CRS at academic units

di ko na matandaan ang password ko sa webmail, at di ko sya ma-retrieve sa internet, mali raw yung mga sagot ko sa tanong nila... KAKAINIS TALAGA.

pupunta pa pala ako sa Computer Center bukas.

----------------------------

dahil sa bumagsak ako sa isang subject nung summer 14 units pa ako sa 1st sem next year (dapat 11 na lang) at 10 units sa second sem. yun ay kung wala na akong ibabagsak na subject. sana...

Saturday, September 18, 2004

pagod ako. kakagaling ko lang sa school (actually mga isang oras na nung dumating ako). nag-exam kasi ng ES12 kanina. gusto ko ng makuha yung result.

pagtapos nung exam kumain kami sa Papercup tapos nagfrenchfries sa dagohoy. tapos naglakad hanggang sunken tapos ako at yung friend kong taga-Yakal e bumalik sa Yakal (allan, may utang kang brownies sa'kin!).

naisip ko pag may nakakita sa'min na kakilala ko na di ko orgmate baka isipin boyps ko yung kasama ko. bakit ba ganon sila mag-isip? kasi ba dapat ito na yung panahon na naiisip na naming magka-boyps at ang mga lalaki naman ay magka-girlps? hmmm...

naitanong ko na naman sa friend ko kanina, wala kaya talagang nagkakagusto sa'kin? PATHETIC.

----------------------------

nacucurious ako sa sinulat na comment sa last na post ko ni vani about sa "phallic woman" & "feminized men".

naalala ko tuloy yung about sa "phallic trajectory" ng story na sinabi ni sir mykel na para bang nagdidikta na para lang sa lalaki ang paggawa ng istorya na katulad noon (kasi nga inihahalintulad sa flow ng orgasm ng lalaki ang flow ng story).


gender issues... basta babae pa rin ako hehe at pantay-pantay tayo

---------------------------

miss ko na sya

Thursday, September 16, 2004

haggard

nung minsang may nag-ham1 e may aplikanteng nagdescribe sa'kin as malaki ang eyebags. malaki nga ba? MALAKI NGA! dati ko ng alam na malaki ang eyebags ko pero ngayon feeling ko sobra na.

tapos kahapon e naka-upo ako sa harap ng jeep(sa may tabi ng driver) tapos kitang-kita ko ang noo ko sa salamin. puro pimples. e di naman ako mapimples na tao. grabe, lumalabas na ang mga signs na HAGGARD nga ako.

di bale 1 exam at project sa 133, 1 exam at process design sa 134, project presentation at 1 take-home exam sa 122, 2 LE at 1 finals sa ES12, zine at report sa hum1, at 1 exam sa PI100 na lang. SINO NILOKO MO? malayo-layo ka pa sa kailangan mong tapusin :sigh:

in less than a month mangyayari yan... sana mukha pa akong bente pagtapos ng sem na ito.

-------------------------------------

sabi ni decaf kaka-iba raw akong humirit. bakit kaya? hehe joke.

-------------------------------------

USAPANG TAMPON at pag-OUT

at alam nyo kung sino ang kausap ko tungkol sa tampon? ang mga lalaki kong orgmate. tinatanong ba naman ako kung nakapagtry na raw ba ako, e hindi pa. tapos may tagnong di raw ba nadedevirginize ang babae pag gumagamit ng ganon. sabi nung isa hindi raw hindi naman dw ganon kahaba yun e. ha?

napag-usapan rin namin yung show na OUT ng channel 7. sino kaya ang susunod na mag-a-OUT? sabi ko "AKO" (na pa-joke)! tapos sabi nung isa kong orgmate "sabi ko na nga ba lesbyana ka talaga" sabay tawanan. pagtita ko ang nagsasabi sa'kin na baka naman lesbyana ako e naiirita ako pero pagganito ok lang. alam ko naman kasing joke lang yung sinabi ng orgmate ko pero yung sa tita ko gusto talaga nyang malaman kong lesbyana ako.baka gusto nya akong itulad sa kanya pero sorry, babae po ako.

sabi ng kaibigan ko lahat ng babae ay may lesbian tendencies, talaga?

Wednesday, September 15, 2004

istorya ng nawalang pangarap

actually hindi naman talaga "pangarap" ang nawala sabihin na nating di na maisasakatuparan ang ideya ko.

kasi nag-iisip ako ng cover para sa zine na proyekto namin sa Hum1. tungkol sa araw-araw na buhay (namin) kasi ang isusulat namin dahil wala kaming maisip na theme ng mga groupmates ko. kaya naisip ko hahanap ako ng painting tapos yun na lang ang icocover namin tapos lalagay yan ko ng captions pero nung pina-xerox ko yung napili kong painting ni Van Gough e hindi maganda ang kinalabasan. e xerox ang way of production ng zine namin kaya scrap na yung idea na yun.

at bigla kong naisip na kung collage na lang ng pictures ng mga tao-tao at lugar sa UP! pwede may digi cam si gaery na diskette ang ginagamit na pangstore ng pics, madaling ilipat sa hard disk! yipee!

at na-excite ako at tinext ko si gaery para hiramin ang mahal kong digi cam nya. naiisip ko na nga kung anong magiging itsura ng cover at ang mga sceneries at mga bagay na pipicturan ko. na-eexcite talaga ako, mahilig kasi akong magtake ng pictures.

pagdating ng monday sa tambayan e nakita ko si gaery

ako: gaery nareceive mo ba text ko?
gaery: baka mali na naman yung number na nasa iyo.
ako: ay oo nga no, well, pahiram ng digi cam mo.
gaery: di ba nga sira kaya di nagamit nung KEM month.

grr... naguho ang mga pangarap ko at kailangan mag-isip ng bagong cover para sa zine.

------------------------------------

frustration ko ang maging manunulat. dati pa nung bata ako e naaamaze ako sa mga nababasa ko at sinabi ko sa sarili ko e magsusulat rin ako pagdating ng panahon.

noong High School naisip kong sumulat ng nobela pero dahil sa dami ng activities sa eskwelahan e hindi ko yun nagawa.

lalo naman ngayong College, wala talagang panahon.

pero ngayon kahit paano matutupad yun dahil sa ginagawa naming zine para sa Hum1. binabalak kong magsulat ng 2 poems at isang essay. gusto ko sanang gumawa ng istorya pero nahihirapan akong mag-isip kung anong flow ng story ang swak sa tema namin. sana na nga ang tema na lang namin e buhay ng iba't ibang klase ng tao para pwede akong gumawa ng istorya ng isang pulubi o kaya ng isang prostitute kasi dahil sa limited sa'min ang tema ang masusulat mo lang e tungkol sa naiisip mo, sa mga nangyayari sa iyo at hindi ka pwedeng lumabas sa pagtingin ng ibang tao sa buhay.

mga naiisip na gagawin o mga topics:

1. Musika (music as an integral part of life, poem na gagamit ng titles/lyrics ng songs para ipakita na parte na ng buhay ang musika)

2. Jeepney Ride: Sakay Na (art of/stories about riding jeepneys na ginagawa ng maraming tao)

3. Ina (patungkol sa Inang Bayan,poem tungkol sa crisis sa Pilipinas, di na matatanggal na bahagi na ito ng buhay ng isang Pilipino kahit di nila minsan pinapansin).

SANA MAGAWA KO NG MAAYOS!

Sunday, September 12, 2004

2nd lang ang UP

noong nag-umpisa na ang palabas sa TV e alam kong nagkamali ako sa pagdecide na hindi sumama sa Araneta Coliseum kanina. pinakita yung crowd tapos nagrollcall ng schools at nagcheer ang mga tiga-UP. alam ko dapat isa ako sa mga boses na yon pero andito lang ako sa bahay at nanonood. alangan namang sumigaw ako ng UNIBERSIDAD NG PILIPINAS cheer dito sa bahay.

pero sinyales na rin siguro ang pagkawalan ko ng boses kaninang umaga. siguro kung nagpilit pa akong sumama e tuluyan na akong magmimistulang pipi bukas. grabe may sipon ako at walang boses, ang saya-saya.

-------------------------------------

nung nakita ko yung routine ng UST alam ko ng sila na ang panalo (kahit hindi pa nagpeperform ang UP). they got the moves and they are wonderful! alam ko dapat love your own pero i must be honest, magaling talaga sila kanina.

dance troupe sila, naalala ko na naman na may nagsabi sa'king ok lang kahit hindi marunong sumayaw ang cheerdancer pero hindi pala ito totoo. anagkaroon ng diversity yung types ng dance ng USTE kasi marunong silang sumayaw.

naalala ko rin yung sinabi nung kaibigan ko: pwede kang pangcheerdancing. ako: ha? bakit?. kaibigan ko: e sumasayaw ka naman e. ako: nyak di ako pwede sa cheerdancing no.

bakit ko nga ba naisip na hindi ako pwedeng pangcheerdancing? ito ang ilang rason na naisip ko:

1. di ko kayang magsuot ng uniform ng cheerdancer. baka maraming mag-aklas at sabihing di nila kayang tanggapin na magsusuot ako ng damit na nagpapakita ng laman, kasi hindi laman ang makikita nila kung di TABA.

2. di ko kaya ang smile nila. sabi nga ni Ate Vicky ang dancer hindi nagchecheerleader smile, dapat pinapakita nila ang feelings nung sayaw. ok lang sa'kin yun di naman ako palangiti at lalo namang di ako nakangangang sumayaw.

3. di ko kaya yung mga cartwheel, etc. basta di ko sila kaya e kaya ayoko.

4. feeling ko mas accident-prone ang cheerdancing. kita naman di ba kung bakit.

basta feeling ko talaga di ako pwede dun.

Habang nanonoood ako ng compet kanina e kumakain ako ng siopao. siopao at UST. naalala ko tuloy si siops na nag-aaral sa UST. miss ko na ang siops ko. nung 1st year college pa kami huling nag-usap.

-----------------------------------------

di kita nakita kanina. nawala yung cellphone ko kaya wala na yung number mo at baka hindi na rin naman yon yung number mo. sayang di ko man lang na-try na i-text ka kahit baka hindi na yon yung number mo. nakita kita nung isang araw sa tapat ng Quezon Hall pero asa jeep ako nun at kahit di naman ako nasa jeep non baka hindi rin naman kita pansinin, snob ako e (joke). hindi naman rin tayo nagpansinan nung nagkita tayo malapit sa Vanguard non pero nakita kong tinignan mo ako. naaalala mo pa ba ako? malamang no, ewan ko na lang kung nakalimutan mo na ako. babatukan kita hehe joke lang : )

tradisyon

andaming tradisyon na nababale.

dati noong bata ako ang Christmas ay sine-celebrate sa bahay ng tito ko sa Cainta at ang New Year dito sa may sa'min. tatlong pamilya kami. yung isa pang pamilya katabi lang namin yung bahay. bahay nila tita. tita ko na parang gusto akong i-adopt dati dahil ang mga anak nya ay puro lalaki.

pero nung namatay si Tatay (lolo ko sa father side) e nagbago ang lahat, nawala ang tradisyon. gusto ni tita na mas malaki ang mamanahin nya dahil mas matanda sya at mas marami raw syang nagawa para kay Tatay. pero dahil dapat ay may equality ay hindi pumayag si tito at si daddy. nagkaroon ng hidwaan.

ang naging tradisyon na e sa kanya-kanyang bahay pag Pasko at yung mga tito ko e pumupunta dito sa'min pag New Year pero hindi kasama sa selebrasyon ang kabila.

mga ilang taon rin ang ginugol sa korte, ilang libo na rin ang kinita ng mga abogado sa kanila. hindi ko na nga matandaan kung kelan ba talaga ito nag-umpisa. pero ngayon ayos na ang lahat, pumayag na rin ang tita na maghati-hati sila ng pantay. kaya ayos na ang magkakapatid at binabati ko na rin si tita na ilang taon rin akong di pinapansin.

nung huling New Year nandito sila sa bahay, yung mga taga-kabila. pero iba na, hindi na katulad nung mga bata pa kami.

-----------------------------------

pag HAMUNAN 1 times na sa org e ang nauuna ang batchhead, pain kung baga. tradisyon. pero ngayon dahil sa nagkagulo ang reservation ng ham(unan) room e hindi sya ang nauna. isang tradisyon na di nasunod pero babalik pa rin naman.

-----------------------------------

napagkasunduan namin ng mga kabarkada ko na every year manonood kami ng UAAP Cheering Competition. nung mga freshmen pa kasi kami e required halos lahat kami na manood at nag-enjoy kami. lagi kaming sa upper box B para malapit kami sa drummers at dun kasi masaya ang crowd.

pero kaninang umaga (past 12 midnight na non e) e napagdecidan kong di na talaga ako manonood. kakatapos ko lang ayusin yung project namin na isang computer program at hindi pa ako nakakapag-aral at marami pa akong babasahin kaya hindi na talaga ako makakasama.

nalulungkot ako. tradisyon na sa'min ang manood.

Saturday, September 11, 2004

dapat may isusulat akong poem dito pero wag na. lalabas na naman ang frustrations ko sa buhay. tama na ang drama sa buhay (as a whole). drama na lang sa acad life ang atupagin. unti na lang naman matatapos na rin naman ito e. (sana matapos ng maayos).

---------------------------

syempre opinyon nya yon. iba ang opinyon ko at ang alam ko di ba? tama na kasi ang kabaliwang ito [monologue po ito, wag na lang pong pansinin]

---------------------------

bakit ba pag natutuwa ka sa isang tao e ganito ka?[another monologue]

---------------------------

9/11 pala ngayon no.

---------------------------

mabuhay kayong lahat! [wala lang akong masulat, pagbigyan nyo na ako]

Friday, September 10, 2004

*sigh*

dahil sa nakatulugan ko si Smith, Van ness at Abott kagabi ay patay na ako.

-------------------------------

di daw naniniwala yung boyfriend ng kaibigan ko na di ako lesbyana. pero syempre joke lang yun, babae po ako. confirmed na yan.

-------------------------------

walang kwenta... nakakainis. di namin matapos-tapos yung mass balance ng process design namin.

-------------------------------

walang pumapasok sa utak ko. gusto kong magsulat pero wala talagang ideyang pumapasok.

-------------------------------

mamimiss ko yung cheering compet (na pinangako naming magkakaibigan na sa limang taong pamamalagi namin sa UP ay panonoorin namin bawat taon) dahil sa rami ng exams next week at syempre hindi lang exams ang pagkakaabalahan ko. MONDAY - ChE122. TUESDAY -ChE133. WEDNESDAY-ChE134. SATURDAY - ES12! at syempre pag-iisipan ko pa kung anong isusulat ko sa zine ng grupo namin na tungkol sa everyday life of an ordinary person (ayokong ordinary student ang isipin, limited lang ang magagwa dun e). at ang WALANG KAMATAYANG PROCESS DESIGN!!!!!

-------------------------------

FISCAL CRISIS. pork barrel. mga corrupt. para raw sa samabayanang Pilipino. OWs, talaga lang ha?

-------------------------------

di ba sabi ko nga RANTY ako!

Wednesday, September 08, 2004

May Kakaibang Gripo sa Banyo ni Schedar Jocson

vani, ito na yung story ni Schedar Jocson. nabasa mo na ba yung Intellectual Mass Starvation?

Namamaga ang puki ko.

Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ito. Sinimulan ko nang patuluin ang tubig sa balde habang nagtatanggal ako ng damit para maligo pagkagaling sa eskwelahan. Pagkatanggal ng panty, iyon na ang nakita ko. Mamula-mula at nakaumbok. Gusto ko man sabihin kay Nanay ang nangyayari, may demonyo naman na pumipigil.

Tanghali na ako nagising kanina — 5:30 ng umaga. Galing pa ako ng Paranaque at 8:30 ang klase ko.Matagal akong maligo, dahil tinitiyak kong wala ni isang libag ang natitira sa katawan ko. Kaya nga puro sabon ang nasa banyong iyon. Syempre, bago ako umalis ng banyo, kukuskusin ko nang maigi ang puki ko, gamit ang feminine wash na binibili ni Nanay (Pepeng Patis kasi ang tawag sa akin nung bata ako). Ito kaya ang rason kung bakit namaga ang ari ko? Malamang hindi. Tulog pa kasi ang mga tao sa bahay nang ganung oras.

Mula sa EDSA, kung saan dumadaan ang bus na sinasakyan ko, bababa ako ng Aurora at saaakay ng dyip papunta ng R-Magsaysay Blvd. Ba't sa sampung santong kamalas-malasan, nasakyan ko pa ang jeep na may lumang kaha at pakiramdam ko ang upuan nito, binabahayan na ng surot. Wala na akong magawa, 7:30 na at ma-le-late na ako. Tapoi yung mama sa tabi ko, parang tsinatsansingan pa ako. Nakakainis dahil bukod sa bastos na ginagawa niya, kamukha niya pa yung kinasusuklaman kong tao.Buti na lang at hindi naman niya nahawakan ang puki o dede ko. Malas niya. Kung surot man ang dahilan ng pamamaga ng puki ko, swerte naman nung surot na iyon, nadapuan niya puki ko, nakagat pa. Wala naman akong naramdaman.

Pagkadating ng jeep sa kalye na tinutumbok ang gate ng eskwelahan ko, dali-dali akong bumaba at nag-walkathon papuntang third floor ng CAS building. Muntik pa akong matisod sa second floor dahil letcheng mga freshmen yan, nakaharang sa daanan. Buti nalang wala pa yung terror na propesor ko kaya nakaayos pa ako. Tamang-tama naman na dumating ang pinagpapantasyahan kong kaklse. Ewan ko kung anong pangalan, ang alam ko lang Info Tech sya. Tsaka pag nag-sex kami, sasabihin ko ba ang pangalan niya? Parang nakuryente ako sa kilig nang tinanong niya kung dumaring na si Ma'am. Ang sarap halikan at sabihing 'Tanga, may nakita ka na bang gurang dyan sa harapan?" Dahil nga crush, pa-cute kong sinabing "hindi pa". Ngumiti siya sa akin, at naku, hindi kaya sa biglaang pag-reach ng orgasm kaya namaga ito? Hindi naman. Nung nakaraang gabi, nangyari rin naman ito, pwro wala namang nangyari.

Hindi dumating si Ma'am. Yes! Next meeting pa ang reporting ko. Matagal pa ang susunod na klase ko, ala-una pa kaya tumambay na lang ako sa org. Kinasusuklaman ko man ang mga tao dun, wala akong magawa. Plastikan na lang. Sige lang nang kwento yung mga babae dun tungkol sa pinaka-latest na commercial ng Libresse. Weird daw na lalaki ang endorser ng napking pambabae. Kesyo hindi naman daw nila alam kung paano magka-regla. Tinanong nila ako kung ano sa palagay ko. Sabi ko naman, bakit si Angela Velez din naman, nag-endorse ng condom kahit hindi naman niya sinusuot Natahimik sila.

Hindi kaya yung mint flavor na condom yung dahilan nitong pamumula't pamamaga? Hindi. Mag-iisang linggo na nung nangyari iyon. Yung taga-frat na malapit sa tambayan ko yung gumalaw sa akin. Imposible yun.

Alas-onse nang umalis ako sa tambayan. Pumunta ako sa labas para bumili ng sanitary napkin ko, yung Whisper with Wings, for Regular Flow. Hindi naman kasi ganong kasakit ang buwanang dalaw ko. Mrumnong din itong makisama. Nakita ko pa yung dati kong kaklase sa high school, at nagyaya na kumain daw kami kay Aling Maring, Pagdating sa kainan, nakahanap kaagad kami ng upuan. Nauna siyang bumili habang nagbabantay ako ng gamit namin. Sa paghihintay, kinalkula ko kung kailan ako huling dinatnan. Minabuti kong mag-CR para maglagay ng napkin pagkadating ng kaibigan ko. Pagpasok sa banyo, umalingasaw sa akin ang sangsang ng CR. Nanunuot sa ilong ang amoy. Saka ko lang naalala na bukod sa masarap na inihaw na baboy, kilala ang kainan ni Aling Maring sa pagkakaroon ng pinakamaruming banyo sa lugar na iyon. Hindi sana ako uupo sa inodoro, kaya lang napaihi ako. Matapos umihi, nilagay ko na yung napkin. Bumili ako ng lunch.

Hindi kaya sa paggamit ko ng CR na iyon, may kung anong germs ang dumikit sa balat ko? Hindi naman siguro. Bakit naman sa banyo namin sa bahay, marumi siya, yun nga lang may kakaibang germs na naroon.

Bago mag-ala-una nang nagyaya na akong umalis. May klase pa ako. Nilakad ko na ang building ng Accountancy and Finance mula sa kainan. Exercise. Kinilabutan ako tuwing dadaan ako sa may tabi ng talahiban malapit sa sapa. Parang isang setting ng rape scene sa TV. Nakakatakot, lalo na pag yung rapist, nanlilisik ang mga mata at karnal ang mga ttrig. Diretso lang ako sa paglalakad sa ilalim ng tirik na katanghalian. Pumasok na ako sa room namin. Malamig.

Hindi kaya napasma yung puki ko kaialakad? Ibang epekto naman siguro yun.
Matapos ang klase ko, naglakad ako nang kaunti, papuntang kanto. Dumaan ako sa ihawan at kumain ng isaw, bumili ng sago-gulaman at limang pisong fishballs. Matapos kumain, umuwi na ako. Wala naman akong naramdaman na kung anumang pangangati sa puki ko mula noong kaninang umaga hanggang sa pag-uwi ko. Kaya nga laking gulat ko nang nakita kong pula na ito at nakaumbok pa.

Ito na nga ang tumambad sa akin sa banyo. Ang namumulang puki ko. Ginamitan ko nga ng feminine wash. Pero, hindi tulad kaninang umaga na kinuskos ko nang todo, marahan ko itong dinampian ng kamay ko. At nawala ang pamumula.

"Siguro, maliit na ang panty mo" ang sabi ni Tatay, habang patuloy ang pagtulo ng tubig sa balde.

Monday, September 06, 2004

ang totoong istado ko

ayan makikita nyo sa left side ng blog ko kung anong istado ko. OPO, RANTY po ako nowadays. di ko alam, basta maraming bagay ang nangyayari ngayon sa buhay ko. minsan wala akong masabihan paano minsan ayoko na lang rin magsalita. *sigh*

------------------------

i think, di ko na kailangan ng paglilipat bahay (dito sa blog). as you can see may bagong anyo na ang blog ko.

------------------------

yung kaibigan ko tumawag pa talaga kahapon sa akin para sabihing di raw nya kinaya ang first line ng pina-print ko sa boyfriend nya. paano ba naman ang first line nung short story ay "Namamaga ang p*ki ko" yun na nga. galing kasi yun sa "May Kakaibang Gripo sa Banyo" ni Schedar Jocson. Pati boyfriend nya nagtext rin sa'kin nung umaga para sabihin na na-shock raw sya. sabi ko galing yun sa original text at di pa naman ako ka-liberal gumawa ng istorya. kung ako rin ang pababasahin mo ng ganyan siguro nung before ng hum1 class ko e mapapa rin naman ako pero sanay na ako ngayon. mas mataas na ang tolerance ko dyan.

pero ito ang di ko kinaya. kung gusto nyong malaman ang istorya ng SNOW WHITE and THE SEVEN BALLS basahin nyo ito INTELLECTUAL MASS STARVATION ni Vladimeir Gonzales.<---link ito click nyo na lang para mabasa nyo

-----------------------

speaking of kwento, nakuha ko na ang alamat ko at nakakuha ako ng 1.0.
at salamat nga pala dun sa groupmate ko na nagpahiram ng readings sa akin!

Sunday, September 05, 2004

isip-isip

andami kong gustong sabihin na nasa utak pero hindi ko alam kung paano sila ilalagay sa panulat. at kung kanino ko rin sasabihin di ko rin alam. basta sana matapos na itong sem na ito para matapos na ang lahat ng maraming gawain.

---------------------

huling for you, di ko alam kung bakit nangyari yon, naiisip ko malamang baka hindi ako ang dahilan pero guilty ako. pinagmamasdan kita tapos naisip ko nga bakit nga ba kita nagustuhan? pero tulad nga ng sinabi ko dati di kita gusto, natutuwa lang ako sa'yo. huli na itong para sa iyo, promise. kung masusulat ka man uli sa blog ko, hindi na ganito.

----------------------

di ko maayos itong blog na ito so malamang liipat bahay na naman ako ng blog pero sa sembreak na siguro. sana bisitahin nyo pa rin pag nagkaroon ako ng bagong blog. salamat Ü

Saturday, September 04, 2004

...



What Is Your Best Sexual Skill?
Name:
Age:
Sex:
Sexuality:
Flirting Skill Level - 89%
Kissing Skill Level - 81%
Cudding Skill Level - 75%
Sex Skill Level - 44%
Why They Love You You know how to push their buttons.
Why They Hate You You're too good to be true.
This quiz by lady_wintermoon - Taken 664481 Times.

san ka di ba? napaka "hindi ako" nung nakalagay. o well para namang naniniwala ako dyan. at saka syempre peyups nick ko ang ginamit kong pangsagot. pag ginamit ko yung tunay kong pangalan ito ang result:

flirting skill level - 54%

kissing skill level - 18%

cuddling skill level - 79%

sex skill level - 42%

malayo pa rin sa realidad, ang babaeng torpe 54% ang flirting skill ewan ko lang.

--------------------------

had my hair relaxed last night. at dahil dito na-miss ko ang panonood ng Carmen at ang hang-out with the singles' thread peeps. ok naman sya (yung buhok ko) pero di ako masyadong satisfied. sana sumama na lang ako sa kanila kasi pwede naman palang ngayong gabi ko na lang iparelax ang hair ko.

--------------------------

nanalo UP (basketball men's) nung thursday sa yakal kami nanood nung orgmates ko. ansaya-saya Ü

--------------------------

andami ko pang gustong isulat pero naiinis ako kaya ayoko munang magsalita/magsulat. sa susunod na lang siguro.

Wednesday, September 01, 2004

ber months

habang nasa may fishballan kami sa may SC e saka ko lang nalaman sa mga kasama ko na september na pala. hindi ko na namalayan ang panahon, isang buwan na lang at matatatapos na ang sem na ito. umpisa na ng "christmas rush" sa Pilipinas. ber months na.

--------------------------------

ang kailangan kong pag-iyak e nangyari kanina. nung una pinipigilan ko pa ang pagtulo ng luha pero walang nangyari at dumaloy na sya.

--------------------------------

nagsigawan kami ng kapatid kong lalaki. muntik na akong maiyak ulit pero hindi na. inaamin ko medyo kasalanan ko, naging oversensitive na naman ako.

QOTD

ito ang QOTD na pinost ni nescafe_ice13:

have you ever wondered why you are single? and how do you feel about it?

at ito ang sagot ko:


of course i wonder :hahaha: seriously, oo lalo na kung ang mga HS at GS friends mo na kasama mo noon sa pagiging "bata" are starting to grow up and enter to relationships. parang ako wala ni ligaw wala pa :hahaha: minsan i wonder more kung ako ba yung problema, i mean masyado ba akong mataray (sabi nila kasi mataray daw ako) o i'm simply unlikable.

how do i feel about it? ako kasi yung taong gusto kong manligaw sa'kin yung gusto ko rin yung tao at saka yung taong yun yung magiging proud ka na ihaharap mo sa family members mo ganyan etc. kaya kung di rin ganon yung feeling ko sa manliligaw sa'kin e mas pipiliin kong maging single. ngayon meron naiisip na taong ganyan hehe yung crush ko pero wala kasi sya sa circle of friends actually di ko nga sya kilala pero yun feeling ko his one person na kung magiging boyfriend ko e maipagmamalaki ko pero hanggang wishful thinking na lang ako hehe.